Kabanata 6

1225 Words
Someone's Point Of View Sa mundong ito Isa lang ang dapat mong gawin Ang patayin lahat ng sagabal at walang kwenta Ito yung mundo kung saan matira matibay Isa lang ang pagpipilian mo yun ay ang 'Mamatay nalang o mamatay ng lumalaban' I am born to live not to die Mafia Planet University University kung saan legal ang patayan Malaya kang patayin ang sino mang gusto mong patayin subalit kailangang magaling ka rin magtago at gumawa dahil kung hindi malalaman nila ang kawalanghiyaang ginawa mo At baka ikaw ang isunod nila. Kilala ang section namin dahil lahat ng nandito mayayaman, maganda at gwapo, matalino, talented, varsity player at model ng sikat na mga company. Aries Section- star section kung saan 5 killer ang kabilang. Taurus Section- ikalawa sa section na magagaling sa klase. 2 killer ang kabilang. Sagitarius Section- lahat ng average level na tao nandoon. Trying hard silang makaangat papuntang Aries at Taurus. 1 killer ang kabilang. The rest Pisces, Leo, Gemini, Cancer mga mahihinang estudyante ang nandoon. Kami yung pinaka sikat na section pero gugustuhin mo pa bang maging ako? Gugustuhin mo pa ba ang gantong buhay at pumunta sa mundo ko kung ako mismo ang papatay sayo. Gianna Point Of View Umalingawngaw sa buong M.P.U ang tatlong putok ng baril. Nagtataka ako kung bakit nagkaroon ng ganun dito. Hindi ba? Bawal dito ang mga delikadong bagay? Bakit? Mag uumpisa na ang klase dahil kararating lang ng prof. namin sa Art Man ng dumating ang isa kong kaklase siya yung sinabunutan ni Venus humangos siyang pumasok sa room para ibalita na may namatay nanaman. "S-Si Thea ng kabilang section natagpuang patay sa lumang gusali." pagkasabi niya agad agad na lumabas lahat ng kaklase ko. "N-namatay? Sistah may namatay?"utal utal na usig ni Mars. Nanatili lamang akong nakatayo ng 5minuto para pagmasdan ang mga kaklase ko. Muli ay napansin ko nanaman siyang nakatingin sakin nung mapansin niya ako ay nakita ko nanaman kung pano at gano kakilabot ang mga ngiting iyon. Hindi lamang ngiti isa iyong malademonyong ngisi Umirap lang ako sakanya at lumabas para tingnan ang bangkay ng Thea na yun. Tss. Habang naglalakad nakita ko sila ---> Thunder at Venus masayang tumatawa habang ang kanang kamay ni Venus ay hawak hawak ni Thunder. Kumirot bigla yung puso ko, hindi parin pala ako sanay sakanila. Napansin kong ngumiti siya sakin at binalik ulit ang tingin kay Venus. Lapastangan! Nagulat ako ng may kumalabit sakin. "hey!"siya nanaman. Napasimangot nalang ako kasi pag BH ako siya ang palaging nandiyan para sakin. "Shino, bakit?"nilingon ko siya. Ngumiti siya sakin ng pagkatamis tamis. "wala lang nam-miss lang kita."pagkasabi niya nun bigla siyang namula at yumuko. Ang cute ng bestfriend ko. I smiled at him. Siya lang yung taong nginingitian ko ng ganto. Palagi kasi akong seryoso. "I miss you too. Pano mauna na ako may aasikasuhin lang."tumunghay siya at tumingin sakin. "si Thea ba? Sasamahan kita."pagkasabi niya nun nagtaka ako. Bakit niya alam? Ngumisi siya bago ako hilahin papuntang lumang gusali. Tinititigan ko lamang siya habang naglalakad kami. Misteryoso rin siya gaya ko. Kaya siguro kami nagkakasundo. Sa katitig ko sakanya di ko namalayan na andito na pala kami. "enjoying the view?"muli ay ngumisi nanaman siya kaya napairap ako. Langyang to. Tsk. Dumiretso ako kay Thea at bakas sa katawan niya at muka niya ang hirap ng dinanas niya sa kamay ng mga killer. May nakita akong puting papel sa bibig niya. Kinuha ko iyon at binasa ang nakasulat. You are Next .. Kinilabutan ako sa nabasa ko. Marahil ay may naunang makakita dito. Ngunit sino? Nilibot ko pa ang paningin ko sa paligid bago mapadako ang mga mata ko sa dibdib ni Thea at may marka iyon na RG Demons May hawak rin siyang asul na rosas. Para saan ang mga ito? Anong pakulo mg mga killer? Nagulat ako ng hilahin ako ni Shino. "Saan mo ako dadalhin?" "sa classroom mag uumpisa na ang next class."natahimik nalamang ako. Buong klase ay yun ang laman ng aking isipan. Sino nanaman kaya ang mamatay? The next thing ay nagfocus na ko sa klase. Kahit na sobrang nakakabagot. Dahil may exam kami bukas rito. Pinaexplain samin ang difference sa Harvesting at Reaping. Kung ano ang nabasa ko ay yun nalang ang inilagay ko. Bahala na siya dyan. Tsk. After noon ay tumayo na ko para ipasa ang papel ko at lumabas na ng room. I felt suffocated. Gusto kong lumanghap ng sariwang hangin. Kaya nagtungo nalang ako sa Garden at nagtulog roon. Matagal rin akong natulog at wala namang nang istorbo sakin. Kinabukasan.. Nagtungo ako sa may bakanteng lote ng eskwelahan. Nakakita ako roon ng bangkay na sa tingin ko ay hindi naman namin kagagawan. I sighed. Wala silang karapatang pumatay tanging kami lang. Chineck ko ang buong area at napansin ko ang isang id. Tiningnan ko ito, may bakas pa ng dugo. Ang nakalagay sa id ay Denise Montecarlos. Second Year College ng Sagittarius Section. Sayang siya ang ganda niya pa namang babae. Tsk. Nilagpasan ko nalang iyon nang mapansin ko ang isang kumikinang na bagay. Nang lapitan ko ito ay nakilala ko agad ang hikaw. Hikaw iyon ni Luigi Clemente ang kasintahan nito. Ngumisi ako kalaunan. Saka nagpasyang bisitahin ito sa hating gabi. I use a mask na kamukang kamuka ng kanyang ex. Naabutan ko itong naglilinis ng lamesa at katatapos lang mag aral. He look stoic and calm kahit na nakapatay siya. I want to invite him to be our member. Pero dahil ayoko sa taong ito, nagbago ang isip ko. I wanna kill him. Nagpakita lang ako at hindi nagsasalita. Nagulat siya nang makita ako. Hindi siya makapaniwala roon. "D-De...D-Denise?"aniya sa nangangatal na tono. Napatigalgal ito at natakot. Ngumisi ako. Bagay na hindi niya gugustuhin. Kinuha ko ang kutsilyo na ginamit niya sa pagpatay sa tunay na Denise at hinarap siya ng may nakakalokong ngiti. "Anongg.... Bakit buhay ka pa?! Diba pinatay na kita?!!!"naghihisterya na ito sa nakikita. Mas lalo lang akong ginanahan roon. Gustong gusto ko ang naging reactions nito. Mas lalo siyang natakot at hindi makapaniwala sa nangyayari. "Ano?! Paanong buhay kapa?! Lumayo ka sakin!!"hiyaw niya. Mabilis akong tumakbo palapit sakanya at ginilitan siya sa leeg. "You!!"huling sabi niya bago hawakan ang leeg niyang sumisirit na ang dugo. I look at him with so much disgust. "I am not her. But I am your deathdealer. This is your sweet punishment and a big retribution. Accompany her on hell. Sayonara.."malamig kong saad bago siya iniwanan roon na mulat at nanginig bago tuluyang mamatay. Umalis ako ng lugar para linisin ang duguan kong katawan. This is my kind of reducing my boredom. I love killing stupid and useless people. Para mabawasan ang basura sa mundo. They deserve to die and be punished. That girl is a good girl and girlfriend. I know it. Dahil madalas ko silang makita at mapansin na napakamaalalahanin noon at sweet. Maybe jealousy is the reason dahil maganda si Denise at hinahangaan ng lahat. She's the leader of Music Club. Kaya sikat ito at kilala ng lahat. "Anong ginagawa mo? pumatay ka nanaman ba?"ani C. Ngumisi lang ako. Saka tumango. "Pinarusahan ko lang naman ang dapat parusahan e. You know me."nakangisi kong tugon. He look at me with so much annoyance. Kaya nilagpasan ko nalang ito. Madalas talaga hindi kami nagkakasundo. Pero kung sa pagpatay lang din sama sama talaga kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD