Briar "Honey!" ulit niya. Umakyat ang dugo ko sa ulo at gusto kong sumabog sa galit mula sa lalaking ito. Ang kapal ng mukha niyang tawaging ako sa endearment na iyan! Huminga ako ng malalim sabay kuyom ng mga kamao. Nilingon ko siya at muling tinapunan ng masamang tingin. "Honey? How dare you call me that!" Napatda siya. Wala akong pakialam kung pakitaan ko man siya ng hindi maayos na pakikitungo. Hindi ko na siya kilala. Nabura na siya sa isip at puso ko. Kung may pinagsamahan man kami noon ay matagal ko ng kinalimutan. Nagsimula na ako ng panibagong bersyon ng sarili ko. "Huwag mong sabihin iyan. . .Briar mag-usap naman tayo oh..please talk to me in a nice way hon.." Muli akong nagbuga ng malakas na hangin. "Nice way?" ulit ko. Tumawa ako ng pagak. "Deserve mo bang kau

