SECOND CHAPTER

1008 Words
Alden POV "Manager lang kita at personal ang account ko sa akin. Bakit ko naman tatanggalin ang sarili ko sa trend? Hindi ako magmumukhang millennial at mawawalan ako ng connection sa mga fans ko!" Inakbayan ako ni tito bago siya magpaliwanag, "Wala naman akong against sayo kung gagamit ka ng social media account pero sana kapag mag i-english ka konsulta ka sa amin dahil pinagtatawanan ka na naman ng mga tao!" Kaagad ko namang chineck ang post ko at confident na binasa ito ng malakas, "Ano bang mali, ang sabii ko lang naman 'the best capuccino coffee are found in the Philippine! Hashtag the best coffee of my life, kawawang mga bashers, nagtityaga sa 3 in one na kape' wala naman akong nakikitang mali ha?" "Sir Alden, mali po kasi ang isang niyo ng cappucino, dapat po ay doble p, is po dapat ang ginamit niyo at dapat ay mayroong s sa dulo ng Philippines. Marami na ang nagcomment sa shared post mo at number one trending na ang 'BopolssiAlden hashtag sa internet at pinagtatawanan ka na po ng lahat!" pagpupuna ni May. "Eh ikaw naman kasi May, sinabi na kitang bantayan mo ang post ni Alden at downloadan mo siya ng English software para naman tumigil na ang mga bashers sa kanya." "Sorry po Sir Michael, masyado po kasing mabilis ang pangyayari eh." Natawa na lang ako sa pagtatalo nilang dalawa habang nakatingin ako kay tito, "Ginagawa ninyong big deal ang post ko? Hayaan niyo na lang ang mga bashers at mga keyboard warriors, sigurado naman ako na ipagtatanggol ako ng mga die hard fans ko eh!" Bigla namang lumapit ang isang babaeng producer assistant sa amin dala ang isang mic, "Pwede na pong mag perform si Alden sa stage, naka ready na po ang band!" Pagkakuha ko ng mic ay kaagad akong nagpunta sa stage at nagsimula na ang tugtog ng kanta ko kasabay ng hiyawan ng mga fans kong baliw na baliw sa akin. Pinakitaan ko sila ng mga da moves at humatak pa ako ng isang audience at hinarana ko siya kagaya ng ginagawa ko sa ibang mga events. Pagkatapos kong mag perform ay kaagad akong niyakap ni Coleen- ang tv host na single mom pero sobrang bait sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit at tsaka kaming dalawa umupo. "It's nice to see you again," nakangiting sabi ni Coleen. "Maraming salamat din po sa inyo," lumingon ako sa mga fans na kung tawagin ko ay Aldenatics at kumaway sa kanila, "Magandang araw po sa inyong lahat!" "I LOVE ALDEN, NUMBER ONE FAN MO KAMI!" malakas na sigaw ng mga fans. "So Alden, kamusta ka naman? Balita ko ay marami kang mga upcoming projects, ha?" Namutla naman ako bigla, "Well... hindi naman sa nagbubuhat ako ng sarili kong bangko pero yes, marami po akong mga naka line up na projects. And I am here to promote my new album which they can download online!" "Yes, at sigurado ako na marami mag istream sa music mo because you are a famous singer sa bansa natin. But coincidently, ngayon din kasi ang release ng new album ni Joshua and as we know siya ang kakompitensya mo pagdating sa pagiging artista. So my question is, how do you think of him?" Napangisi ako ng marinig ko na naman ang pangalan ni Joshua, dati kaming magkaibigan pero dahil sa dinidikit niya ang pangalan niya sa akin, alam ko na gusto niya ring matamasa ang kasikatan ko ngayon. "Sana po ay tigilan na niya ang panggagamit sa akin at gumawa siya ng magandang bagay para sa sarili niya kung gusto niyang sumikat." "Okay, so do you think na malalamangan ka ni Joshua pagdating ng araw?" "Sisikat lang si Joshua kapag gumawa siya ng s*x scandal. Bukod doon, isa lang naman po siyang mediocre singer at hindi masyadong unique ang boses niya." Sa gilid ng mga mata ko, tiningnan ako ng masama ng aking manager. Alam ko naman na magiging isang controversy ang binitawan kong mga salita pero sadyang honest lang ako na tao. "Alright, pwede mo bang imbitahan lahat ng mga televiewers natin sa iyong mga upcoming shows?" Lumingon ako sa camera at nagsalita, "Magandang araw po ulit sa inyong lahat lalo na sa mga taga Mindoro, gusto ko lang po sana kayong imbithan sa aking darating na concert sa isang resto-bar sa Puerto Galera sa aking concert at mabibili po ang ticket online, sa akin pong social media fan page!" JANE POV Nasa isa akong karinderya sa tapat ng school at naghihintay sa pamangkin kong umuwi. Habang naghihintay akong mag six ng gabi ay nakatutok ako sa tv habang pinapanood ang interview sa idolo at crush ko na si Alden. Halos mamutla nga ang pisngi ko sa tuwa nang malaman kong magco-concert siya sa Puerto Galera na malapit lang naman dito sa Boracay. Aminado ako na isa akong die-hard fantard ni Alden at lahat ng albums, posters, movies niya. Naka follow rin ako sa kanyang social media account at mga fan page. Halos baon na nga ako sa utang dahil sa ginagawa ko pero okay lang dahil siya naman ang inspirasyon ko sa buhay. Maya maya ay narinig kong nag uusap ang mga binatang kumakain sa kabilang lalaki sa tabi ko. "Boy, saksakan talaga ng yabang ang gwapong artista na 'yan! Wala namang utak!" "Oo nga, nakita mo ba yung post niya kanina pre? Mali mali ang grammar niya tapos ang lakas niyang magyabang sa social media account!" Nainsulto ako sa narinig ko sa mga mokong na ito pero bago ko depensahan ang idolo ko sa kanila, tiningnan ko muna ang post ni Alden. Mali talaga ang kanyang grammar kagaya ng nakaraan niyang mga post pero tao lang naman din siya at nagkakamali. Sa gigil ko ay nagpunta ako sa kanilang lamesa at nagtaas ng boses dahil sa ayaw ko talagang binabash ang Alden ko! "Hoy mga dakilang tambay, ang babaw naman ng kaligayahan ninyo? Porket mali lang ang grammar ni Alden pinagtatawanan niyo siya! Hay nako, dito lang talaga sa bansa natin big deal ang ganyang bagay!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD