"Mukhang ganoon na nga," usal ni Denier na biglang naglakad palapit sa kaniya saka siya walang alinalngang inakbayan na siyang ikinagulat niya. "Pagmasdan mong mabuti, Aella. Sa tingin mo, sino ang magandnag binibini na nasa iyong harapan?" Hinawakan ng babae ang saya ng kaniyang damit saka marahang umikot kagaya ng pag-ikot ng isang dugong bughaw. Nanlaki ang mga mata ni Aella nang may mapagtanto. "Lady Pega?" Ang kaniyang mga mata ay literal na nanlalaki at ang panga ay laglag sa gulat. Hindi na niya hinintay pa ang kumpirmasyon dahil mabilis na ang kaniyang naging kilos nang tumakbo siya at yumakap sa pinunong ilang taon niyang hindi nakita. Mabilis na nag unahan sa pagtulo ang kaniyang mga luha. Ang matagal niyang kinimkim na takot ay tila bigla na lamang sumabog. Hindi mapigilang

