"Sandali!" Sigaw ng babae ang namutawi ngunit patuloy lamang si Aella sa kaniyang paglipad palayo na tila walang naririnig. "Hindi ako masama ngunit kailangan kong malaman kung sino ka!" Dugtong pa nito na muli lamang niyang inignora. Batid ni Aella na hindi ito masama base sa maamo at napakagandang mukha ng nilalang na iyon ngunit hindi siya tanga para huminto at hayaan ang sarili na maabutan ng babae. "Ano ang ngalan mo?" Habang patuloy na sumisigaw ang babae ay patuloy rin sa mabilis na paglipad si Aella hanggang sa matanaw na niya ang kawal na siyang nagbabantay sa may gubat. Kapansin-pansin ang pagkaka-alerto ng kawal ngunit wala ng oras si Aella upang huminto at magpakilala. Sa kabilang banda, napatigil bigla ang nilalang na humahabol kay Aella nang mapansin ang kawal. Pilit niy

