HINDI na naman siya natulog sa tabi ko kagabi...
Napailing si Sam sa naisip, habang nakaupo at nakatingin sa vanity mirror nang umagang iyon. Simula umuwi siya kay Gareth ay hindi na ito natulog sa kama, matutulog siyang wala ito at hindi alam kung anong oras dumarating, pagkatapos ay magigising siyang walang Gareth sa loob ng kwarto. Para bang may sakit siyang nakakahawa kung makaiwas ang asawa. Natawa siya kapagdaka, hindi ba dapat ay magpasalamat siya na ganoon ang ginagawa ng lalaki? Pero bakit iba ang nararamdaman niya. May kung ano sa kaibuturan ng puso niya na nangungulila sa lalaki at iyon ang bagay na hindi niya maintindihan.
Naputol siya sa pag-iisip nang tumunog ang cellphone niya, udyat na may tumatawag. Nang tignan niya kung sino ang tumatawag, si Ren iyon. Agad niyang sinagot ang tawag ng lalaki, dahil baka may magandang balita ito para sa kaniya.
"Ren," bungad niya sa lalaki.
"Parang gusto kong magtampo. Ikinasal ka na pala, pero hindi ako imbitado?" Salubong ni Ren kay Sam.
Natigilan si Sam. Alam naman niyang malalaman din iyon ni Ren kahit hindi niya sabihin. Knowing Ren.
"Sorry, pero hindi naman normal na kasal ang naganap," maikli niyang paliwanag sa lalaki.
Natawa si Ren. "I'm just kidding, ano ka ba? By the way, napatawag lang ako to tell that itutuloy ko pa rin ang pag-iimbestiga kay Gareth Sebastian, sa asawa mo."
Kinabahan siya. "Ren, stop it. Malalaman niya at baka mapahamak ka pa." Ayaw niyang mapahamak ito dahil para na niyang kapatid ang binata.
"Oh, no. Don't worry about me, i'll be fine here. Meron kasi akong pakiramdam na si Gareth ang magiging ugat ng kasagutan sa mga tanong na hinahanap natin noon pa man. Pakiramdam ko malaki ang parte ni Gareth sa nakaraan mo."
Hindi agad nakasagot si Sam.
"P-pero anong gagawin mo? Kapag nalaman niya na hindi ka pa tumigil, baka ikapahamak mo pa."
"Don't worry about me, Sam. May iba akong paraan."
"P-pero paano ang taong ipinapahanap ko sa'yo?"
"Hindi ako tumitigil na hanapin siya. Sige na, marami pa akong gagawin, bye!"
"Ren-" natigilan siya nang marinig na pinatay na ng kausap ang tawag. Napailing siya, matigas talaga ang ulo ni Ren at para itong kabute kung magparamdam.
Muli siyang tumingin sa salamin at inayos ang buhok, pagkatapos ay ang kwelyo ng suot na blouse at tumayo na sabay kuha sa shoulder bag. Lumabas siya ng silid upang hanapin si Gareth at magpaalam, iyon ay kung hindi pa ito nakakaalis. Patungo siya sa dining area dahil naisip niya na baka kumakain ang lalaki doon, pero palapit pa lang siya ay naririnig na niya ang mga boses na tila nagtatalo.
"No! You can't control me, kuya!" Boses ni Gail. Mataas iyon at tila galit.
Nagsalubong ang kilay ni Sam. Wala naman siyang balak makiusyoso sana sa usapan ng dalawa, kaso ay naroon na siya at tila ba napako na ang paa niya sa may gilid ng pintuan.
"Hindi kita kinokontrol, Gail." Si Gareth sa kontroladong tinig.
"So, ano ang tawag sa ginagawa mo? Bakit grounded ako? Bakit hindi ako puwedeng makipagkita sa mga kaibigan ko at kay Alee? Bakit hindi ako puwedeng lumabas ng bahay at marami pa?!"
"Is it because what you did last night," kalmado at kontrolado pa rin ang boses ni Gareth, pero mahahalata roon ang pagpigil ng galit.
"Anong ginawa ko? Masama ba ang maglasing?"
"Babae ka, Gail-"
"So, what? Lalaki lang ba ang may karapatang maglasing?"
"You don't get my point, Gail."
"Lalabas ako ngayon at hindi mo ako pwedeng bawalan," matigas na sabi ni Gail sa kapatid.
Doon na napatayo si Gareth mula sa pagkakaupo kanina. "Try me, Gail. Try my patience." This time ay naroon na ang awtoridad sa boses ni Gareth na halatang ano mang sandali ay uulagpos na ang galit.
Parang si Sam pa ang kinabahan para kay Gail.
"Kuya!"
"Shut up or else-"
"Or else what? "
"Or else, wala ka ng makukuhang suporta sa akin. Susundin mo ang sinasabi ko o palalayasin kita sa poder ko at kakalimutan ko ng magkapapatid tayo? Mamili ka, Gail."
"But-"
"I said, mamili ka!" Sigaw ni Gareth ang pumuno sa dining area na iyon, maging si Sam ay napapitlag pa sa gulat. "Hinayaan kitang gawin ang gusto mo and gave you everything you wanted. But this time, kapag sinuway mo ako, you'll going to lose everything you have right now and I'll make sure of that! Try me now, Gail."
"Hindi mo ako naiintindihan kuy-"
"Get lost. Umakyat ka sa kwarto mo. Now!"
Narinig ni Sam ang paghikbi ni Gail at ang tunog ng paa nito na palabas ng dining area. Hindi makagalaw si Sam sa kinatatayuan niya na balak sana ay magtago. Pero huli na, nagtama ang mga mata nila ni Gail na umiiyak, pero hindi gaya ng karaniwan, wala itong salitang sinabi sa kaniya at tumakbo lang paakyat sa silid nito. She look helpless that moment at hindi niya alam kung bakit kahit na ang sama ng mga ipinapakita nito sa kaniya, hindi niya maiwasang maawa rito.
"What are you doing there, Sam? "
Muli siyang napapitlag sa boses ni Gareth nang mapansin siya nito.
Pilit siyang ngumiti at sa wakas ay nagawang ihakbang ang mga paa papasok sa dining area at lumapit kay Gareth.
"M-magpapaalam lang sana ako na papasok na sa opisina at naabutan ko kayo ni Gail na nagtatalo..."
Nagpamulsa si Gareth na ngayon ay wala ng emosyong mababakas pa sa mukha nito. Bilis talaga ng transition ng lalaki.
"Why don't you eat first at ihahatid na kita?"
Magkakasunod na umiling si Sam. "Hindi na. Magkakape na lang ako sa office and I can drive myself to work naman."
Maisip pa lang niyang makasama ito sa loob ng kotse ay parang nahihirapan na siyang huminga.
"Fine." Muling umupo si Gareth at dinampot ang diyaryong nasa mesa at nagbasa.
Nanatiling nakatayo roon si Sam.
Tinignan siya ng asawa. "May kailangan ka pa?" Masungit na tanong ng lalaki.
"A-ah, wala naman. P-pero... Hindi kaya masyado naman nasaktan si Gail sa sinabi mo or masyado naman ang ipinagbabawal mo sa kaniya?" Huli na para mabawi pa ni Sam ang mga sinabi, mukha tuloy siyang nakikiaalam sa dalawa.
"Hindi mo kilala ang kapatid ko, kung gaano katigas ang ulo niya at ilang rules ko na ang hindi niya sinunod. She deserves what I did."
"Pero kaya mo talaga siyang itakwil bilang kapatid, kapag nilabag niya ang mga sinasabi mo?"
Tinitigan siya ni Gareth ng seryoso sa mga mata. "Yes." Walang gatol na sabi nito.
Napanganga si Sam. "T-that's cruel. Normal lang sa edad niya ang maging pasaway-"
Pinutol bigla ni Gareth ang mga balak pang sabihin ni Sam, "Huwag kang makialam on how I discipline my sister, Sam. It's none of your business."
Parang nalunok bigla ni Sam ang mga gusto pa sana niyang sabihin. Sa mga salitang sinabi ni Gareth ay parang pinamukha na nitong wala siyang karapatang makialam and that's it.
"S-sorry. Aalis na ako," aniya at mabilis na tumalikod at umalis.
Napahiya siya, pero tama naman si Gareth sa sinabi nito. Masyado lang talaga siyang nadala sa awa para kay Gail. Mabilis siyang naglakad patungo sa kaniyang kotse na nasa garahe at nilisan ang mansion ng mga Sebastian. Ang tahanan na nagpaparamdam sa kaniya na hindi siya kabilang.