Chapter 16

1316 Words
"Sigurado ka bang ito ang daan?" Nanlalambot mula sa mahabang paglalakad sa ilalim ng tirik na araw si Aella. Ang bitbit niyang malaking tela kung saan nakabalot ang kaniyang mga gamit ay nakasabit sa kaniyang kanang balikat habang sa kaliwa naman ay ang lalagyan niya ng inumin. Padarag niyang hinablot iyon saka mabilis na tinungga ngunit kahit isang patak ng tubig ay walang lumabas na siyang lalo niyang ikinainis. Kunot ang noo at may napakasamang tingin ay ibinato niya ang lalagyanan sa isang batong nasa kaniyang tagiliran. Ikinagulat iyon ni Denier na siyang kaisa-isa niyang kasama sa paglalakad. Napabuga na lamang ng malalim na hinginga nag binata. "Kung paiiralin mo ang ganiyang kaugalian ay walang mangyayari sa iyong buhay-" Mabilis na bumaling ang atensyon bg diwata sa kasama, "para saan pa ba ang buhay ko kung ang mga kaibigan ko ay patay na?" Pagputol niya rito. Walang nagawa si Denier na nasa anyong tao ngayon kung hindi ang bumuga na lamang muli ng malalim na hininga at hayaan ang diwata. Batid niyang matindi pa ang pinagdaraanang hirap ng diwata bukod sa ipinapakita nitong kasungitan ngayon kaya naman kahit nahihirapan ay alam niyang kailangan niyang palawakin pa ang kaniyang pang-unawa. Mahirap ang pinagdaanan nilang lahat ngunit walang papantay sa pinagdaanan at pinagdaraanan ngayon ni Aella. "Nandito na tayo," usal ni Denier kasabay ng kaniyang biglaang paghinto sa itapat ng dalawang malaking puno. Nasa gitna ng isang disyerto ang mga punong ito na siyang naging dahilan kung bakit naging kakaiba ang lugar. Sa kabila ng matinding init ay tila buhay na buhay at hindi kailanman pinagdamutan sa tubig ang dalawang puno. Ang katawan ng mga ito ay magkahiwalay ngunit habang tumataas ay tila nagdidikit ang mga iyon hanggang sa ang iilang sanga nila ay tuluyan na ngang sinakop ang bahagi ng isa't isa. "Sigurado ka?" Isang tango lamang ang isinukli ni Denier sa diwata. Agad namang lumapit sa mga puno ang diwata at pinagmasdan ang mga iyon mula ibaba hanggang sa itaas. Masigla. Iyon ang masasabi ni Aella sa mga punong ito. Taliwas sa kaniyang nararamdaman ang kasiglahan ng mga ito. Tahimik na pinagmasdan ni Denier ang diwata habang ito ay abala sa pagtitig sa mga puno. Lingid sa kaniyang kaalaman na higit pa roon ang iniisip ng diwatang kasama. Matinding inggit kasi ang nararamdaman nito pagkat ang dalawang puno ay napakasigla at tila puno ng buhay kahit na napaliligiran ito ng pighati at pasakit. Hindi alam ni Aella kung paanong magagawa iyon gayong siya, ilang araw na mula nang malugmok sa paghihirao ngunit magpasahanggang ngayon ay hindi pa rin mahanap ang daan papunta sa kasiyahan. Magpasahanggang ngayon ay hindi pa rin niya magawang maramdaman ang saya at kapayapaang noon ay araw-araw niyang nararamdaman. Isang kurap, milyong luha ang bumuhos sa kaniyang mga mata patungo sa kaniyang pisngi hanggang sa makarating ang mga iyon sa lupang uhaw sa tubig. Gaya ng lupang kanilang tinatapakan ngayon, ang nararamdaman ng batang diwata ay masyadong mainit na umabot na sa puntong tila ikamamatay niya ang paso. "Kailangan lamang nating tumayo sa gitna ng mga puno, sabay na hawakan ang katawan ng mga ito habang tayo'y magkahawak ang kamay," paliwanag ni Denier na pilit iniignora ang pag-iyak ng diwata. Batid niya ang mga luhang tumatakas sa mga mata nito ngunit gustuhin mang aluin at patahanin ay hindi niya magawa bagkus ito ang nilin ng diwata. Hayaan siyang umiyak. Walang imik at tanging pagtango lamang ang iginawad ng dalaga bago mabilis na pinalis ang mga luha sa kaniyang pisngi. Gaya ng dapat gawin, naghawak kamay si Aella at Denier saka sabay na humakbang papunta sa gitna ng dalawang malaking puno. Magkasabay rin nilang hinawakan ang katawan ng mga ito gamit ang magkabilang kamay. Pagkatapos ay tila bumaba ang araw mula sa itaas nang balutin ang buong lugar ng nakasisilaw na liwanag. Ang kanilang kamau ay tila napapaso ngunit hindi kagawang mapaghiwalay pagkat tila may taling hindi kayang makita ng mga mata ang nagdidikit sa mga iyon. Pakiramdam din nila ay tila inihulog sila mula sa mataas na ulap at hinayaang magpaikot-ikot sa ere. Nakakahilo. Iyon lamang ang tanging naramdaman ni Aella at ni Denier sa loob ng humigit kumulang limang minuto. Ang liwanag na bumabalot sa kanila ay mabilis ding nawala. Ang kaninang buhangin na inaapakan ay tila natakpan na ngayon ng mga tuyong dahon at ang disyerto ay naging gubat. Habang ang dalawang malaking puno ay tila mas lumiit ngayon ngunit masigla pa rin at puno ng buhay. Tanging huni lamang ng mga ibon ang kanilang naririnig bukod sa paminsan-minsang paggalaw ng mga dahon na siyang sumasabay sa bawat pag-ihip ng hangin. "Nandito na tayo," anang Denier kasabay ng kaniyanh paglingon sa paligid. Tanging mga malalaking puno lamang ang kanilang nakikita. Sa bandang harapan ay may tila daanan papunta sa kung saan ngunit halos matakpan na rin ito ng mga tuyong dahon. Walang salitang sinundan iyon ni Aella na agad sinundan ni Denier. "Dito sa mundo ng mga tao, kailangan mong maging mapagmatyag at maingat sa bawat kilos. Hindi ni--" "Hindi nila maaaring malaman ang tunay kong pagkatao pagkat hindi iyon ang kanilang nakasanayan at maaring iyon pa ang maging sahilan ng aking kapahamakan," walang ganang saad ni Aella nang putulin niya ang lintaya sana ni Denier. "Alam ko, Denier. Hindi ako tanga," dagdag pa nito. Walang magawa ang binata kung hindi ang bumuga na lamang muli ng malalim na hininga. Mula nang mangyari ang kaguluhang iyon ay tila nagbago ang diwata. Ang dating masigla, palabiro, at hindi nauubusan ng kalokohan ay hindi na nguminngiti ngayon. Ang kaniyang mga masisiglanh mata ay tila napuno ng kadiliman at walang kahit anong emosyong ipinapakita ang mga ito. Batid ng binata na nangako siya sa kaniyang sarili na kahit anong mangyari ay hindi niya iiwan ang diwata ngunit kung magpapatuloy ang ganitong gawain niya ay mahihirapan talaga siya. Hindi pa man nakakalayo mula sa dalawang puno ay mabilis na huminto ang diwata at hinarap si Denier na siyang nakatitig lamang sa kaniya. Ilang sandaling naglaban ang kanilang mga tingin. Ang mga mata nila ay nagpapakita ng magkaibang emosyon. Ang mga mata ni Deniwr ay nagsusumigaw ng pag-aalalanat pag-unawa habang ang sa diwata naman ay wala. Tila pang-gabing langit na inagawan ng buwan at mga bituin. Walang ano-ano'y magalang na tumango ang binata saka mabilis na binitiwan ang mga gamit na dala niya. Ang mga ito ay kakailanganin ni Aella bilang panimula sa kaniyang bagong buhay rito sa mundo ng mga tao. "Mag-iingat ka, diwata. Dadalawin kita rito sa tuwi-tuwina," anito habang hindi inaalis ang mga tingin sa diwata. "Paumanhin. Gustuhin ko mang samahan ka ngunit kailangan kong bumalik upang matulungan sin--" "Tama na ang satsat," pagputol muli ni Aella kay Denier. "Bilisan mo at baka bangkay na lamang ni Lady Pega ang abutan mo. Kung mangyari iyon, ako mismo ang papatay sa iyo, Denier." Sa kauna-unahang pagkakataon, tila nakaramdam ng matinding takot ang binata nang marinig kung paanong bigkasin ng batang diwata ang kaniyang ngalan. Ngayon lamang din niya ito narinig na bumigkas ng mga ganoong klase ng salita na siyang nakadagdag sa kabang nararamdaman niya. Mula pagkabata ay kasama na nila ang diwata sa kanilang palasyo ngunit kailanman ay hindi noya naisip na kakayaning magbanta ng ganoon ni Aella. Kailanman, hindi sumagi sa isipan ni Denier na ang diwatang kaharap niya ngayon ay papatay. Ni hindi niya maisip na mababahiran ng dugo ang mga kamay nito. Tumango si Denier, "kung mangyari iyon, ako mismo ang lalapit sayo upang iaalay ang sarili ko, diwata," saka mabilis na tumalikod at walang alinlangang puwesto sa gitna ng dalawang puno. Nabalot muli ng liwanag ang paligid na agad ding nawala. Napapikit na lamang si Aella kasabay ng biglaang pag-upo sa sahig na puno ng tuyong dahon. Ang mga kamay niya ay ginamit niyang pantakip sa kaniyang mga matang napupuno na naman ng luha. Ang kaninang tahimik na kagubatan ay nabulabog ng mga hagulgol ng pighati ng batang diwata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD