ALEXA POV HINDI ko alam kung dapat ko ba paniwalaan ang siyang tumawag sa akin gamit ang numero ni Forth. Ngunit hindi ko rin maitatanggi sa puso ko ang kabang nararamdaman ko. Naaksidente si Forth, ayon dito. Nagdesisyon akong tawagan si Chester--- ito lang din kasi ang naisipan kong pwedi akong samahan puntahan si Forth. Malapit lang area nito sa akin, alam kong sa Magallanes lang ito nakatira. Pero sa kasamaang palad may lagnat ang Lola nitong tanging kasama lang nito sa buhay. Nakabihis na ako nang muli akong naupo sa isipin na kung tama ba ang desisyon ko. Sa isip ko sumariwa sa akin ang araw na kinailangan akong dalhin nito sa Hospital. Isang buntong-hininga ang siyang pinakawalan ko matapos mabuo ang isang desisyon sa isip ko. FORTH POV MAAYOS na akong nakahiga sa silid k

