JANE POV Kaagad naman akong humingi ng sorry kay tita, "Please sorry na po talaga... uuwi naman po ako ngayon pero kasi..." "HAY NAKO JULIANA, ALAM MO BANG NANDITO SI SABRINA NGAYONG SA BAHAY AT MARAMI SIYANG SINABI TUNGKOL SAYO? MAYROON KA LAMANG HANGGANG NGAYONG GABI PARA HAKUTIN ANG GAMIT MO!" Aapila sana ako kaya lang ay biglang binaba ni tita Anabel ng tawag. Nalungkot ako ng sobra dahil wala naman akong ibang matutuluyan. Bigla namang kinuha ni Alden ang selpon sa aking kamay. "Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya. "Narinig ko ang malakas na sigaw sayo ng tita Anabel mo at sine save ko ang number ko sa selpon mo para in case na tuluyan ka niyang paalisin sa pamamahay niya, pwede mo akong ma itext para mayroon kang matuluyan." Kahit na nagmamaneho si Alden ay hindi ko napigi

