CHAPTER 6

1535 Words
ALEXA POV MASIGLA akong nagising ng umagang ito- may ngiti sa labing sumilay agad sa labi ko. Nanariwa sa akin ang lahat kagabi ang siyang paghatid sa akin ni Forth hanggang dito sa unit ko. Ganito pala ang feeling ang ihatid ka ng taong minahal mo- masaya pala talaga. Napasinghap ako kasabay ng pagbangon at pagsandal ng likod ko sa headboard ng kama. "Goodmorning Forth!" tila baliw na sabi ko sa sarili ko. Iba talaga ang dating sa akin ni Forth- maging ang hindi ko magawang paglimot dito ilang taon na ang siyang nakaraan. Kung ito na ang tinatawag nilang pag-ibig sadyang masarap pala talaga sa pakiramdam. "Goodmorning, Alexa," bungad na pagbati sa akin ni Grace. Umayos ako ng upo kilala ko ang kaibigan ko pag maaga itong napapatawag sa akin alam ko ang siyang dala nito. Source tsismis ko kasi ito- sabagay makatotohanan naman ang lahat. "Goodmorning, Grasya," ganting pagbati ko sa kaniya. "Guess what!" aniya. Tumayo muna ako bago sagutin ito- hindi pa pala ako nakapaghilamos at toothbrush. "I just wake-up. Brush lang ako ng teeth and wash then I call you back," aniya ko. Mag-aayos din muna ako ng kama ko at gamit ko sa pagpasok. Kilala ko si Grace pag nagsimula na kami ng tsismis aabot lang ito ng ilang oras, baka wala lang akong magawa at baka hindi makapasok sa trabahong naghihintay sa akin. Binaba ko ang tawag nito- nabaling ang tingin ko sa maliit na orasan sa bedside table ko pasado alas-syete na pala ng umaga. Nakapagtataka naman at gising na si Grace hindi ito morning person na taong gaya ko. Siguro nga may balitang dala lang sa akin. Nagmadali ako para ayusin ang sarili ko. Wala na akong balak maligo ngayon at naligo naman ako kagabi pagkauwi ko- body bath nalang siguro. Sayang din kasi ang kulay ng buhok kong ka-a-apply ko lang kagabi, dark brown lang ito hindi nagkakalayo sa kulay ng buhok ko. Ewan ko ba! Parang trip ko yatang mag ayos ng sarili, hindi naman ako ganito rati.  Ngiti na naman ang siyang sumilay sa labi ko nang maalala ko si Forth- umusal ako ng panalangin habang nakaharap sa salamin ng sarili kong comfort room na sana magtagal pa ito ng bansa o, kung maaari sana rito nalang ito tumira at hindi na muling bumalik pa ng Amerika. FORTH POV PUPUNGAS-pungas akong napabangon- alas otso na pala. Naalala ko bigla ang siyang usapan namin ni Chelsea, inimbitahan ako nitong mag-lunch sa bahay nila sa Makati. Pinili kong tumayo kahit medyo nararamdaman ko pa ang antok, hindi ko napigilang napahikab. HI, FORTH,    I'm expecting you today. Okay? See you. Ngiti ang siyang sumilay sa labi ko nang mabasa ang text message na mula kay Chelsea. Hindi pa ako sinasagot nito sa ilang buwan ko na ring panliligaw sa kaniya, mula ng pinili ko itong ligawan noong nakilala ko ito sa social media habang nasa Amerika ako. Isang free lance model si Chelsea, isang araw noon nang bigla na lamang nag pop up ang friend request niya sa f*******: account ko. And I find her so interesting; maganda ito, seksi, maputi at matangkad close for being so perfect. Iyon nga lang may taglay na pagkamataray ang dalaga- lalo na sa mga taong hindi nito kilala, and I think it is normal sa isang katulad niyang public figure. Pinanatili ang ngiti sa labi sa harap ng camera pag talikod nito ay sadyang mataray lang talaga. And, I don't have plan to judge her. Sabi ko nga sa sarili ko susuportahan ko si Chelsea hangga't sa makakaya ko. I think she is the one- bigla kong nasabi sa sarili ko pero sa hindi ko inaasahan biglang sumilay sa isip ko ang babaeng kasama ko kagabi si Alexa. ALEXA POV   HINDI ako makapaniwala sa sinabi sa akin ni Grace tungkol kay Chelsea. Ayon dito isang modelo daw ang siyang kasama nito katrabaho raw ni Chelsea sa modelling. Napasinghap ako habang nasa daan ako papunta sa opisina nag-grab nalang ako dahil coding ang honda civic kong sasakyan na naipundar ko sa pagtratrabaho sa kompanya ni Douglas bilang isang Article writer. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng panliliit sa buhay na mayroon si Chelsea, ang babaeng pinili ni Forth na maging bahagi ng buhay nito. "Imagine, Manong. Hinintay ko siya ng pagkatagal-tagal tapos mag-jojowa lang siya!" ngitngit kong kausap sa driver ng grab na sinasakyan ko ngayon. Umikot ang tingin ko sa inis na nararamdaman sa naalala kong pagpapakilala ni Forth kay Chelsea national tv kong saan halos napapanuod ng lahat. "Hindi niya man lang ako binigyan ng pagkakataong mahalin siya," dugtong ko pa. "Baka kasi hindi niya alam na may gusto ka sa kaniya," narinig kong sabi ni Manong. Natuwa ako sa pagpatol nito sa inis na nararamdaman ko- kahit papano nasabi ko rin ang siyang nais kong sabihin. Napahalukipkip ako tinuon ang tingin ko sa labas ng bintana. "Pag sinabi ko sa kaniya wala namang magbabago, e," parang batang sumbong ko rito. Ngumiti ito sa akin nang sulyapan ang gawi ko. "Malay mo! May pagbabago pag magiging matapang kang sabihin sa kaniya yang nararamdaman mo," makabuluhang sabi nito sa akin. Napangiti ako sa sarili sa sinabi ni Manong, kasabay ang siyang lungkot na sumilay sa labi ko. Malabo ang siyang sinasabi nito dahil malabong masabi ko ang lahat kay Forth- bukod sa wala akong kakayahan, naduduwag ako. Hindi lang din 'yan dahil na rin siguro sa wala naman akong ibubuga sa babaeng pinili nitong magustuhan, dahil bukod sa isa itong modelo nag-iisa pa itong anak ng may-ari ng isa sa pinakamalaking hacienda sa Ilo-Ilo. "Wala akong laban sa gusto niya," malungkot kong tugon. "Maganda ka naman," sabi nito sa akin. Napangiti ako, bakit ang ibang tao? Nakikita ang siyang ganda ko? Pero bakit ako hindi ko man lang magawang ma-appreciate ang sarili ko. Pakiramdam ko may kulang sa akin- napasinghap ako sa biglang lungkot kong nararamdaman. "Makuntento nalang siguro ako sa ganito, Manong. Hahayaan ko nalang muna siya magmahal ng iba. Pero basta ako? Mananatili akong nasa tabi niya. Sasamahan siya sa lahat ng nais niya." Hindi ko alam kung bakit bigla kong nasabi iyon. Pagmamahal na nga siguro itong nararamdaman ko walang duda.    AGAD akong tumuloy sa department namin, hinanap ko agad si Japet bukod kasi sa personal secretary ni Douglas na si Jean ito lang din ang siyang close ko sa opisina. "Goodmorning, Freng," bati sa akin ni Japet sa likuran ko. Masigla itong napaupo sa tabi ko bitbit ang dalawang turon sa kamay nito. "Canteen ka galing?" "Yes! Hindi kasi nag-almusal sa balur," maarting sagot nito sa akin. Umupo ako patabi sa kaniya sa harap ng deskstop ko at agad binuksan ito para simulan ang trabaho na inatang sa akin ni Douglas. "Blooming ka, ah," pansin nito. Mahina ko siyang tinampal sa braso- nambobola na naman. "Seriously! Bagay sa 'yo," aniya pa. Hindi ko alam kung bakit hindi ko makuhang maniwala sa kaniya o sadyang wala lang akong tiwala sa sarili kong ganda. "Hindi ba kayo magka-text o magkatawagan, Friend?" tanong nito sa akin. Hindi man nito sabihin kung sino ang tinutukoy nito may hinala akong si Forth ito. Umiling-iling ako sa kaniya dahil iyon ang totoo wala akong number ni Forth at wala rin siyang number sa akin. So! Paano kami mag-uusap? Himala na lang siguro ang siyang mayroon pag mag-usap nga kami nito uli. Since, inisip kong ang kagabi na yata ang siyang una at huling pag-uusap at pagkikita naming dalawa. But seriously! Sa isip ko lihim akong nagdadasal na sana masundan pa iyon, masundan pa nang masundan hanggang sa makikilala ako nito at maalala niyang ako lang naman si Alexa ang labis na nagmahal sa kaniya. "Magtrabaho na tayo," sabi ko kay Japet at tinuon ang tingin ko harap ng screen ng computer ko. FORTH POV    NAGHIHINTAY ako sa pagdating ni Chelsea, nangako kasi ito sa akin na susunduin ako nito sa Condo unit ko dito sa Mandaluyong at magkasabay nalang kaming pumunta sa kanila sa Makati. Ayaw din kasi nito na ako na lang ang siyang pumunta sa bahay nila. Nagpupumilit lang ito at may sorpresa pa raw na bibilhin para sa Mommy nitong mag-bi-birthday yata. "Forth, Forth, Here." Naagaw ang tingin ko sa isang sigaw ng isang babaeng nasa isang itim na sasakyang Sportivo. Nagmadali akong tumawid ng masiguradong si Chelsea ito. "Sana sinabi mo nalang na ako ang pupunta sa'yo. Hindi ka pa sana napagod," salubong ko sa kaniya ng buksan ko ang driver side para pumalit sa pwesto niya. "Okay lang naman. Since on the way naman ako!" sagot nito sakin. Hindi na ako nagsalita pa- binuhay ko nalang ang siyang makina ng sasakyan nito at binaybay ang daan papunt sa lugar nila sa Makati. Lihim kong pinagmasdan si Chelsea, ang ganda nito maging ang kutis na tila-porcelana ay siyang lalong nagbigay ng ganda sa kabuuan niya. Walang tulak kabigin, wala nga sigurong kahit na ano'ng salita ang siyang maglalarawan kong gaano ito kaganda. Sabagay hindi naman ito magiging isang tanyag na modelo ng bansa kong hindi ito kwalapikado kung ang ganda lang ang siyang pagbabasehan. "Maganda rin naman si Alexa," hindi ko napigilang ibulong ko sa sarili ko. Tukoy ko sa babaeng nakasama ko kagabi nang ihatid ko ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD