Briar Namamaga ang aking mga mata nang magising kinabukasan. Baka madaling araw na nang makatulog ako. Magdamag ko siyang iniisip at sinasabayan ko pa iyon ng iyak. Masyado na ba akong malupit kay Nikos? Sumusubra na ba itong ginagawa ko? Bumaba ako sa sala at hinanap si Yaya Liza. Pero dahil wala siya sa kusina ay lumabas ako ng bahay. Kumunot ang noo ko nang makita si Yaya sa tapat ng gate, nakasilip siya kabilang bahay. Nilapitan ko siya at tinapik sa balikat. "Ay palaka!" gulat na gulat siyang napahawak sa tapat ng dibdib. Sumilip din ako sa kaniyang tinitingnan. Muling kumunot ang noo ko nang makita ang malaking truck sa tapat ng bahay ni Nikos. Kinakarga nila ang mga gamit nito. Sandali! Aalis ba siya? Malakas akong lumunok at hinawakan sa balikat si Yaya. Malungkot niya

