Briar One year later... What the f**k! Nasaan na kaya si Hugo? Kanina pa ako nakatayo rito sa labas ng International airport pero hindi pa siya dumadating para sunduin ako. I was wrong to trusted that brat! Sana nagpasundo na lang ako sa driver namin o kaya ay sumakay na lang ng taxi. Pambihira ang batang iyon! Humanda siya sa akin at tutuktukan ko ang bungo niya mamaya! Tulak ko ang dalawang maleta, hagkakahaba na ang aking leeg at pinagpapawisan sa kahihintay sa kapatid ko. Isusumbong ko talaga siya kay Daddy mamaya. Sa wakas ay amoy na amoy ko na ulit ang Pilipinas. Na-home sick lang ako sa Italy kaya isang taon lang ang tinagal ko na manirahan kina Lolo Fred at Lola Anna. Here I am, napauwi dahil nami-miss ko ang mga magulang ko. Oh my god, Hugo! Where are you? Ang init k

