Chapter 19

1749 Words
Briar Araw araw akong nagigising ng masaya. Minsan ay nagigising akong nasa mga bisig niya at pareho kaming hubad sa ilalim ng kumot. Minsan naman ay nagigising akong mag-isa pero hindi pa ako bumabangon ay nakakabalik siya agad. Lalo kong minamahal si Nikos dahil sa pinapakita niyang pag-aalaga sa akin ng maayos. Hindi man niya sinasabi ang katagang mahal kita ngunit nararamdaman ko iyon sa pamamagitan ng pagsisilbi niya sa akin. Natuto akong magluto, maglaba sa ilog at magtanim ng palay. Itinuro sa akin ito ni Nikos pati na rin sina Aling Renafe. Nagtanim pa ako ng maraming bulaklak sa bakuran namin at mga gulay. Sa tuwing nasa farm naman siya ay hinahatiran ko ng meryenda. Kaya ang panunukso ng mga kasama niya sa amin ay hindi matapos tapos. Namuhay ako ng normal katulad ng mga tao rito. Wala na ang signatures bag, expensive shoes--heels, clothes, and make up. Nagustuhan ko ang ganitong klasi ng buhay. Tahimik, walang iniisip na responsibilidad at may maalagang asawa. Pero hindi ako makaligtas kay Mabeth. Walang araw na hindi niya ako ginugulo. Pinagkakalat pa nga sa baryo na pinikot ko raw si Nikos. Minsan ay nauubos na ang pasensya ko sa kaniya. Gusto ko siyang patulan. "Kasal ba talaga kayo ni Nikos, Prinsesa? Parang nagpapanggap lang kayo ah?" Napapikit ako sa tanong ni Mabeth. Paulit ulit na lang at hindi nagsasawa. Hay naku! Sinundan pa ako dito sa ilog kasama ang mga kaibigan niya para lang asarin ako. Tinalikuran ko siya at humarap sa kabilang direksyon. Pinagpatuloy ko ang labahin. "Alam mo bang hindi tipo ni Nikos ang walang alam na babae. Let me guess, magaling ka lang sa bed ano?" Pumikit ako at nag-sign ng krus. Isa pa Mabeth at masasabunutan na kita! "Bakit hindi mo sinasagot ang mga tanong ko Princess? Gusto ko lang naman makasiguro na talagang mahal mo siya at hindi niloloko?" Nagkunwari akong hindi siya narinig kaya pinagtanggol ako ni Joanna. Wala kasi sina Aling Renafe kaya nalapitan ako ng bruhang ito. "Ate Mabeth, tigilan mo na si Ate Princess kun'di isusumbong kita kay Kuya Nikos." "Subukan mong magsumbong at lunurin kita dito!" Napalingon ako nang marinig ko ang sinabi niya sa bata. Natakot si Joanna at tumabi sa akin. Si Mabeth at ang dalawa niyang kaibigan ay pinagtatawanan kami. "Ano bang problema mo Mabeth at hindi mo ako tinatantanan? Oo, kasal na kami ni Nikos at hindi ko siya pinikot! Mahal niya ako. Mahal ko siya. Tapos!" Umawang ang labi niya na tila hindi nagustuhan ang aking sinabi. Nilingon niya ang mga kaibigan. "Tingnan ni'yo ang ante ninyo, oh! Kasal daw? Kung talagang kasal kayo ay bakit wala kang suot na singsing? Pati si Nikos wala rin? Huwag mo nga akong pinagluluko? Hindi ako tanga tulad mo. Ano? Magpaliwanag ka?" Nanatili akong nakatingin sa kaniya kaya muli siyang nagsalita. "Feeling Prensesa. Hindi bagay sa iyo ang pangalang Princess. Mag-aagaw ka. Ahas! Ssh-ssh!" Natigilan ako. Lahat ng sinabi niya ay totoo. Nag-init ang mga mata ko. Ngayon pa ako napikon kay Mabeth. Tumayo ako at iniwan ang labahin. Umiiyak akong tumakbo ng bahay. Si Joanna ay hindi ko na alam kung saan nagpunta dahil hindi siya sumunod sa akin. Tama naman si Mabeth eh. Hindi kami kasal ni Nikos. Kusa lang akong sumama sa kaniya dahil gusto ko siya. Umupo ako sa gilid ng kama namin at tiningnan ang daliri. Muli akong naiyak. Masakit din pala kapag sinampal sa iyo ang katotohanan. Hindi nagtagal ang paghikbi ko ay pabalang na bumukas ang pinto. Napatayo ako nang makita si Nikos. Hinihingal siya at nag-aalala. Mabilis niya akong nilapitan at hinawakan sa kamay. "Nasaktan kaba? Anong nangyari sa iyo? Sinaktan kaba ni Mabeth?" Pinasadhan niya ng mga mata ang bawat parte ng katawan ko. Naghahanap ng pasa o sugat sa akin. Paano niya nalaman? Baka nagsumbong si Joanna. Muling tumulo ang luha sa aking mga mata. Nagmura si Nikos. "What the f**k she's doing?! I will f*****g killed her if she do something to you!" Malakas akong napahikbi. Umiling ako sa kaniya. "W-wala siyang g-ginawa sa akin," umiiyak kong sabi. Para akong batang nagsusumbong sa kaniya. Pinahid niya ang mga luha ko sa mga mata at pinaupo ako sa kama. "Pero bakit ka umiiyak Hon? Nag-aalala ako! Malalagot sa akin ang babaeng iyon!" Muli niyang pinahid ang panibagong bersyon ng mga luha ko. Hindi ko tuloy magawang tumahan nang magkaroon na ng kakampi. Iwan ko, nasasaktan ako. "Kasi. . .kasi sabi niya. . .wala daw akong singsing!" Muli akong umiyak. He gasped. Kinuha ang mga kamay ko at hinalikan. "Ito lang ba ang dahilan kaya ka umiiyak?" Tumango ako. Seryoso niya akong tiningnan. "Wala ng iba, Hon?" Umiling ako. Bumuntong-hininga siya. Iwan ko kung nangingiti o natatawa siya sa akin. Pinunasan niya ang pisngi ko at hinalikan ako sa labi. "Makinig ka sa akin. Hindi nakadepende sa engranding kasal at mamahaling singsing ang dalawang taong magsasama ng masaya. Ano ngayon kung wala tayong singsing? Ano ngayon kung hindi pa tayo kasal? Briar, ang mahalaga ay masaya tayo ngayon. Kung puwede lang kitang pakasalan at ipagsigawan sa buong Mundo ay gagawin ko iyon. Pero alam mong hindi pa maari ang lahat ng iyon. Kailangan natin ng oras at sapat na panahon. We are in unstable situation right now." Natigilan ako at napatitig sa kaniya. Ngayon ay seryosong seryoso si Nikos na nagpapaliwanag sa akin. Yumuko ako dahil bigla akong nahiya. Nadala lang ako ng emosyon ko kanina kaya para akong batang naging asar-talo kay Mabeth. Muli niyang nilapit sa bibig ang mga kamay ko at isa isang hinalikan ang mga daliri ko. Napasinghap ako. "Stop crying Honey. I will always stand your side. Wala na ngang nakikita itong mga mata ko kun'di ang maganda mong mukha. Ikaw lang ang nag-iisang laman nito." Dinala niya ang kamay ko sa tapat ng puso niya. Naiwang nakabukas ang mga labi ko. Hindi ko akalain na gagawin ito ni Nikos. Naramdaman ko ang t***k ng puso niya. Mabilis at tila dumagundong. "Nararamdaman mo ba ang t***k ng puso ko?" Nilapit niya ang mukha sa akin at pinagdikit ang mga noo namin. "Hmm," sagot ko. "Timitibok lang ito sa tuwing magkasama tayo." Ngayon ay nahimasmasan ako. Nangingiti akong nag-angat ng tingin sa kaniya. Inayos niya ang buhok ko at muli akong hinalikan sa labi. "Simula ngayon ay hindi kana lalabas ng hindi ako kasama o sina Aling Renafe. Lagot talaga sa akin si Mabeth hon dahil pinaiyak ka niya." Muli akong napangiti. "I'm okay. Napikon lang ako." Hinaplos niya ang pisngi ko. Muling pinagdikit ang mga noo namin. Mas lalo siyang attractive ngayon sa aking mga mata. Morenong moreno ang kulay ni Nikos at brusko. How old is he? Hindi ko pa natatanong kung ilang taon na siya? Anong family name niya? Hindi ba ang tanga ko? Sumama sa lalaking ni Apilyedo ay hindi ko alam. Lihim akong ngumisi. Ano ngayon kung hindi ko alam? Isang araw ay malalaman ko rin iyon dahil hihintayin kong siya mismo ang magsabi sa akin. KINABUKASAN ay dinalaw ako nina Aling Renafe. Napagkwentuhan namin ang pang-aasar sa akin ni Mabeth sa ilog kaya si Aling Isay ay gigil na gigil. "Malantod talaga ang babaeng iyon! Wala ng pag-asa pero pinipilit pa rin. Ang ganda ganda mo Princess para ipagpalit ng asawa mo doon. Hindi ba Nik?" Pinamulahan ako ng mukha. Si Nikos ay nginisihan lang kami. Nasa mesa sila ni Joanna at kumakain ng nilagang mais. "May iba ako, di ba kasal na ni Boy sa makalawa. Sa barangay hall daw ang reception. Punta tayo Princess." Aya ni Aling Renafe. Mabilis akong umiling. Ni wala akong magandang maisusuot. Nakakahiya kung pupunta ako doon na ganito ang suot na damit. Maluwang na long sleeve at trouser. "Kayo na lang po. Wala akong isusuot na damit." "Ano kaba, Princess. Hindi mo naman kailangan iyon. Kahit simple ang mga suot ay ikaw pa rin ang sentro ng atensyon dito." Si Aling Isay. Tinawag ni Aling Renafe si Nikos at nagpaalam dito. "Nik, punta kayo ha." Tiningnan ako ni Nikos pero umiling ako sa kaniya. Ngumiti siya sa akin. "We will go Hon." Nalaglag ang mga balikat ko. Baka lahat ng bisita doon ay pawang nakasuot ng magagandang damit at naiiba lang ako. Nakakahiya iyon lalo na kung magkikita kami ni Mabeth. "Oh, pupunta daw kayo Princess. Kung gusto mo, hanapan kita ng maisusuot sa bayan." Kinindatan ako ni Aling Isay. Napailing ako at sabay na nangingiti. Bumalik kami sa pagkukuwentuhan pero biglang tumigil si Aling Renafe at tinitigan ako. Napahinto rin ako sa pagsasalita at tumingin sa kaniya. "Bakit po?" tanong ko. Nag-isip siya saglit bago ako sinagot. "Alam mo Princess, sa tuwing tinititigan kita ay para kang may kamukha. Parang nakita na kita." Napalunok ako. Si Nikos ay natigilan din sa pagkain at nagkatinginan kami. Mahina siyang hinampas ni Aling Isay sa braso. "Ano kaba Renafe? May mga tao namang magkakahawig ah, iyong iba nga magkakamukha. Magugulat na lang sila kapag nagkakaharap." "Ah basta may kahawig si Princess." Giit niya. Tinawag ang anak. "Joanna, paabot nga ng bag ko anak." Agad tumayo si Joanna at binigay sa ina ang bag. Sinundan ko iyon ng tingin nang buksan ni Aling Renafe. May nilabas siyang diario. "Ito oh!" Tinuro niya gamit ang hintuturo ang nakita sa diario. Agad ko iyong inabot at tiningnan ang laman. Nasindak ako. Nanlamig ang buo kong katawan nang tumambad sa akin ang litrato ko sa diario. The fugitive Princess. She run away with her gardener! What the f**k! Kung magulang ko ang naglabas nitong article ay hindi na ako magpapakita kahit kailan sa kanila. Lumapit sa akin si Nikos at kinuha sa kamay ko ang hawak na diario. Humawak siya sa aking balikat at pinisil iyon. Nagpapahiwatig na kumalma ako at huwag magpahalata. Muli akong lumunok. Alanganin akong ngumiti sa dalawa. "Ang layo naman po ng itsura ko sa kaniya." Dinaan ko na lang sa biro ang aking sinabi. Si Aling Isay rin ay sumang-ayon sa akin. Tiningnan iyon ni Nikos at binasa ang laman. "Maganda siya. Napakaganda." Napasinghap sina Aling Renafe at Aling Isay. "Nik, nasa tapat ka lang ni Princess oh pero nagagawa mong puriin ang babae sa diario! Hoy!" Napangiti ako. Tumawa si Nikos. "Syempre naman po mas maganda ang asawa ko. Siya lang ang maganda sa paningin ko." Muli akong napangiti. Pero hindi ko maitatago ang labis na pag-aalala nang makita ang litrato ko. Nanginginig ang mga kamay ko. Nakita iyon ni Nikos kaya ginanap niya ang palad ko at pinisil upang ako ay pakalmahin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD