Alexa POV
Sa unang pagkakataon ay nakita kong magkasama si Forth at Alexa. Hindi ko akalain na totoo nga ang nababalita tungkol sa dalawa. Naninikip ang dibdib ko at nagbabadya ang luha ko. Kinalma ko ang sarili ko at naupo sa silya. May sarili akong cubicle at wala naman mag-uusisa sa akin dito pero mali ako dahil may lumapit sa akin -- si Japet.
"Anyare?" tanong ni Japet sa akin.
Nakatutok ang mga mata n'ya sa screen ng computer ko. Hindi n'ya maintindihan kung ano ang tinitingnan ko at kung bakit ako wala sa mood.
"Nandoon siya."
Napilitan akong sagutin s'ya. Napansin ko pa ang pagkunot ng noo n'ya. Nagtataka pa rin at hindi ma-gets kung bakit mukha akong nalugi. Pinaikot nito ang swivel na parang bata at saka tumabi sa akin.
"Si Forth ang tinitingnan mo kanina."
Banaag pa rin ang kalituhan sa mukha n'ya kaya ipinagpatuloy ko ang pagsasalita. Hindi ko naiwasan na humugot ng malalim na hinga. Talagang sobra ang bigat ng dibdib ko ngayong araw na ito.
"Kasama niya si Chelsea! Mukha siyang dyosa Japet."
"Sino naman si Chelsea?"
"Iyong nililigawan niya."
Ano ba naman itong si Japet, hindi ba n'ya nabalitaan ang tungkol kay Chelsea at Forth? Para tuloy kaming hindi reporter nito. Naputol ang aming pag-uusap ng sumungaw ang isang lalake sa cubicle n'ya. Pinsan ito ni Forth at kasama sa banda.
"Hi," masayang bati nito sa amin.
"Yes, sir? Do you need anything?" tanong ni Japet na nagmadaling tumayo sa harap ng binatang nakilala niyang si Gelo.
"I just want to ask her thing. Can I?"
Agad kaming iniwan ni Japet para magkaroon ng privacy. Ano kaya ang kailangan n'ya sa akin? Tumayo ako at tinanong kung ano ang kailangan n'ya.
"Anything wrong, Sir?"
"Nothing I just want to clarify some things--- na hindi ako kasama sa banda ng mga pinsan ko. I am just a substitute while Forth is busy playing his sports."
"Ah, okay."
May sasabihin sana siya ng matuon ang pansin niya sa sunod-sunod na lumabas mula sa opisina ni Douglas. Ang magpipinsan na sina Uno,Dos, Tres, Cinco kasunod si Forth na nasa tabi pa rin si Chelsea. Lahat sila ay mukhang masaya. Napansin ko rin kung paano hawakan ni Forth si Chelsea -- parang babasaging kristal at ingat na ingat dito. Hindi ko naiwasan na magpakawala ng malalim na paghinga at napansin ito ni Gelo.
"Do you like Forth?"
Napatingin ako sa kanya. "Ha?"
Nakangiti si Gelo habang nagkukwento. "Nililigawan niya palang naman si Chelsea."
"Doon rin naman nagsisimula ang lahat," wala sa sariling tugon ko.
"Wala na akong sinabi--- but take care of your heart."
Weirdo din ang pinsan ni Forth. Nahalata siguro n'ya na may gusto ako sa pinsan n'ya. Take care of your heart ka dyan.. heto nga at pira-piraso na. Tinitigan ko ang litrato ng mahal ko sa social media. Sayang naman paghihintay ko sa'yo manliligaw ka lang pala ng iba. Parang tanga akong kinakausap ang profile picture n'ya habang dinidribol n'ya ang bola sa gitna ng court. Kung hindi ako nagkakamali ay sa Araneta ito.
"Kausap mo ba ako?"
Muntik na akong mahulog sa upuan sa gulat ng marinig ang boses n'ya at mabilis na isinara ang laptop. Ngumiti s'ya sa akin kaya lalo na akong hindi makaapuhap ng sasabihin.
"Uh -- Ano kasi.."
Sa katarantahan ko ay hindi ako makabuo ng pangungusap. Ano ba yan? Nakakahiya ka Alexa?! Paano ka magugustuhan ni Forth kung simpleng tanong na yes or no hindi mo pa masagot.
"You're so cute," tatawa tawang sabi ni Forth na naglakad na palayo sa akin.
Hay buhay! Pagkakataon ko ng makausap s'ya kahit saglit ay napipi pa ako. Kung hindi n'ya siguro ako nahuli kanina na nakikipagusap sa litrato n'ya ay hindi ako matataranta. Kaya lang, marunong din s'yang mag-ninja moves! Bwiset!
Naisipan kong tawagan ang kaibigan kong si Grace. Maghahanap ako ng karamay. Wala naman kasi akong pwedeng pagsabihan ng tungkol dito. At least kay Grace, safe ang sereto ko.
"Alexa..”
Sa boses n'ya ay halatang bagong gising. Ano bang oras na? Nang sulyapan ko ang relo ko ay maaga pa pala. Wala pang alas otso.
"Good morning," walang gana kong sabi sa kanya.
Natawa ito at narinig ko pa ang mahina n'yang paghikab. "Magandang umaga ba 'yan talaga? Daig mo ang nalugi sa negosyo ah."
Hindi ko pinansin ang sinabi n'ya at itinuloy ang pagkwento ko sa kanya. "Nakita ko sila."
"Sino?"
"Sino pa ba? Si Forth -- kasama si Chelsea.
Sa imbes na damayan ako sa pagdadalamhati ay tumawa pa ito ng malakas.
"Grace naman eh," sikmat ko sa kanya.
Patuloy pa rin ito sa pagtawa. "Kaya pala ganiyan ang awra mo. Nakita mo na pala ang impaktita."
"Graciaaaaaa.... hindi ko inakala na makikita ko silang magkasama," naiiyak kong sabi sa kanya. Gusto ko na ngang maglupagi ngayon. "Hindi ko talaga inasahan 'yon kasi akala ko hindi totoo ang balita. Ang sakit!"
"Hay naku, friend -- magcoffee tayo mamya. Sagot ko na. Pampalubag sa naluray mong puso."
"Sure ka ha?"
"Oo nga. Pagplanuhan natin kung paano natin itutumba si Chelsea."
"Baliw ka talaga! Hindi ka matinong kausap eh."
Patuloy pa rin ito sa pagtawa. "Kaya nga tayo magkasundo, pareho tayong baliw. Sige na, mamaya na lang."
Pasado alas-syete na ng gabi nang sunduin ako ni Grace. May dala s'yang sariling sasakyan. May pundar din naman ang loka kahit papaano. At kahit ganito s'ya kaluka-luka ay maaasahan ko s'ya lalo na kapag kailangan ko ng kausap.
"Are you okey now?"
Pumasok ako sa kotse n'ya at iniabot n'ya sa akin ang isang milk tea. Ito ang isa sa pampawala ng stress ko.
"Medyo na hindi pa rin."
Natawa si Grace. "Anong klaseng sagot 'yan?" Nagkibit balikat ako. "Coffee shop or bar hopping?"
"Alam mo naman naka pang-office get up ako tapos yayayain mo 'ko sa bar. Hmp!"
Napakamot ito sa ulo n'ya. "Baka lang naman gusto mo magwala at maglasing, Ms. Alexa Gomez."
Napapikit ako at nakita ang sarili ko na tumatango sa suggestion n'ya. Nagpunta kami sa Jamboree Bar sa may Quezon Avenue. Madalas sila dito kaya kilala na ng bartender. Umorder ng dalawang tequila si Grace at nagtoast pa -- kung para saan ay hindi ko rin alam.
"Para sa pusong sawi. Cheers!"
Napapikit ako sa pait. Pero may mas papait pa ba sa nararamdaman ko ngayon? Ang kasabihan na first love never dies ay talagang nakakainis. Kung hindi rin lang ukol, huwag ng bumukol -- please lang heart, kalimutan mo na si Forth.
"Tulala ka na naman!"
Inirapan ko s'ya. "Tinext mo na ba," tanong ko sa kanya. Ang tinutukoy ko ay ang ex nitong si Marlou -- pinsan ni Chelsea.
"Yes. Parating na 'yon hindi naman ako matatanggihan n'on," tugon ni Grace sabay kindat sa akin.
Tumanggi na ako sa sunod na shot. Hindi ko talaga kaya ang lasa. Okay na akong panoorin ang mga nagsasayaw at makinig sa musika galing sa live band.
"Inom pa."
Sadyang malakas ang tolerance ni Grace sa alak. Parang tubig lang dito ang iniinom namin samantalang ako ay magkanda-duwal na sa lasa. Mapait talaga at hindi ko gusto.
"Pass."
Sumimangot ang kaibigan ko pero hindi ko s'ya pinansin. Mawawala din ang pagsisintir n'ya. Alam ko na ang ugali n'ya. Nagpatingin tingin na lang ako sa paligid at nilibang ang sarili ko. Pero natigilan ako ng makilala ang isang pamilyar na mukha.
Nandito rin si Chelsea at sopistakadang sopistikada ang dating. Nakahalter blouse ng itim at tinernuhan ng fitted black jeans. Nakalugay lang ang itim at tuwid na buhok nito. Hindi ako maaaring magkamali, s'ya ito. Tatawagin ko sana si Grace pero abala ito sa pakikipagusap sa bartender, si Noriel. Nang tingnan ko uli si Chelsea ay may kausap na itong lalake na mukhang kaedaran lang nito.
"Grasya look who's here."
Lumingon ito at sinundan ang tingin ko. Nag-usap ang mga mata namin at iisa ang aming conclusion.
Si Chelsea ay nandito sa parehong bar at may kasamang ibang lalake. Ang buong pag-aakala namin ay nililigawan ito ni Forth. Sensationalized pa nga ang balita tungkol sa dalawa. Pero sino itong kasama n'ya?