Briar Hindi ko na pipigilan itong sarili ko o kontrolin sa kaniya. Ngayong nalaman ko mula sa kaniyang bibig na mahal niya ako, hindi dahil sa dinadala ko itong puso ni Allison, kun'di dahil ako ito. Wala ng nagpapahirap dito sa puso ko't isip, ngayon ay nasagot na ang mga hinala ko noon, natahimik na ako ng tuluyan at wala ng negatibong bagay na pumapasok sa aking isipan. Tinulak ko siya sa kama at dinaganan. Mahina siyang tumawa at hinawi ang buhok ko. "Hon, you're getting bolder." Nginisihan niya ako. Dahil wala siyang suot na baro ay pinaglakbay ko ang mga kamay sa kaniyang matipunong dibdib. Nakagat niya ang ibabang labi. Alam kong nag-iinit na siya sa mga oras na ito. Nakikita ko sa ulap ng kaniyang mga mata ang magkahalong pagnanasa at pananabik. Umupo ako ng maayos sa kaniy

