CHAPTER TWENTY

1288 Words
PAG-UWI ni Gareth at Samantha0 sa mansion, nadatnan nila si Gail na nasa sala abala ito sa pagbabasa ng libro. Napatingin ito sa kanila ni Gareth at nagtama pa ang mga mata nila ng dalaga, pero as usual masama ang tingin nito sa kaniya. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin at tinungo ang hagdan paakyat sa second floor ng mansion, kasunod niya si Gareth. "Kuya, puwede ba tayong mag-usap?" Usisa ni Gail na tumayo mula sa pagkakaupo. Natigilan sila ni Gareth. Marahan siyang napatingin sa lalaki. Sinenyasan siya nitong mauna ng umakyat sa kanilang silid. Agad naman niyang ginawa, baka isipin pa ni Gail na nais niyang makisali sa pag uusapan ng mga ito. Dire-diretso siya sa silid at pagkatapos ay naisipan na niyang mag-shower upang matawagan na si Toneth upang kamustahin si Graciella. "What is it, Gail?" Usisa ni Gareth sa kapatid. Umupo siya sa single sofa. Nanatiling nakatayo ang kapatid, hindi kalayuan sa kaniya. "Let's talk about that woman," matigas nitong sabi sa kaniya. Alam naman niyang si Sam ang tinutukoy nito. "What about her?" Marahas na huminga si Gail at pinagkrus ang mga braso sa harapan na tila naiinis. "Talaga ba kuya? Dito mo talaga ititira ang babaeng 'yon?" Nanatiling kalmado ang mukha ni Gareth. "Yes. Pansamantala lang habang hindi pa natatapos ang ipinapagawa kong mansion. May problema ba doon?" Pekeng ngumiti si Gail na bakas pa rin sa mukha ang pagkairita. "Wow! So kailangan pa pala namin tiisin ang presensya niya hangang sa matapos ang ipinapagawa mo? Puwede mo naman siyang patirahin muna sa pad mo or sa condo, right? Bakit dito pa?" "I wanted her here, Gail." Sagot niya sa kapatid na tila wala ng makakabale sa desisyon niyang 'yon. Halata sa mukha ni Gail ang galit pero pinigilan nito ang sarili na sumabog. "Oo nga pala, wala pala akong karapatan to suggest things kung sino ang gusto mong papasukin sa pamamahay na ito. Sa'yo pala ang mansion na ito." "Gail-" tawag niya sa kapatid. "I hate her, kuya! Marami siyang sinira sa buhay natin. At alam kong ayaw din sa kaniya nina Nanay! Pero ikaw? Kahit sinasabi mo na hindi mo na siya mahal, kita ko pa rin sa kilos mo na mahal mo siya!" Nagsimula ng mamalisbis ang luha ni Gail. "I don't love her anymore," walang emosyong sagot niya sa kapatid. "Niloloko mo ang sarili mo, kuya-" "Shut up!" Angil ni Gareth sa kapatid. "Iyon ang totoo!" Matigas na sagot pa ng dalaga sa kapatid. Halata ang galit nito na nakarehistro sa mukha nang mga sandalijg 'yon. Tumayo si Gareth at blanko na ang ekpresyon ng mukha nito nang muling tignan si Gail. "From now on, ayaw ko ng pag-usapan ang mga bagay na 'to. Sa ayaw at sa gusto mo, mananatili si Sam dito and you'll pretend na tila hindi mo siya nakikita to avoid any conflict. Nagkakaintindihan ba tayo, Gail?" Bakas ang awtoridad sa tinig ni Gareth. "Hindi mo talaga iniisip ang nararamdaman namin nina Nanay!" Puno ng hinanakit at panunumbat na bigkas ni Gail sa kaniya at sabay alis nito. He really understand kung saan nanggagaling si Gail. Pero sana ay maintindihan din nito na kaya niya ginagawa ito ay para makabawi sa mga sakit na dulot ni Sam. Baka kasi kapag nakapaghiganti na siya at naiparanas na niya sa asawa ang sakit na naranasan niya noon ay tuluyan na siyang makakawala sa kahapon na tila bangungot na dumadalaw sa kaniya gabi-gabi. Nagtungo sa bar counter ng mansion nila si Gareth upang uminom ng alak, para pag-akyat niya sa silid nila ni Sam ay mabilis na lang siyang makatulog dahil sa tama ng alak. Nang maramdamang okay na ang nainom niya ay umakyat na siya. Wala ito sa silid at tila naliligo ito dahil naririnig niya ang lagaslas ng tubig na nagmumula sa banyo. Wala sa sariling humakbang siya palapit sa closet niya at may kinalkal siyang isang box doon. Mula sa box ay may isang puting panyo siyang kinuha. Nanikip ang dibdib niya nang mahawakan ang panyo, kasabay nun ay sumidhi ang galit na nararamdaman niya nilamukos niya ang tela na para bang doon ibinabaling ang galit na nararamdaman. Samantala, sakto namang paglabas ng banyo ay ganoong eksena ang nadatnan ni Sam. "G-Gareth..." Marahan niyang tawag sa asawa na napatingin naman sa kaniya. Inayos ni Sam ang pagkakatali ng roba upang protektahan ang mga yaman niya na nasa ilalim nun. Kahit pa sinabi na ni Gareth una pa lang na wala itong balak hawakan siya o angkinin. "K-kanina ka pa? Maligo ka na," aniya na hindi makaalis sa kinatatayuan dahil sa sobrang kaba sa presensya ni Gareth. "Look at this," ani Gareth, lumapit sa asawa at ibinigay nito ang hawak na puting panyo kay Sam. "A-ano ito?" Curious na tinignan ni Sam ang panyo. Sa pinakagitna ng panyo ay nakaburda ang pangalan na Gareth. Nang minasdan niyang mabuti, sa bandang baba ng panyo ay may nakalagay na maliit na letrang S. Naguguluhan siyang napatingin sa asawa, nagtatanong ang mga mata. "Hindi mo maalala?" Walang emosyong tanong ni Gareth sa kaniya. Napalunok si Sam at marahang umiling. "Damn it, Sam!" Biglang sigaw ni Gareth sa kaniya na ikinapitlag pa niya. "It's from you! Ibinigay mo iyan sa akin at ikaw mismo ang nagburda sa pangalan ko sa panyong 'yan! Hindi mo pa rin naaalala?!" Halata sa boses nito ang galit at frustration. Gustong maiyak ni Sam dahil sa inis niya sa sarili, bakit ba kasi hindi niya maalala? "H-hindi ko matandaan, wa...wala akong maalala. S-Sorry..." Utal-utal niyang sabi sa asawa. Sinasalakay ng kaba at takot ang dibdib nang mga sandaling 'yon. Sa isang iglap ay nilapitan siya ni Gareth, dinakma nito ang braso niya at isinandal siya sa pader. Kita niya ang galit sa mga mata nito. Naamoy din niya ang alak sa hininga ng asawa dahil ang lapit lamang nila sa isa't isa. Doon niya napagtanto na uminom ito sa baba. "Damn you! Sorry?! Mabubura ba ng sorry mo ang lahat ng ginawa mong masasakit sa buhay ko?! Ano ba ang puwede kong gawin para maalala mo ako?! Nanlalaki ang mga mata ni Sam sa takot mula sa asawa, hindi niya alam kung ano ang itutugon rito upang kumalma lamang ito. Pero naisip niya, kahit anong sabihin niya nang mga oras na 'yon ay magagalit pa rin ito dahil nasa ilalim ng impluwensya ng alak ito. "Bakit ikaw pa ang nakalimot?! Bakit hindi ako? Bakit ang hirap kalimutan ng nakaraan?!" Kita ni Sam ang namumuong luha sa gilid ng mga mata ni Gareth pero pinipigilan ng huli ang pagpatak nun. Ramdam niya ang sakit sa bawat salita nito, lalo na ngayong lasing ang asawa. Imbes na magalit siya rito ay mas nagagalit siya sa sarili niya, dahil pakiramdam niya napakalaki ng kasalanan niya kay Gareth, upang magkaganoon ito. Kita niya sa mga mata ng lalaki ang sari-saring emosyon. "N-nasasaktan ako Gareth..." Usal niya dahil ramdam niya ang higpit ng pagsakmal nito sa kaniyang braso. "Wala akong pakialam!" He hissed na tila halimaw na nawawala sa sarili. May kung anong pinong kirot siyang naramdaman sa sagot ng asawa. "S-Sorry kung ako ang nakalimot, ah? Hindi ko naman ginusto ang magka amnesia, Gareth. Kung alam mo lang gaano ko kagustong maalala ka, ang lahat-lahat sa atin, para alam ko ang mga kasalanan ko sa'yo. Para ako mismo ang magbayad..." Hindi na napigilan ni Sam ang pumatak ang mga luha. Nang makita ni Gareth ang pag-iyak ng asawa ay tila natauhan ito. Binitiwan nito ang braso ni Sam at lumayo sa asawa, pagkatapos ay walang salitang lumabas ito ng silid. Napaupo na lamang sa sahig si Sam dahil sa hirap ng kalooban niya sa mga nangyayari ngayon. She wants to remember everything. Nasapo niya ang ulo nang bahagyang kumirot iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD