ALEXA POV NAGISING ako nang may naramdaman akong kakaiba. Pagmulat ng mata ko--- iyon na lang ang gulat ko nang makita ko mismo ang mukha ni Forth, nakapikit ang mata nito at ang labi namin ay magkalapat. Hinawakam ko ang braso niya, mabilis na napabangon. "What are you doing?!" may galit sa boses kong tanong sa kaniya. May gulat sa mukhang nagtaas ito ng tingin. "Pinagkakatiwalaan kita rito! Ano'ng ginagawa mo?" muli kong tanong dito. "S-sorry! I'm sorry!" Kitang-kita ko kung ilang beses itong napalunok, nag-iwas ng tingin sa akin. "Bakit mo ginagawa mo sa akin 'to,Forth? Ilang beses na e---" inis kong sabi. "Kailanman hindi ko kakalimutan; iyong sa quadrangle, iyong sa kotse, sa Pampanga, sa rooftop. Ano ba ang tingin mo sa akin?" Tumayo ako at pilit siyang hinarap. "Hindi pa

