Briar "Good morning!" Napapikit ako sabay iling nang makita si Nikos sa tapat ng gate ng bahay ko. Nakasando at sport short. Nagja-jogging yata pero dito ulit sa tapat ng bahay. Gago talaga! Inirapan ko siya at tinalikuran. Gusto ko rin sanang maglakad sa labas pero di bali na lang kung makakasabay ko siya. "Briar! I said good morning! Sagutin mo naman ako, Honey!" habol niya sa akin. Subukan niyang mag trespassing kun'di makikita niya talaga kung gaano ako kalupit! Kagabi nga ay tinakot niya ako, ah hindi lang iyon, sapilitan pa niya akong hinalikan. Ngumuso ako at umikot sa loob ng garden. Dito na lang ako magyo-yoga sa loob. Dahil wala akong dalang mat ay umupo na lang ako sa damuhan. Pero ilang minuto pa ang aking pag-upo ay muli ko na naman narinig ang boses ni Nikos. "

