Ang mahabang buhok ni Aella ay sumasabay sa bawat pag-ihip ng malakas na hangin. Ang mga mata niya'y napapapikit pagkat ito ay tinatamaan ng iilang hibla ng kaniyang buhok at pati na rin ng mainit na sinag ng araw. Si Lady Pega ay nasa orihinal na niyang anyo, kagaya rin ni Denier habang matikas na nakatayo sa magkabilang gilid ni Aella na tila pinoprotektahan nila ito. Ang kanilang buntot at makulay na buhok ay sumasabay rin sa bawat pag-ihip ng hagin. Ang kanilang tinatanaw ay ang mainit at malawak na lupaing pinapaligiran ang dalawang matayog na puno. "Ihanda mo na ang iyong ngiti pagkat makikita mo na ang mga kasamhan nating kay tagal mong hindi nakita," bulong ni Denier. Manghang-mangha ang diwata nang ibuka ng kanilang pinuno ang mga makukulay nitong pakpak. Nang gayahin ito ni D

