ALEX POV ISANG paglunok pa ang pinakawalan ko nang harapin ko si Chelsea. "Ang pagkakaalam ko ako ang girlfriend ni Forth!" galit nitong bulyaw sa harap ko. Iniwas ko ang tingin ko nang makalapit ito sa gawi ko, hindi ko alam kung bakit ito nandito. Tulad ng sabi sa akin ni Forth, ako lang ang siyang tinawagan niya para ipaalam ang kalagayan niya sa akin. Pero paano nalaman ni Chelsea? Nagsinungaling ba sa akin si Forth. Isa pang paglingon ang siyang ginawa ko sa mahimbing ng natutulog na lalaking nasa tabi ko. "May balak ka ba talagang agawin sa akin ang boyfriend ko, ha?" bulyaw nito. Lihim akong napakagat-labi hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas para sagutin ito sa patutsada nya sa aking hindi naman totoo. Naramdaman ko ang siyang pagtabing niya sa katawan ko. Mahigpit ang

