CHAPTER TWENTY-SEVEN

1220 Words
"HINDI mo ako kilala, Gareth. Dahil kung kilala mo ako, alam mong hindi ako ganoong babae!" Hindi na napigilan ni Sam ang paghikbi, dahil sa sobrang sama ng kaniyang loob. "Nagka amnesia man ako, maaring marami akong hindi natatandaan sa sarili ko, pero alam ng puso kong hindi ako maruming babae, gaya ng iniisip mo!" Puno ng hinanakit na dagdag pa ni Sam sa lalaki na ngayon ay nakatitig lamang sa kaniya at hindi mababasa kung ano ang emosyong mayroon ito nang mga sandaling 'yon. Makalipas ang ilang sandali, walang salitang umalis si Gareth at iniwan si Sam sa silid, gaya madalas nitong ginagawa matapos ang isang argumento. Napaupo ang nanlalambot na si Sam sa sahig kasabay ng mga masakit na paghikbi. Deserve ba niya ang mapunta sa ganoong sitwasyon? Hangang kailan kaya siya pahihirapan ng lalaki? Kelan kaya siya maaring kumawala sa kasal na kinasadlakan niya, sa kasal na alam niyang walang bahid ng pagmamahal. ************* KINABUKASAN ay maaga pa rin nagising si Sam kahit na kakaunti lamang ang tulog sa magdamag, marahang siyang bumangon sa kama at sa medyo nanlalabo pang mga mata ay nakita niyang nasa harapan ng salamin si Gareth, nakatalikod man ay alam niyang nag-aayos ito ng necktie. Kahit nakatalikod ito ay hindi niya maiwasang mapahanga sa tindig ng asawa. Sadyang napakalakas ng dating nito. Ipinilig niya ang ulo upang tigilan ng kaniyang isipan ang pag-iisip ng mga nakakahangang bagay patungkol sa asawa. Dahil kapag hinayaan niya ang sarili sa ganoong bagay ay baka saan mapunta iyon. "Samantha." Napapitlag pa sa gulat si Sam nang marinig ang boses ni Gareth. "W-why?" "Simula ngayong araw, hindi ka na papasok sa opisina ng Walton," ani Gareth sa ma-awtoridad na tinig habang hindi nag-abalang tumingin sa asawa Gulat at nanlalaki ang mga mata ni Sam na halos hindi agad makauma dahil sa narinig mula sa lalaki. "A-anong pinagsasabi mo? Bakit hindi na ako papasok sa kompanya ng pamilya namin? Sinabi mo sa akin na ako pa rin ang mamahala roon," pagtutol niya at mabilis na bumaba sa kama pero nanatiling nakatayo lamang doon at hindi magawang lapitan ang lalaki. Lumingon si Gareth at seryoso ang mukha ni nang tumingin kay Sam. Walang bahid ng anumang emosyon ang mababasa roon. He's good when it comes to it, kaya ang hirap nitong basahin. Hindi niya alam kung kelan ito malungkot, masaya o apektado. "You heard me, hindi ka na papasok sa Walton company, ako na ang titingin doon," malamig na sabi pa rin ni Gareth sa asawa. Nagsalubong ang kilay ni Sam at halatang naguguluhan. "Pero bakit? Sino ka para magdesisyon sa bagay na ito?" May namumuong galit sa dibdib ni Sam. Bahagyang pauyam na ngumiti si Gareth. "Ikaw ang may kasalanan kung bakit ko ginawa ito. Hindi ka nakinig sa akin when I told you to stop seeing that bastard. This is the consequences, Sam." Gustong sugurin ni Sam ang asawa at muling sampalin kagaya ng ginawa niya kagabi pero pinigilan niya ang sarili. Baka kapag ginawa niyang muli iyon ay may maisip na naman itong gawin na ayaw niya or ang malala ay pagbawalan na siyang makipagkita sa anak niya. "What about me now? Dito na lang ako sa apat na sulok ng silid na 'to?" "No." Muling tumalikod si Gareth at itinuloy ang pag aayos ng necktie. "No?" "Magtatrabaho ka sa akin bilang personal assistant ko. Sa katunayan ay ngayon ka na magsisimula." Muling humarap ang dominanteng lalaki kay Sam. "See you in my office, Sam. Kumain ka na at magpahatid ka kay Butler Andy. May meeting ako today at hindi kita maisasabay." Tsaka na tumalikod si Gareth at lumabas ng silid. Napapikit na lang sa frustration si Sam at bahagyang napapadyak. Bakit pakiramdam niya ay mas lalong liliit ang mundo niya kapag nakasama sa kompanya ang lalaki. Mas para siyang nakatuntong sa numero at mahihirapan siyang pakisamahan ang ugali ng asawa. Bigla siyang napadilat at napatakbo sa may bag niya at kinuha ang cellphone. Tatawagan niya si Martina upang sabihin na hindi na siya papasok sa sarili niyang kompanya. "Martina," bungad niya sa assistant. "Good morning, Ms. Walton-" "Hindi na ako ang mamamahala ng Walton company," malungkot na imporma niya sa babae. "Alam ko po, Ms. Walton at totoong nakakabigla at nakakalungkot," sagot ni Martina na halata sa tinig ang pagkadismaya at lungkot. "Alam mo? Paano?" Gulat niyang tanong sa assistant. "Tinawagan po ako ni Mr. Sebastian this morning at ininform. Nagpa set ng meeting for tomorrow para ibalita na siya na ang hahawak ng Walton company." Itinikom ni Sam ng mariin ang mga maninipis na labi dahil sa gigil. "That monkey. He's really getting into my nerves," usal niya na hindi maitago ang gigil. "Wala ka na bang magagawa to change his mind, Ms. Walton?" Namamag-asang turan ni Martina. "Hindi ko pa alam. As long as wala siyang tatanggalin sainyo o ano pa man ay okay lang sa akin, I can manage." Ang mahalaga sa kaniya ay maging okay pa rin ang mga empleyado niya kahit wala siya sa kompanya. "Sige ho, Ms. Walton. Iinform kita sa mga susunod na gagawin niya rito. How about you, Ms walton? Okay ka lang ba?" May pag-aalala sa tinig ni Martina nang magtanong. "Don't worry about me, magtatrabaho ako sa kaniya bilang assistant niya at iyon ang gusto niya." "Wow! Nakakakilig naman po," ani Martina na biglang nagkaroon ng panunukso ang tinig. Nagsalubong ang kilay ni Sam. "Nakakakilig? " "Yes, Ms. Walton. Hindi kaya ang dahilan niya sa pagpalit sa'yo rito ay dahil gusto ka lang niyang kunin at araw-araw makasama at makita sa opisina? How sweet naman pala ni Sir Gareth," mahabang pahayag pa ni Martina na akala mo ay dalagitang kinikilig. Natawa na lamang si Sam. Hindi naman kasi alam ng kausap ang puno't dulo kung bakit nagdesisyon si Gareth na ito na ang mamahala sa kompanya. "Sige na, Martina. I have to go. Bye." Wala naman siyang problema kung si Gareth ang papalit sa kaniya sa Walton company, magaling at wais itong mamahala at alam niyang hindi nito hahayaang bumagsak ang kompanya. Ang kaso ay nalulungkot lang siya dahil sa mga nakalipas na taon ay ang pamamahala sa Walton Company umikot ang mundo niya. Isa pang pinoproblema niya ay kung paano ba niya pakikisamahan ito sa trabaho? Mabilis na naligo at nag-ayos si Sam, bibili na lamang siya ng kape mamaya bago magtungo sa kompanya ni Gareth. Nagsuot siya ng simpleng baby pink blouse at blue jeans, at isang flat shoes. Itinali agad ang basang buhok at ni hindi nag-abalang maglagay ng make up. Malayong-malayo ang gayak niya sa normal tuwing papasok sa Walton company. Iinisin lamang niya si Gareth ngayong araw at ipa-realize rito na mali ito sa pag-hire sa kaniya bilang personal assistant nito. "Butler Andy, pakihatid ho ako sa Sebastian Telesystem," aniya sa matanda na abala sa pagpupunas ng sasakyan. Nakangiti naman itong tumango at pinagbuksan siya ng pinto ng sasakyan. Habang nasa byahe ay tinawagan niya si Toneth upang makausap si Graciella ngunit tulog pa raw kaya ibinaba na niya ang tawag. Pupuntahan na lang niya mamayang hapon ang anak. "Butler Andy, bilhan mo ako ng kape sa madadaanan nating coffee shop, ah? Salamat." "Sige ho, Ms. Walton." Isinandig ni Sam ang ulo sa may bintana at tila wala sa sariling tumingin sa labas at sa mga sasakyan na nakakasabayan nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD