Briar Wala ng luha ang pumapatak sa aking mga mata simula ng malaman ang pagkawala ng anak ko. I am lifeless lying down in this hospital bed. The doctor can't save my child. Nagwala ako kahapon at umiyak nang umiyak. Pero kahit umiyak pa ako ng maraming taon ay hindi ko na siya maibabalik. Ngayon ay muli kong naintindihan ang nararamdaman ni Nikos sa pagkawala ni Allison. Masakit mawalan ng taong minamahal. Hindi pa man ganap na tao ang anak ko pero minahal ko na siya mula ng malaman na nagdadalang tao ako. Hindi na ako makaramdam. Manhid na sa sakit itong puso ko, katawan ko at isip. Pakiramdam ko ay para akong patay na muling nabuhay. Naririnig ko ang mga taong nag-uusap sa aking paligid at nakikita. Pero ang mga mata ko lang ang aking pinapagalaw. Muling pumasok si Nikos sa

