Malakas na nagtawanan ang mga nilalang sa narinig nilang tinuran ni Aella. Hindi sila makapaniwala na hindi kilala ng diwata ang nilalang na si Esterial. "Mahilig kang magbasa ng mga libro ngunit hindi mo kilala si Esterial?" Gulantang na usal ng isang batang pegasus habang nakaupo sa ilalim ng puno. Lahat sila ay nagtipon-tipon doon at pinagitnaan si Aella. "Si Esterial ay isang nilalang na iniiwasan ng lahat..." panimula ng kuneho. "Bakit?" "Dahil sa kaniyang taglay na kapangyarihan!" Sigaw naman ng isanh kulay kayumangging aso. "Ano ba ang kaniyang kapangyarihan at bakit tila takot na takot kayo sa kaniya?" Kahit anong isipin ni Aella ay hindi niya mahulaan kung ano ba talaga ang kapangyarihan ng sinasabi nilang Esterial. Marami na siyang nabasang libro sa loob ng labing-anim na tao

