"SI GRACIELLA po?" Usisa ni Sam kay Doña Thesa na naabutan niya sa may living room.
Nagpunta siya sa Walton mansion pagkagaling sa opisina, na gawain naman niya araw-araw para makita ang anak.
Tila nagulat pa ang ginang at napatayo. "Sam, sa wakas at nahuli rin kita. Halika nga at mag-usap tayo habang tulog pa si Graciella, kasama niya si Toneth sa taas."
Huminga nang malalim si Sam. Alam na niya kung ano ang gustong pag-usapan ng kaniyang madrasta. Lumapit siya rito at umupo sa may single sofa. Muli rin umupo ang doña sa kinauupuan kanina.
"Napapansin ko na sa tuwing gabi ay hindi ka rito natutulog. Magtapat ka nga sa akin, hija? Saan ka ba nagtutungo?" Salubong ang kilay ng ginang ngunit banayad naman ang pananalita.
Hindi agad nakakibo si Sam at inisip kung sasabihin na ba sa kaharap ang tungkol sa naganap na kasal sa pagitan nila ni Gareth.
"Sam?" Untag muli ni Doña Thesa sa babae. "Huwag kang mag-alinlangang magsabi sa akin, hija. Para na kitang anak at alam mo 'yan. May problema ba?" Muli ay sa malumanay na tinig na sabi ni Doña Thesa.
Dahil sa sinabi at malumanay na tinig ng ginang ay nagkaroon ng lakas ng loob si Sam na ipagtapat na nga rito ang nangyari.
"K-kasal na ho ako..."
Nanlaki ang mga mata ni Doña Thesa at napatayo pa dahil sa hindi pagkapaniwala sa narinig. Para nga itong aatakihin sa gulat.
"A-ano? Kasal ka na? Tama ba ang narinig ko?"
"Kasal? Sinong ikinasal?" Sabat ni Carmela na nanggaling sa kusina at tila narinig ang malakas na tinig ng ina nito.
Bumuntong-hininga si Sam at tinignan ang mag-ina.
"Oho, tama ho ang narinig niyo, kasal na po ako, kaya hindi na ako umuuwi rito sa tuwing gabi."
Nagkatinginan ang mag-ina at magkapanabay pang nagtanong, "Pero kanino?"
Ngumiti ng pilit si Sam. "Kilala niyo ho, kay Gareth Sebastian."
Parehong nanlaki ang mga mata ng dalawa at muling nagkatinginan na tila hindi makapaniwala. May kung ano pa nga sa reaksyon ng mga mukha ng dalawa na hindi niya maarok.
"Kay Gareth ba kamo? Pero bakit ka nagpakasal sa kaniya?" Ani Doña Thesa na siyang unang nakabawi sa pagkabigla.
"Mahabang kwento po, pero ang pinaka rason ay dahil tinulungan niyang makabangon ang kompanya at bilang kapalit ay kinailangan ko siyang pakasalan." Muling huminga ng malalim si Sam. "Lingid sa kaalaman ho ninyo ay muntikan ng nalugi at bumagsak ang Walton company..."
Napailing-iling ang dalawa na tila hindi pa rin nagsi-sink in sa utak ng mga ito ang lahat ng kniyang mga sinabi.
"T-talaga bang si Gareth ang nag-alok ng kasal o ikaw ang lumapit sa kaniya?" Paglilinaw pa ni Carmela.
Binalingan ito ni Sam. "Siya. Kasal ang hiningi niyang kapalit sa pagtulong niya."
Hindi nakakibo si Carmela.
Tumayo na si Sam at muling nagsalita, "Kaya ho sa gabi ay hindi na ako rito umuuwi ay dahil kay Gareth na ako umuuwi. Si Graciella ay mananatili ho rito dahil sa ayaw siyang tanggapin ni Gareth at wala akong magawa sa bagay na iyon... sa ngayon," pahabol niya sa huling sinabi.
Biglang lumamlam ang mga mata ni Doña Thesa nang tumingin kay Sam. "Pasensya ka na hija at hindi namin alam ang mga naisakripisyo mo na pala. Wala man lang kaming maitulong..."
Nais sanang sabihin ni Sam na ang pagtitipid ng mga ito ay malaking tulong na sa kaniya kung iyon ang gagawin ng mga ito. Pero pinigilan niya ang sarili at piniling huwag na lang sabihin ang bagay na 'yon, dahil sa ayaw niyang sumama ang loob ng ginang.
"Okay lang ho 'yon. Kaya ko pa naman ang lahat. Sige na ho at aakyatin ko muna si Graciella," paalam niya sa ginang at iniwan na ang dalawa.
Naabutan niya sa silid si Gracie na naglalaro at mukhang bagong gising. Kasama nito si Toneth na abala sa pagtutupi ng mga damit ng alaga.
"Ate," ani Toneth nang makita siya.
"Mommy!" Masayang sabi ni Gracie at nagmamadaling bumaba sa kama. Yumakap sa ina at humalik.
"Namiss kita," aniya sa bata at ginantihan ang yakap at halik nito.
"Mommy, huwag ka nang umalis, please?. Nahihirapan akong matulog without you po, eh."
Nalungkot si Sam pagkarinig sa sinabi ng anak pero hindi ipinakita iyon sa paslit. Kinarga niya ito at umupo sila sa gilid ng kama.
"Soon, baby. Soon, we'll going to sleep in the same bed again, honey."
"Okay," sang-ayon na lamang ng paslit. Pero halata pa rin sa mukha nito ang lungkot.
"Don't be sad, Gracie. It's sunday tomorrow, papasyal tayo," aniya sa bata na may malawak na ngiti.
Biglang nagliwanag ang mukha ni Gracie at nagningning ang mga mata dala siguro ng excitement dahil sa narinig mula sa ina.
"Really, mommy?" Hindi maitago ang saya sa tinig.
Magkakasunod na tumango si Sam at muling niyakap ang anak.
"Yey!" Bumaling ito kay Toneth. "Did you hear that, Ate Toneth? Mamamasyal kami bukas ni mommy, yey!"
Tumango at ngumiti si Toneth sa bata.
Masaya si Sam kapag nakikitang masaya ang anak at doble ang lungkot na nararamdaman sa tuwing malungkot ito. Alam niyang hirap mag adjust sa set up nila si Graciella, kung siya nga ay nahihirapan mag adjust sa sitwasyon, paano pa kaya ang anak niya? Si Gracie ang nags-suffer sa lahat ng nangyayari, at bilang ina, mas doble ang sakit at epekto nun para kay Sam.
"Maiiwan ko po muna kayo, ate," mamaya-maya pa ay paalam ni Toneth.
Tumango siya at nang sila na lamang dalawa ni Gracie, niyaya niyang maglaro ang anak hangang sa mapagod ito. Bandang 6:30 ng gabi ay pinaliguan na niya ang anak at sinabayan kumain bago siya uuwi sa mansion ni Gareth.
"Mommy, patulugin mo muna ako before you leave," hiling ni Gracie sa ina na agad namang pinagbigyan ni Sam.
Habang nasa tabi niya ang anak at kinakantahan ito at habang hinahaplos ang buhok, parang dinudurog sa sakit ang puso ni Sam. Hindi niya napigilang maluha dahil sa halu-halong emosyong narramdaman. Awang-awa siya sa anak at sa sitwasyon nila.
"Huwag kang mag-alala, anak. Gagawa ako ng paraan para makasama kita kahit saan ako..." bulong niya sa ngayon ay nahihimbing ng si Gracie.
Nang makitang tulog na tulog na ang bata, nagpaalam na siya kay Toneth at inabilin ang anak.
***************************
"WHERE have you been?"
Nagulat pa si Sam nang marinig ang tinig ni Gareth pagpasok niya sa silid nila. Nakita niya itong nakaupo sa kama habang may hawak na libro sa kamay.
Naroon na naman ang kakaibang bilis ng t***k ng puso ni Sam pagkakita sa asawa sa silid nila.
"Galing ako kay Gracie," aniya at tumuloy sa may closet. Naghanap ng pantulog at itinabi ang dalang bag.
"It's already 9pm, kumain ka na?" May pagkamalumanay sa tinig ni Gareth.
Mabilis na napalingon si Sam kay Gareth dahil sa tanong nito na hindi naman pangkaraniwan. Nakita niyang tila nagulat din ito sa naitanong at nag-iwas ng tingin.
"What I mean is, kumain ka na sa baba." This time ay walang emosyong sabi ni Gareth.
Lihim na napangiti si Sam. "Kumain na ako. Sinabayan ko ang anak ko," imporma niya sa lalaki.
Hindi na tumugon pa si Gareth at muling ibinaling ang pansin sa librong hawak.
Kumuha ng lakas ng loob si Sam upang masabi ang nais sabihin kay Gareth na kanina pa sa sasakyan niya naiisip. Mukhang maganda naman ang mood ng asawa.
"G-Gareth, p'wede ba tayong mag-usap saglit?" malumanay na tanong ni Sam sa lalaki.
"About what?" Tila hindi interesadong tanong ni Gareth na ni hindi nag-abalang tignan ang asawa.
"S-sana, ano... Sana ay payagan mo na akong iuwi rito si Graciella. Pangako hindi siya magiging pabigat dito. May sarili siyang yaya at mabait ang anak k-"
"Hindi pwede," putol ni Gareth sa mga sinasabi ng asawa. Biglang dumilim ang mukha nito.
Parang muling gumuho na naman ang mundo ni Sam. Hindi siya nakasagot at pinigilan ang mga luhang alam niya na kahit anong sandali ay papatak na.
"She's not allowed here, Sam. Ayoko ng pag-usapan pa ang bagay na ito. Nagkakaintindihan ba tayo?"
"B-bakit napaka walang puso mo sa anak ko? She's too young to be away from me. Bakit ba hindi mo maintindihan iyon?"
Tumayo si Gareth at nakapamulsang naglakad palapit sa asawa. Hindi pinuputol ang matiim na titig kay Sam. Ang mapanganib nitong aura ay ramdam ng babae at hindi maiwasang matakot.
"I cannot accept that child, Sam. She is the fruit of you betrayal, damn it!"
"You're so selfish..." Hindi na napigilan ni Sam ang maluha dahil sa galit.
Tumiim ang bagang ng lalaki at sa loob ng bulsa ay kumuyom ang mga kamao.
"Tell me whatever you want-"
"You are really happy to see me suffering, aren't you?"
Isang pauyam na ngiti lamang ang sagot ni Gareth at iniwan na siya sa silid. Walang nagawa si Sam kung hindi ibuhos na lang sa pag-iyak ang frustrations at galit na nararamdaman niya.
Sapat na ba ang pagdurusa niya sa pagkakalayo nila ng anak niya sa mga kasalanan niya kay Gareth? O nagsisimula pa lamang ang pagpapahirap nito?