Playful Kiss.. Naglalakad ako ngayon sa may hallway ng humarang sakin si Babe, as usual bitbit nanaman niya ang pagkacold niya. Lahat ng tao nakatingin samin. Nakita ko pa nga na paparating si Gi nagulat ako nang bigla akong halikan ni Thunder. Bakit ganun? Ang lamig, ang lamig parang walang emosyon na kasama walang kahit katiting na feelings. Anong pakiramdam ba ito? Biglang humangin ng malakas nakaramdam ako ng kilabot dahil may bumulong pagkatapos ng halik na iyon. 'Tigilan muna yan,masasaktan ka lang' Hindi ko alam kung guni guni ko iyon. Pero Mahal ko si Thunder. Sobra.. Space out ako kaya di ko namalayan na nandito na pala kami sa loob ng room at nag uumpisa ng mag discuss si Mam Casey. "Class! Be Quite! Nakikita niyo naman na may prof. na dito sa unahan diba?! Bulag ba kayo ha.

