bc

MY IDOL KISSED ME GOODBYE

book_age16+
342
FOLLOW
1.0K
READ
mystery
actor
like
intro-logo
Blurb

Si Jane ay isang die hard fan ni Alden na isang gwapong artista, Nang magpunta ito sa Puerto galera ay gumawa ng paraan si Jane upang makita ang kanyang idolo. At isang romantic date ang naging premyo niya matapos mabunot sa raffle.

Subalit paano kung mauwi sa seryosong pag ibig ang date nila? Papayag ba si Jane na maging secret girlfriend ng isang sikat na artista? Mag wo work ba ang isang relationship kung magkaiba ang interes nila sa isa't isa?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Alden POV Nakasakay kami sa Van patungo sa All Star TV upang mag guest at para magpromote ng shows ko sa iba't ibang panig ng Pilipinas. Kahit paagod ako ay ayos lang dahil natatamasa ko ang kasikatan na hindi inaasam asam ni Joshua- ang wannabe startlet na gustong maging ka level ko. Kung tutuusin ay halos kasabayan ko lang siya noong nagsisimula kami sa All Star TV pero ako pa rin ang namayagpag ang karera dahil ako ang champion sa singing competition. Bukod kasi sa maraming connection ang parents ko sa ilang mga producers ng pelikula, soap, at movies. Mas lamang din ako sa kanya pagdating sa hitsura. "So Alden, punong puno ang sched mo this week. Bukod sa ilang mga singing tour mo, mayroon ka pang movie together with Julia!" sambit ni Michael na manager at tito ko. Malaki ang utang na loob ko kay tito Michael dahil siya mismo ang gumabay sa akin lalo na ng nagsisimula pa lamang ako sa showbiz. Humigop muna ako ng paborito kong shake bago nagsalita. "I would like to cancel that one. She is not my ideal leading lady so you'd better find another one for me!" pagdedemand ko. "What the f**k? After ng contract signing ninyong dalawa noong nakaraang araw sa harap ng media, ngayon pa magbabago ang isip mo?" "Knock it off! Masyadong mataas ang standard ko pagdating sa leading lady at base sa background ni Julia, wala pa siyang masyadong karanasan at wala ring kinang ang karera niya sa showbiz. Halata naman na kumakapit siya sa akin dahil mas sikat ako sa kanya." "Yan ang hirap sayo, Alden, naging sikat ka lang lumaki na kaagad ang ulo mo!" "Aling ulo?" pilosopong sagot ko. "Kapag nai-cancel natin ito, natitiyak ko na maraming fans ang madidismaya. Gusto mo ba na masira ang image mo?" Ngumisi naman ako dahil alam ko na hindi mangyayari ang bagay na 'yan, "Wag niyo na akong sermunan! Kung ano ang gusto ko ay yun na lang ang sundin ninyo tito! Tandaan ninyo, kung wala ako dito ay wala rin kayong malaking kinikita!" Tiningnan naman ako ni tito ng may pagtataka, "Ano ang ibig mong sabihin?" "Wag ka nang mag maang maangan tito Michael, alam naman nating dalawa na 20 percent ng lahat ng deals ko ay napupuntaa sa bulsa mo! Kaya wag mo akong gagawing parang two years old na kaya mong utuin. Diba't kaibigan mo si Mr. Alvarez?" "Oo!" maikling sagot ni tito. "Isa rin siyang manager... teka wag mo sa akin sabihin na-" Napasandal ako sa upuan ko at humigop muna ulit ng shake bago nagsalita. "Tama ka sa hinala mo, tito! Kinukuha ako ni Mr. Alvarez dahil mayroon siyang mga malalaking mga investors kaya nakaabang sa akin kapag natapos ang contract ko sayo!" Kitang kita ko ang galit sa mga mata ni boss Michael dahil sa narinig niya mula sa bibig ko. All of a sudden, bigla na lamang siya naging mabait sa akin kasi ayaw niya akong bitawan kahit na sukang suka na siya sa ugali ko. "Pasensya ka na Alden... wag kang mag-alala, gagawan ko ng paraan ang pagkansela ng project mo together with Julia. Magsisinungaling na lang ako sa kanya na mayroong papasok na mas importanteng project para sayo!" I crossed m arms over my chest and gave him a solemn look, "No, sabihin mo sa kanya, sa manager niya, o sa media kung ano ang totoo para hindi na sila umulit sa atin. Gusto ko na hanapan nila ako ng bagong love team kung desidido pa rin sila na kuhain ako bilang leading man." Hindi naman sumang ayon si tito sa sinabi ko. "But... masisira ang image mo Alden, alam mo naman siguro na iniingatan natin na masangkot ka sa kahit na anong issue! Ano na lang ang sasabihin ng media sa atin niyan?" taas kilay niyang sabi. "Ayaw ko nang ulitin ang sinabi ko tito, as the biggest star in this country, gusto kong masunod ang gusto ko. At kapag kumontra ka, itataga ko sa bato na papalitan kita bilang manager ko. Ikaw rin ang mawawalan samantalang magpapatuloy pa rin naman ang pamamayagpag ng karera ko kahit na lumipat ako ng manager!" Halatang kumukulo na ang dugo sa akin ni tito subalit ikinukubli niya ito gamit ang kanyang ngiti. Pagkarating naman namin sa venue nang All Star tv ay pinapunta muna kami sa lobby at nagdemand na naman ako kay May- ang personal assitant ko ng isang cappuccino coffee para kahit papaano ay mawala ang pagod ko. "Bilhan mo ako ng Cappuccino coffee, may ilang minuto pa naman tayo bago ang show!" pag uutos ko sa kanya. "Masusunod sir Alden," sambit ni May. Habang naghihintay ako ay may ilang mga nakapasok na fans ang nagpapicture sa akin. Medyo naiirita lang ako sa kanila dahil sobra ang hiyawan nila na masakit sa tainga ko. Bukod dito ay nandidiri rin ako sa tuwing idadampi nila ang katawan nila sa akin. Ayaw ko kasi na kumapit ang amoy nila sa katawan ko dahil 100 percent hygeinic akong tao. Nang magsialisan sila ay kaagad akong nagpalit ng damit sa banyo, paglabas ko ay siya namang dating ni May dala ang kapeng hinihiling ko. At syempre bago ko inumin ang kape, pinicturan ko muna ito upang iupload sa aking social media account. "Cappuccino shake are the best in the world!" Bigla namang tumabi sa akin si May at naki usyoso sa ginagawa ko, "Ano yan Sir Alden? Don't tell me magpopost ka na naman sa social media account mo?" Tumingin ako kay May at napangiti, "Bakit may problema ba?" pabiro kong sabi, "kasi gusto ko lang sana ipagmayabang sa mga hampaslupa kong mga bashers na nabibili ko ang gusto ko!" Kaagad namang tiningnan ni May ang post ko sa social media account. Ngunit bago pa siya magsalita ay kaagad na nagtungo si tito Michael sa waiting area at bahagyang tinaasan ng boses niya sa akin. "Ano naman itong pinost mo Alden? Hindi ba't sinabi ko na sayong idelete mo na ang account mo?"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

BAD MOUTH-SSPG

read
20.1K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.7K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
15.0K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.6K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.9K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.1K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook