"Ang mga bata ay ipasok ninyo roon sa kuweba kasama ang mga matatanda at mga kababaihan!" Malakas na sigawan ang siyang bumulabog sa buong isla kasunod ng isang malakas na pagsabog. Wala ni isa sa kanila, maging sa mga kawal, ang nakakaalam sa kung ano ang sanhi niyon kaya naman matinding takot ang siyang bumalot lalo na sa mga kababaihan at mga batang nilalang, maging na rin sa mga matatanda. Bawat nilalang ay may kani-kaniyang paraan upang maibsan ang takot na nararamdaman. Ang iba ay idinaan na lamang sa pag-iyak, sa pagsigaw, pagyakap sa kanilang mga mahal, paulit-ulit na pagsabing ayos lang ang lahat sa kabila ng katotohanang hindi. "Ang mga pagkain ay huwag ninyong kakalimutan. Kayong dalawa, bantayan ninyo ang mga nasa kweba." Agad na sinunod ng dalawang kawal ang iniutos sa kan

