CHAPTER FOUR

1116 Words
ILANG beses ko ring tiningnan ang gallery ko. Kong saan marami kaming kuha ni Grace na picture na kuha kay Chelsea sa kasama nitong lalaki sa Bar. Napaupo ako nang tuwid hindi mawala sa isip ko ang tagpong nasaksihan ko, hindi mawala sa isip ko ang mga tanong kung sino nga ba ang kasama ni Chelsea sa bar. Muli kong binuklat ang photo album kong saan puno ng larawan ni Forth. "Sasaktan ka lang ba niya?" kausap ko sa sarili ko sa larawan ni Forth na animo nakangiti sa akin. Muling akong nahiga. Pinikit ko ang mga mata ko muling nanariwa sa akin ang nakaraan sampong taon na ang lumipas. Ang mga araw na madalas kong ninanakawan ng tingin si Forth. Sa t'wina napangiti ako kahit pala minsan hindi nawala sa isip ko ang binata. Mula noon hanggang ng mga sandaling 'yon si Forth pa rin pala ang lalaking minahal ko. "Sana mahalin ka niya," bulong ko sa sarili, tukoy ko kay Chelsea. MASIGLA ang lahat pagpasok ko sa opisina. Agad kong nilapitan si Japet na abala sa ginagawa nito sa sariling desktop. "Iba yata atmosphere ngayon a," mahinang bulong ko sa kaibigan. Nilingon ako nito nakangiwi. "May bisita si Douglas," aniya. 'Kaya pala,' Tumango-tango ako sumulyap sa opisina ni Douglas. "Kilala mo?" tanong ko rito. Ngumiti ito sa akin sabay kindat tila nabasa ang nais kong malaman. Nagkibit-balikat si Japet. "Pinsan ng mahal mo," sagot nito sa akin. "Wala si Forth?" alanganin kong tanong. Umiling-iling itong nakasimangot. Napataas kilay ako hindi naniniwala sa sinabi nito. Nakita kong napatawa si Japet. "Iyong totoo Japet?" "Nakakainis ka!"  binato ko ito ng hawak kong ballpen. "Excuse me!" Kapwa kami napalingon sa isang tinig mula sa likuran namin. "Hi, Alexa,"  bati sa akin ni Gelo, ang tinutukoy ni Japet na pinsan ni Forth. "Hi, Gelo right?" aniya ko- nang tumayo ako paharap sa akin. "Ambilis mo naman yata kalimutan ang pangalan ko," natatawang sabi nito sa akin. Napatawa rin ang ako sa harap nito. "Kidding aside. Uhm, bakit ka nandito meeting?" tanong kosa binatang nasa harap ko. Nanatili ang ngiti ko sa labi ko para sa kaniya. "I just want to see you," bola nito sa akin. If I know. Nginusuan ko ito kasunod ang pag-ikot ng bola ng mga mata ko. "Funny," tugon ko rito. Pagkatapos umupo ako sa harap ng sarili kong Desktop para balikan ang ginagawang kong trabaho. Marami pa pala akong kailangan tapusin. "Just kidding. I'm here to begin the work with you. Like Douglas said." Ilang sandali narinig ko mula kay Angelo. Nagtaas ako ng tingin kunot nuong sinalubong ang tingin nito. "They don't discuss me about things pa," aniya ko kay Gelo. Kibit-balikat lang ang siyang tugon nito sa akin. "Susunod si Forth." Narinig kong sinabi nito kapagdaka nang tumalikod akong muli mula rito. Lihim akong napangiti sa idea na may pagkakataon akong makita ulit ang binatang si Forth. "I'm not interested!" pagkukunwari ko. "Talaga ba, Ms. Gomez?" biro sa akin ng binata. Muli ko itong nilingon binigyan ng pilit na ngiti. "As far as I know. Type mo siya?" dugtong pa nitong pang-aasar sa akin. Tinuon kong muli ko sa Desktop computer na nasa harap ko. "Hindi ko alam ang sinasabi ko,"  sabi ko rito at hindi na ako muling nagtaas pa ng tingin dito. "O! Forth is there na." Natigilan ako sa narinig ko mula kay Gelo. Lihim akong napalunok na baka totoo ngang nandoon si Forth. "Forth, Here." Narinig kong sigaw nito. Dahan-dahan akong napalingon to make sure na si Forth nga ang siyang tinatawag ni Gelo o baka as usual! Binibiro lang ako nito. "Kanina ka pa?" tanong ni Forth kay Gelo, nang makalapit na ito sa gawi ni Angelo at sa tabi ko mismo. Pero hindi man lang ako nito pinagka-abalahang tingnan. "Medyo maaga lang ako, may gusto rin sana akong tingnan. Right, Alexa?" Nagbaba ng tingin sa akin si Angelo. Pilit akong ngumiti dito- iniwas ang tingin sa akin nj Forth- parang hindi ko yata kayang salubungin ang siyang tingin nito, pakiramdam ko natutunaw ako. "She is, Alexa. You know her right, Bro?" tukoy sa akin ni Gelo. Muli akong napalunok ng tuyong laway nang magtama ang tingin namin ni Forth. "Just yesterday," aniya. Binalik nito ang tingin kay Angelo, ni hindi man lang nag-abalang tanungin ako kung kamusta! Suplado! Sigaw agad ng isip ko. "Nasaan si Douglas?" Kapagdaka narinig kong tanong ni Forth kay Angelo. Nagbawi ako ng tingin muling binaling sa article na ginagawa ko tungkol sa mga ito. Lihim kong sinundan ng tingin ang dalawang nagpasyang magpaalam akin para puntahan si Douglas. Wala sa sariling napangiti ako. Ang isiping nasa iisang gusali lang kami ni Forth, ay labis na nagbigay ng tuwa sa puso ko. Gusto ko magkaroon ng pag-asa, na magkakaroon ako ng pag-asang mapalapit sa binatang labis kong hinahangaan noon pa man. Sumagi muli sa akin ang nakita naming tagpo nagdaang gabi sa nililigawan nitong si Chelsea, kasama ang hundi ko nakilalang lalaki. Na sa unang tingin iisipin mong may ugnaya ang dalawa sa lagkit na tinginan ng mga ito. Ang nakita namin ni Grace, na nakunan pa namin ng ibang larawan. Ay hindi isang normal na magkakakilala lang. Napaisip ako, nagtatalo ang isip ko kung sasabihin ko ba kay Forth ang lahat ng tungkol kay Chelsea. Dahil si Forth nasa opisina lang ni Douglas-- ngunit nanaig pa rin sa akin ang pagkakaroon ng isang palabra-de-honor tulad ng pangako ko kay Grace na walang may makakalam sa nakita naming dakawa hanggang sa hindi kami makasigurado kung sino nga ang siyang kasama ni Chelsea. "Alexa, tawag ka sa opisina ni Douglas," untag sa akin ni Japet- nagtatakang tanong ang siyang pinukol ko rito. Napakunot-nuo akong sinundan ng tingin ang binata. "Bakit daw?" "Puntahan mo na para maka-libre ka ng silay kay Forth," tukso nito sa akin. Napangiti akong napailing-iling. Exhale! Enhale ang siyang pinakawalan ko bago ko pinihit ang seradura ng pribadong opisina ni Douglas. Wala ng ibang tao ang bumungad sa akin maliban kay Forth, abala ito sa tinitingnan nitong magazine. Napatikhim ako para kunin ang presensuya ng binatamg hindi yata namalayan ang siyang pagdating ko. "Yes?" aniya nito nang malingunan ako. "U-hm! Douglas is here? Pinatatawag niya raw kasi ako," turan ko rito. Una akong nag-iwas ng tingin binaling sa pribadong opisina ni Douglas sa kaliwang bahagi sa gawi ko. "Alexa, Right?"  Kabadong napaingon ako sa gawi ni Forth sa narinig kong tanong nito sa akin. Tumango ako sabay sabing. "Yes?" sa kaniya. "Parang familiar ka sa akin, parang nakita na kita hindi ko lang maalala," aniya. Muli kaming nagkatinginan. Lihim akong nagdasal na sana maalala ako ni Forth--na maalala nito ang tungkol sa aming pagiging unang halik sa isa't isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD