"Oh! You're here!" Napalingon ako sa boses na nagmula sa likuran ko. Walang iba kundi ang makulit na si Angelo.
"Naiisturbo ko ba kayo?" dagdag pa nito. Lihim ko itong pinagtaasan ng kilay. Sa ginawa nitong pag-aabala sa pag-uusap namin ni Forth. Ni hindi man lang nito natuloy ang nais sabihin nito sa akin, na baka nga naalala ako nito.
"Pinatawag ako ni Douglas," maiksi kong tugon sa binatang ang mga mata nito'y may halong pang aasar na sa akin lang nakatingin.
"Douglas is not around. You have more time to talk," aniya.
Napasimangot ako sadyang makulit talaga si Angelo, mapang asar lang talaga ang binata. Ang buong akala ko pa naman tahimik ito at seryoso.
"Papasukin mo na baka importante," sabi ni Forth na 'di na muling nag abala pang magtaas ng tingin sa akin. Isturbo kasi talaga ang isang 'to. Tumabi si Angelo para bigyan akong daan. Matapos magpaalam sa mga ito tumuloy ako sa opisina ni Douglas.
FORTH POV
"Maganda siya ano?" narinig kong bulong sa akin ni Angelo nang makapasok na ang dalaga sa pribadong silid sa opisina ni Douglas tungkol sa mga mahahalagang bagay na pag-uusapan siguro ng mga ito.
"She looks familiar," sagot ko sa pinsan kong si Angelo, napakunot ang nuo nito sa akin.
"Baka ex mo, Bro," aniya. Hindi ko pinansin ang pambubuska nitong halata naman dito.
WALA na si Forth at Angelo nang lumabas ako ng opisina ni Douglas. Luminga-linga ako sa paligid umaasang nandoon pa ang binata. Napangiti ako ng pilit ng masiguradong wala na ang mga ito. Baka kako umuwi na naisip ko.
"Umuwi na," kumpirma sa akin ni Japet nang mahalata siguro nitong may hinahanap ako sa paligid.
"Sino?" Pagmamaang maangan ko sa kaibigan ko habang naglalagay ng blush on powder sa mukha ko.
"Si Forth sino pa nga ba?" aniya. Tumango-tango akong akangiti rito.
"Alam mo h'wag ka na magdeny sobrang halata ka na."
"Alam mo maissue ka." Umupo si Japet sa tabi ko naramdaman ko ang pagkiliti nito sa tagiliran ko.
"Mahal mo na?" Pangnungulit nito bigla akong natawa sa tanong ng kaibigan kong si Japet. Kung alam lang nito kung gaano ko minahal noon si Forth hanggang ng mga sandaling 'yon kahit ito mismo matatawa sa akin.
"Wala naman masamang magmahal Alexa, basta ba mahal ka rin," seryosong sabi nito sa akin. Mapait akong ngumiti sa kaibigan ko. Alam kong tama ito- na walang masama magmahal basta mahalin ka rin pabalik na sana mahalin ka rin gaya ng pagmamahal na mararamdaman mo.
PASADO alas syete na ng gabi nakatayo pa rin ako kong saan madalas napapadaan ang mga taxi. Byernes ng araw na 'yon payday rushhour pa alam kong mahihirapan akong umuwi. Nahigit ko ang sarili kong hininga. Gustong-gusto ko ng umuwi para makapagpagpahinga. Pagod na rin kasi maghapon ang katawan ko--- kahit pa sabihin nakaupo lang ako sa harap ng sarili kong cubicle.
"Hi! Wanna ride?" Bahagya akong nakaramdam ng gulat sa kotseng huminto sa harap ko. Tuyong laway akong napalunok ng makita ko ang tao sa loob ng nasabing sasakyan walang iba kundi si Forth.
"Rush hour baka mahirapan ka makauwi." Dugtong pa nito sa akin.
Ngumiti ako rito ng makabawi ng pagkabigla sa 'di inaasahang pagkakataon na makita ko si Forth. At kong sineswerte ka nga naman makakasama ko pa ito sa isang sasakyan.
"Halika ka na! Baka along the way rin ako, saan ka ba?" untag nito kay Alexa. Napalinga linga sa paligid ang dalaga. Sikreto nitong kinurot ang sarili kong nananaginip lang ba siya.
"Alexa," aniya ni Forth natatawa sa pagiging tulala niya.
"Malapit lang ako sa pasay lang ako." sagot ko ng makabawi ako ng pagkabigla. Ngumiti ito sa akin-- nag-aksaya pa itong bumaba sa driver side para pagbuksan ako patabi rito.
"Salamat," aniya ko nang makaupo ng maayos. Muling umikot si Forth para umupo sa pwesto nito patabi sa akin.
"Fasten your seatbelt," aniya nito sa dalaga nang buhayin ang makina ng sasakyan nitong Sportivo.
"Uhm--- Ginagawa mo dito? Gabi na ah." Pagbasag ko sa katahimikan na namayani sa amin ni Forth. Liningon ako nito at muling binalik ang tuon sa pagmamaneho.
"Hinatid ko lang si Chelsea sa condo niya malapit sa office niyo," sagot nito na tila nagbigay kirot sa puso ko nang marinig ang pangalan ng dalagang nililigawan nito. 'Sana 'di ka nalang nagtanong' kastigo ko sa sarili.
"Kain kaya muna tayo? Nagugutom pala ako, baling sa akin ni forth. Napaawang ang labi ko sa posibilidad na matagal ko pang makakasama si Forth. Hindi ako tumanggi hindi rin ako tumugon. Lihim komg pinagmasdan ang mukha nito na tanging maliit lang na ilaw ng sasakyan ang nagsisilbing liwanag sa kotse nito.
"Dine in or take out na?" tanong sa akin ni Forth nang nasa harap na sila mismo ng isang fast food chain.
"Ikaw. Baka take out nalang baka maipit lang sa traffic," suhestyon ko na nagbigay ngiti sa labi ni Forth. Muli itong nagmaneho patungo sa drive thru para sa mungkahi kong take out dito.
Lihim kong pinagmamasdan si Forth wala pa rin pala itong pagbabago. Ang dating patpating binatilyong hinangaan ko noon sa matagal na panahon ay ibang iba na, ibang iba na sa nakilala ko noon. Sa minahal ko higit kanino man.
"May dumi ba ako sa mukha?" nakangiting tanong ni Forth sa akin ng mahuli ako nitong nakatingin sa kaniya habang abala siya sa inoorder niya para sa pagkain naming dalawa.
"Uhm..Uhm--- W-wala wala," nauutal na tugon na ko rito-- nakangiting napailing si Forth.
"Sa daan nalang kainin 'to alam ko traffic na sa C5," aniya nito sa akin habang inaabot sa akin ang inorder nitong cokefloat at Mcburger para sa aming dalawa.
Natigilan ako sa biglang pagsubo ng marinig ang tanong ni Forth sa akin. "By the way. How's your work?"
"Okey naman. Medyo busy sa bagong article na featured kayo pero o-okey naman lahat. I-ikaw? uh-m kamusta 'yong practice mo?" Wala sa sariling tanong ko dito. Napangiti si Forth sa gawi niya muling tinuon ang tingin sa daan.
"How you know about my practice?" Nakaramdam ako ng bahagyang hiya sa tanong nito sa akin. Oo nga naman! Paano ko nalaman na nag-eensayo ito.
Nakow naman Alexa!! Kastigo ko sa sarili sa pagiging obvious ng nararamdaman ko sa binatang kasama ko ng mga sandaling 'yon.
"Ha- Ah! Uhmm. Napanuod ko lang sa T.V," sagot kong hindi makatingin sa kaniya tingin nito sa aking nagtatanong. Muli itong pangiti-ngiting napailing-iling.
"Type mo ako 'no?" Natigilan ako sa tanong ni Forth sa akin. Dahan-dahan ko itong nilingon sa 'di inaasahang direktang akusasyon ng binata sa akin. Tila namanhid ang buong pagkatao ko kasabay ang libo-libong paro-paro sa sikmura kong nabuhay. Dahil sa tanong nitong pinangarap niya noon pa man at kong alam lang sana nito ang sagot ko na-- minahal ko noon pa man.
"Kung sasabihin ko bang gusto kita.. M-magugustuhan mo rin kaya ako?" piping tanong ko para sa kaniya, habang ang mga mata'y ko ay nanatiling nakatingin sa mukha nito at ang tingin niya ay nanatiling nasa kalsada hindi na muling nagtangka pang lingunin ako.
"Hindi lang kita type.. Mahal kita, Forth," dugtong ko kasabay ang siyang pagbaling ng tingin ko sa labas ng bintana hindi na muling nagsalita pa.