Third POV
HINILOT ni Ethan ang kaniyang sentido nang marinig ang pahayag ni Rush Felix para sa kompaniya. Gusto niyang tanggalin sa posisyon si Briar bilang CEO dahil hindi naman daw ito mahanap at iniwan na lang ang responsibilidad dito sa kompaniya.
Maraming investor ang nag pull out ng kanilang investment ng dahil sa pagkawala ng dalaga. Nasira ang buong pangalan nila sa publiko nang lumabas ang skandalo ng Treveno's heiress.
"What did you say? Tatanggalin sa posisyon ang anak ko dahil lang sa pagtakas niya ha? Kung ganoon ay hindi mo talaga lubusang kilala ang anak ko Mr. Felix. Kaya hindi na ako magtataka kung ni tapunan ka niya ng tingin ay hindi niya kayang gawin."
Agad natikom ni Rush ang bibig. Napahiya siya sa harapan ng Treveno's brother nang marinig ang salitang iyon mula kay Ethan.
Si Logan sa tabi ni Ethan ay tinago ang ngisi. Maaaring galit ang Kuya Ethan niya sa pakikipagtanan ng anak nitong si Briar ngunit hindi niya papayagan itong si Rush Felix na basta basta na lang tanggalin sa posisyon si Briar.
Malaki pa rin ang tiwala ni Ethan sa anak niyang panganay. Naniniwala siyang natatagpuan niya ito at muling maibabalik sa kanilang pamamamahay.
Napalunok si Rush. "Hi-hindi naman po iyon ang ibig kong sabihin sir. I mean, habang wala siya ay maghanap muna tayo ng papalit sa posisyon niya."
Tiniklop ni Ethan ang envelope na hawak. Hinagis niya iyon kay Rio.
"May kilala ka bang kayang pantayan ang talino ng anak ko pagdating sa negosyo? You're wasting my time Mr. Felix. Alam kong malaki rin ang shares ninyo dito sa kompaniya namin pero pinapangako kong walang mangyayaring masama at tuloy pa rin ang proyekto natin. Rest assured. Don't mention this to me anymore."
Muling napalunok si Rush. Ang sekretarya niya ay tahimik lang na nakikinig.
Hindi matanggap ni Rush ang pagsama ni Briar sa Hardinero lamang. Maraming beses na niyang nakita ang binatang Hardinero sa patagong paraan. Kaya sa galit niya ay naisipan niyang kausapin ang Tatay ni Briar at sabihin na tanggalin na ito sa posisyon. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi sumang-ayon ang Tatay ni Briar.
Humingi ng tawad ang sekretarya ni Rush. Tinaas lang ni Ethan ang kamay sa kanila at pinalabas na sila mula sa kaniyang presidential office.
Huminga ng malalim si Ethan nang mawala sa kaniyang paningin si Rush. Hanggang ngayon ay pinapahanap niya ang kaniyang anak na tumakas kasama ang Hardinero.
Nagkalat na sa buong balita ang mukha ng kaniyang anak. Pero hindi pa rin nila natutunton kung saan ito nagpunta kasama ang Hardinero.
Noong araw na mawala si Briar ay agad pinaalam ni Ethan kay Rush. Ngunit imbes na tumulong sa problema si Rush ay mas pinalala niya ang sitwasyon. Nilabas niya ang artikulo na nakipagtanan sa Hardinero ang heiress ng Treveno's Corporation.
Noong malaman ito ni Ethan ay malaking disappointment ang naramdaman niya mula kay Rush. Wala na siyang tiwala sa binata simula ng sirain nito ang pangalan ng Unica Hija niya.
"Mukha pa lang niya Kuya ay hindi na mapagkakatiwalaan." Ngumiwi si Rio pagkatapos iyon sabihin.
"Tama ka Kuya Rio. Halata namang gusto lang niyang kunin ang posisyon ni Briar. Mabuti na lang at hindi huli ang lahat. Nakilala pa natin siya." Sang-ayon rin ni Logan.
Muling hinilot ni Ethan ang sentido. Nasaan na kaya ang anak niya?
"Rio, anong balita sa mga investigator na pinadala ko sa Laguna?"
Umiling si Rio sa Kuya niya.
"Wala sila doon. At kung totoong taga Laguna ang lalaking iyon ay malabong doon sila pumunta Kuya."
"Hindi rin sila nakalabas ng bansa dahil monitor ko ang airport." Pahayag rin ni Logan.
Muling napahinga ng malalim si Ethan. Araw araw na umiiyak ang kaniyang asawa nang hindi nila matagpuan ang kanilang anak kung saan ito nagpunta.
"Mahigit isang buwan na silang nawawala. Isang Lugar lang ngayon ang hindi pa napupuntahan ng mga investigator."
Napatingin sa kaniya sina Rio at Logan.
"Saan Kuya?" tanong ni Rio.
Tumingin si Ethan sa mga nakakabatang kapatid. Itong Lugar na tinutukoy niya ang huli niyang pag-asa.
"Sa Cainta Rizal."
Nagkatinginan silang tatlo at sabay sabay na tumango.
***
(Salcefuedez Clan)
Muling umismid si Laura nang buksan niya ang balita sa TV. Napailing siya at tinaas ang mga paa sa sofa. Nasa bahay siya ngayon nina Reymond at dito magpapalipas ng gabi.
"Isang buwan ng patalastas itong paghahanap sa Princess ng mga Treveno ha. Sumama raw sa Hardinero nila. Ang babaw naman ng pangarap ng batang ito. Maganda naman siya, matalino at CEO pa ng Treveno's Corporation, one of largest company here in the Philippines."
Binalingan niya si Mary na nagpapadede ng anak. Pinagkibit balikat na lang ni Mary ang sinabi ng beyanan nito. Sanay na siya sa ugali ni Laura. Mapanglait ito noon at matapobre.
Magkasabay na pumasok sa sala sina Reymond at Liam. Agad lumapit si Liam sa mommy niya at umupo sa tabi nito.
Muling ngumisi si Laura at tinuro kay Reymond ang laman ng TV.
"Son, do you know her right? The tabloid princess is missing. Nakipagtanan daw?"
Napailing si Reymond. Lumapit rin sa tabi ni Mary at umupo. Sa isip ni Reymond ay hindi alam nitong kanilang ina na si Nikos ang nagtanan sa Princess ng mga Treveno.
"Yes, I know her," sagot ni Reymond sa ina.
Muling nilipat ni Laura sa ibang channel ngunit nandon rin ang mukha ni Briar.
"Hay naku! Sayang talaga ang batang ito. Marami namang mayayaman na kaibigan ang mga magulang niya. Bakit sa Hardinero pa siya nagkagusto?"
Narindi si Reymond. Bumuntong-hininga at sinita ang ina.
"Ma, hindi natin alam ang punot dulo ng kwento. Iwasan ang mapanghusga."
Natigilan si Laura. Napatingin siya kay Mary kaya nahihiya siyang tumahimik.
Naagaw ni Liam ang atensyon nilang lahat nang magsalita ito.
"Daddy, nasaan na po si Uncle, bakit hindi na tayo dinadalaw dito?"
"Oo nga Reymond. Nasaan na ba si Nikos? Hindi niya sinasagot ang tawag ko. Walang utang na loob na anak, hindi man lang magawang kumustahin ang magulang." Reklamo ni Laura. Matagal na niyang hindi nakikita si Nikos.
Tumikhim si Reymond. Nagkatinginan sila ni Mary at nagkaintindihan. Silang dalawa lang dito sa pamilya ang may alam ng sekreto ni Nikos.
"Maybe he's busy working Ma. Nakikita ko naman siya sa kompaniya," sagot ni Reymond.
Nagbuga ng hininga si Laura. "Ni sagutin ang tawag ko ay hindi niya magawa. Ganoon na ba talaga ka busy ang kapatid mo?"
Binalingan siya ulit ni Reymond. "Matagal na niyang gawain iyan. Kailan ba nagtagal sa bahay si Nikos? Noon pa man ay palagi na siyang nawawala."
Malungkot na tumango si Laura. Tama si Reymond. Bata pa lang si Nikos ay bulakbol na. Nang palayasin noon ng Kuya Reymond niya ay hindi na ito nagpakita sa kanila sa loob ng pitong taon.
Napansin ni Reymond ang pagkadismaya ng Ina. Muli itong nagsalita.
"When I saw him sasabihin ko sa kaniyang tawagan ka niya."
Tumango si Laura at muling binalik ang panonood ng TV.
Siniko ni Mary si Reymond at mahinang bumulong.
"Saan mo naman makikita si Nikos? Ni hindi nga natin alam kung nasaan sila nagpunta. Loka ka ah.." Pinandilatan niya si Reymond.
Ngumisi si Reymond at dinampian ng halik ang labi ng asawa.
"Akong bahala, babe." Kinindatan pa niya ito kaya napangiti si Mary.