CHAPTER TWENTY-SIX

1075 Words
"OH, DARN. Bakit ngayon ka pa nasira?" Inis na bulong ni Sam nang ayaw mag-start ng kaniyang kotse. Kung kailan patungo na sila sa mall. "Mommy, what's wrong?" Inosenteng tanong ni Gracie na nasa back seat. Nilingon niya ang anak. "Ayaw mag-start ng car, hun." Ito na lang ang sasakyan na mayroon siya, nagawa na niyang ibenta ang iba nang magsimula ng bumagsak ang kompanya. May car naman si Doña Thesa at Carmela at hihiramin niya sana, ang kaso ay umalis din ang dalawa. "Mag-taxi na lang tayo, anak. Come on, get out of the car, honey." Nagpatiuna na siyang bumaba at pinagbuksan ang anak. Naglakad sila palabas ng gate. Tatawag na sana siya ng taxi nang biglang dumating si Drake. "Hi, guys!" Masayang bati nito sa kanila nang maibaba ang bintana ng sasakyan nito. Gaya ng lagi nitong ginagawa ay napakalawak ng ngiti nito. Nangunot ang noo ni Sam, pero may ngiti pa rin sa labi. "What are you doing here, Drake?" "It's sunday, Sam. Alam ko ang routine niyo ni Graciella every sunday." Sabay flash na naman ng ngiti nito. "Buti at inabutan ko kayo. Are you guys ready to go?" "We're about to go, Tito Drake. But the car is not working, maybe we can hop into yours?" anang matabil na si Gracie na halatang excited pa rin sa pag-alis. Bumaba mula sa kotse si Drake at lumapit sa kanila. Ang lawak ng ngiti nito nang tumingin kay Sam. "Mukhang tamang-tama ang pagdating ko," anito sa babae. Pagkaraan ay hinarap si Gracie at ginulo ang buhok nito. "Ofcourse, sweetie you can. Kahit gawin niyo akong driver maghapon." "Ay, hindi. We're okay, magt-taxi na lang kami," pagtutol sana ni Sam. "Ayaw mo ba akong kasama or isama?" Kunot noong tanong ni Drake sa babae. Parang may hinampo ang tinig. "Hindi naman sa ganoon, kaso..." Hindi masabi ni Sam na baka magalit si Gareth kapag nalaman niyang muli na naman niyang kinausap si Drake. Basta nitong huli ay binalaan na siyang umiwas sa binata. "Is it because of that bastard?" Si Gareth ang tinutukoy nito. "Sshh, your words, Drake. Narito si Gracie," aniya sa lalaki at tinignan ang anak na inosente lang na nakatingin sa kanila. "Oh, sorry." Huminga nang malalim si Drake upang kalmahin ang sarili. "Wala ka dapat ikatakot sa lalaking 'yon, wala tayong ginagawang masama, Sam." Natigilan si Sam at nag-isip. Tama naman si Drake. Sa huli ay nakumbinsi siya ng lalaki na kotse na lamang nito ang sakyan nila. Hindi lang 'yon, sinagot lahat ni Drake ang lahat ng gastos at dinala si Graciella sa lahat ng lugar na nirerequest nito. "Salamat, Drake..." Genuine na pasasalamat ni Sam sa binata nang nakaupo sila sa may damuhan sa park habang nakatingin sila kay Graciella na nakikipaglaro sa mga batang naroon din. "Talagang nag-enjoy si Gracie." "I'm happy to see her like that, Sam." At bumaling sa ito kay Sam. "And I am happy to see you smiling kapag nakikita mong masaya si Gracie," Drake sincerely said. Muling ngumiti si Sam at umusal ng pasasalamat sa lalaki, "Salamat ulit." Naisip niya, siguro kung ganito lang si Gareth sa anak niya ay ang saya na siguro niya. Kung sanang tanggap lang ni Gareth ang anak niya kay Jener ay magiging masaya na siya, kahit pa pahirapan siya nito sa ibang bagay. "Are you okay? Ang lalim ng iniisip mo?" Untag sa kaniya ni Drake nang mapansin ang pananahimik niya. "Ah, ano... Okay lang ako. Don't worry about me," aniya na iniwasan ang mga matiim na pagtitig ng lalaki. "Here, inumin mo." Inabutan nito si Sam ng malamig na orange juice na nasa bottle. Nakangiting tinanggap iyon ni Sam at muli silang nagkwentuhan ng kung anu-anong bagay lang. Hangang sa hindi na nila namamalayan na inabutan na sila ng gabi sa parke at napagpasyahang umuwi na. Halata na ang pagod ni Graciella sa maghapong pamamasyal at paglalaro. Inihatid na sila ni Drake sa mansion. "How about you? Ihahatid na kita," alok ni Drake nang muli siyang bumaba sa living room matapos bihisan at patulugin ang anak. "H-hindi na siguro. Magt-taxi na lang ako, alam mo naman si Gareth." "I don't care about him, Sam. Ang importante sa akin ay ligtas kang makauwi ngayong gabi," ani Drake na walang kangiti-ngiti sa labi. Sa tuwing nababanggit ang pangalan ni Gareth ay para bang nasisira ang mood nito. "Pero, Drake-" "Look, Sam. We're not doing anything wrong. Kaya ihahatid na kita, I want to make sure that you're safe." Wala ng nagawang pagtutol pa si Sam at napatango na lamang na pumayag sa gusto ni Drake. Tama, wala naman siyang dapat ikabahala dahil wala silang ginagawang masama. Ang utak lang talaga ni Gareth ang problema. Naihatid naman siya ng maayos ni Drake sa mansion nina Gareth. Bigla siyang kinabahan nang makapasok na sa gate na binuksan ni Mang Tado para sa kaniya. Tahimik na ang buong kabahayan nang pumasok siya, nakahinga siya ng maluwag. Tahimik siyang umakyat sa matayog na hagdan at nang makarating sa pintuan ay marahan niyang pinihit ang seradura. Sana nga lang ay tulog na si Gareth, ayaw na niyang makipag-argumento rito na halos gabi-gabi yata ay nagaganap. Gusto na lamang niyang mahiga at magpahinga dahil napagod din siya. Saktong pagpasok niya ay halos mapasigaw siya nang tila may kamay na bakal na bigla na lamang humawak sa braso niya. Mahigpit at tila nanggigil iyon. "I saw you with that moron!" Boses ni Gareth na kalmado ngunit ramdam doon ang diin na nagpatakot kay Sam. Hinila nito si Sam at isinandal siya sa pader ni Gareth habang hawak siya nito ng mahigpit sa isang braso. "Nasasaktan ako, ano ba?" Pinilit niyang iwaksi ang hawak ng lalaki, pero hindi siya nagtagumpay. Tila bumabaon sa kalamnan niya ang mga kuko nito dahil sa galit. "I told you to stop seeing that bastard, Sam!" "Ano ba ang problema mo? Wala naman kaming ginagawang masama? Magkaibigan kami ni Drake bago pa kita naging asawa, bakit ba pati ang pakikipagkita ko sa kaniya ay kinokontrol mo?!" Hindi na napigilan pa ni Sam ang sumambulat sa galit at inis. "Kaibigan?! Cut the crap, Sam. Kilala kita." Naningkit ang mga mata ni Gareth sa galit. "Kilala ko kung anong klaseng babae ka! You betrayed me once at hindi na malayong gawin mo iyon ulit!" Isang malakas na sampal ang pinakawalan ni Sam. Masyado siyang nasaktan sa sinabi ni Gareth at hindi na niya napigilan ang emosyong nararamdaman nang mga sandaling 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD