~cuz I-I-I’m in the stars tonight. So watch me bring the fire set the night a light. Shining through the city with a little funk and soul. So imma light it up like a dynamite~
Umaalingawsaw ang tropical remix ng kantang dynamite sa loob ng apat na sulok ng kwarto. Sigaw dito, sigaw doon. Halos mga binata at dalaga ang nag kukumpulan sa isang street bar na patok sa mga estudyante tuwing night out. Malakasang musika at nakakabulag na dancing light ang pumuno sa bar. Sa gitna ng entablado ay isang grupo ng mga kababaihan at kalalakihan ang nag titipon-tipon.
"Last bet?!" sigaw ng isang binata habang nakataas ang kaniyang kamay na may hawak na isang puting panyo. Marami ang nagsisigawan na animo'y sumasabong sila.
"Close it. Close it." Sa bandang kaliwa ng entablado ay isang binata ang nananalangin na wala na sanang gumatong pa sa pustahan. Katabi nito ay isang binata rin na bakas ang ngisi sa mukha. Nakasuot ito ng itim na leather jacket at puting t-shirt sa loob. Nakangisi lang ito habang pinagmamasdan ang kabilang panig ng entablado kung saan nakapwesto ang kaniyang makakalaban.
"Just shut the fck up Dk,” inis na suway ng babae na nangangalang Celine. Kanina pa ito naiinis sa kaibigan dahil mas lalong tumetensyon ang paligid dahil sa mga ginagawa niya.
"Just f*****g finish the bet dude wtf?!" sigaw naman ng isa pa nilang kasamahan na si Han. Bakas sa boses nito ang inis sa kabila dahil mukhang sinusubukan talaga silang magkakaibigan.
"Calm down your ass Han. Let them bet more,” suway ng lalaking naka leather jacket habang ‘di inaalis ang tingin sa kalaban. Napatingin ito sa kaniyang rolex na relo at malapit ng pumatak sa alas onse ng gabi ang oras.
"Wala ng hahabol?!" sigaw ng lalaki.
"Boo! Wala ng hahabol! Isara nyo na yan!"
"Hoy anong oras na! Dalian nyo naman!" sigaw ng mga tao na bagot na dahil sa tagal ng pustahan. Naghintay pa sila ng ilang minuto kung hahabol pa ba ang kanang grupo pero wala silang narinig mula sa kanila kaya minabuti na ng host na isara ang pustahan.
"Last bet 30,000!" sigaw ng lalaki habang winawagayway nito ang tela. Napuno ng sigawan at hiyawan ang loob ng bar. Iilan sa kanila ay nagsilabasan na at iba naman ay bumalik na sa kani-kanilang ginagawa.
"30,000? Seriously ang cheap ng kalaban ngayon. They can only offer up to 20k tapos kung maka-asta kala mo naman siga,” inis na wika ni Claire habang na ka-cross ang kaniyang kamay sa dibdib.
"Malaki na 'yong 30k Ire. Mas magalit ka kung bigla silang mag back-out” tugon naman ni Celine na ngayon ay may hawak na baso na may lamang tequila. Nanatili namang nakasandal sa counter ang lalaking naka leather jacket habang tinitignan ang mga kaibigan.
"Back out? More like pambato nyo ang aayaw?" Napalingon ang lahat sa kanilang likuran kung saan nanggaling ang boses na iyon. Isang lalaki na nakaputing jacket at blue na t-shirt ang sumulpot sa usapan. May kasama rin itong mga kaibigan at mukhang nangiinis dahil bakas sa mga mukha nila ang ngisi at panghuhusga. Lumapit ito kay Celine saka inakbayan na walang pahintulot. ‘Di naman nagreklamo ang dalaga dahil kahit papano ay magkakilala sila.
"Good luck,” sabi nito bago tapunan nang mapang-asar na tingin ang lalaking naka itim na leather jacket. Wala itong angal, ni hindi ito nagsalita. Para sa kaniya walang maitutulong ang pigging mayabang sa karera.
"Ugh! Matalo ka sana!" sigaw ni Celine sa palabas na mga kaaway saka pinagpag ang balikat. Amoy na amoy nito ang sigarilyo at alak na nagmula sa lalaki.
"Let's go." Iyon na lamang ang lumabas sa bibig ng misteryosong lalaki. Nauna itong lumakad habang hinuhubad ang itim niyang jacket. Sumunod naman ang kaniyang mga kaibigan na excited sa gaganaping karera. Pagkalabas ng street club ay bumungad ang mga nagkukumpulang mga tao. Puno ng mga racing car ang kalsada. Ingay ng mga kotse, usapan at hiyawan ang tanging naririnig sa kalsada.
"Wooh!!" sigaw ni Dk sa sobrang excited. Hindi rin maiwasan ng iba ang kabahan at ngumiti dahil sa mabigat na tensyon dala ng paligid. Naghihiyawan ang mga tao at patuloy pa rin sa pagpusta.
"You have to win this race man!" sigaw ni Han sa kaibigan na naghahanda na para sumabak sa karera. Nakasuot na ito ng itim na helmet at protection gear. Habang pinapaikot ang susi sa daliri ay tinungo nila ang sasakyang gagamitin. Isang Mercedes-AMG GT na kulay itim ang nakaparada ‘di kalayuan sa eksena ang naghihintay sa kanila. Napa sipol ng wala sa oras ang lalaki habang hinihimas nito ang kotse. Nakangiti ito at animo'y parang nararamdaman niya na mananalo siya ngayong gabi.
Illegal Car racing, ‘yan ang hilig ng mga kabataan ngayon. Nagtitipon-tipon sa iisang lugar upang iganap ang karera. Pagpatak ng alas onse ng gabi ay asahan mo na lahat ng tao ay nasa kalsada humihiyaw at nagsisigawan. Ilang beses na rin silang binalaan ng mga pulis at gobyerno dahil marami na ang naaaksidente at namamatay pero ‘di pa rin sila nagpapatinag lalo na at mayayaman at malakas ang mga magulang nila pagdating sa pera at negosyo.
"Good luck buddy," saad ni Dk na nakasandal kay Claire habang humihithit ng sigarilyo. Ngumiti naman ang lalaking naka leather jacket saka pumasak na sa loob ng sasakyan. Inayos na nito ang pwesto sa loob at sarili.
"See you later bois." ‘yon na lamang ang sinabi ng lalaki bago niya ito pinaandar at mabilisang pinaharurut ang kotse papuntang starter line. Ang kaniyang mga kaibigan naman ay nagsimula na rin sumunod sa kaniya.
Pagdating ng starter line ay marami ng tao ang nagtitipon-tipon sa gilid ng kalsada at handa nang saksihan ang pinaka hinihintay na karera. Dalawang binata na sikat sa buong syudad o maging sa unibersidad man. Pinaka mapangyarihan at impluwensyadong klaseng tao dahil sa kanilang mga magulang. Kahit saang lugar mo man sila dalhin ay ‘di puwedeng walang banggaan na magaganap.
"Ang intense,” walang malay na sabi ni Celine. Hawak nito ang sariling susi ng sasakyan habang nakasipsip sa Fresto orange juice. Si Claire naman at Han ay nanatili sa likod ni Celine habang naghoholding hands. Samantalang si Dk ay tahimik lang na nakamasid sa mga taong nasa paligid. Tahimik silang apat pero ramdam ang kaba sa kanilang dibdib dahil alam nila na pagsapit ng umaga magiging talk of the town ang naganap na karera.
"Racer, ready yourself!" sigaw ng host sa karera. Nasa gitna ito ng kalsada at sa harap nya lamang ang dalawang kotse na handa na sa pag takbo. Nagsigawan ang mga tao sa paligid at naghiyawan. Maraming plastik ang nagliliparan sa ere bagkus hindi na sila mapakali.
"On your mark." Unang babala ng host. Ang dalawang maglalaro naman ay naging alerto na at inumpisahan nang paandarin ang makina ng kotse.
"Get set, g-" hindi na natapos ng host ang kaniyang sasabihin nang bigla na lamang tumakbo ang dalawang kotse. Nagulat ito nang dumaan sa kaniyang gilid na ikinatayo ng kaniyang buhok sa sobrang lakas ng hampas ng hangin na dulot ng kanilang malakas na pagtakbo. Hiyawan dito hiyawan doon. Nagsasayawang mga panyo at bandera sa paligid. Dagdag mo na ang malakasang musika sa daan at sa loob ng street club.
••••••
Hindi ko na pinatapos ang kaniyang hudyat nang pinaharurut ko na ang aking kotse. Ayaw kong masayang ang oras ko para lang sa kaniya at sa karerang ito. Tapusin ang dapat tapusin dahil may mas importante akong gagawin ngayong gabi kaysa dito. Alam ko namang mananalo ako ngayon, kailan pa ba ako natalo?
Napansin kong nakasunod lamang siya sa likuran at ilang saglit lang ay mapapantayan na niya ako kaya binilisan ko pa ang takbo. Mukhang sumasang-ayon ang panahon sa akin ngayon dahil walang traffic at kokonting sasakyan nalang ang nasa kalsada. Don't get me wrong guys kahit alas dose pa ang oras ay marami paring sasakyan ang tumatambay sa kalsada minsan nga ay traffic pa pero ngayong gabi ay mukhang sinuswerte ako. Napatingin ako sa kaliwa ng biglang lumitaw ang sasakyan ni Shaun. Binaba nito ang kaniyang windshield at tinapunan ako ng isang mapang-asar na ngisi. Tskk wala na ba siyang magawa kun’di ang ngumisi? Mukha siyang kapag ginagawa niya 'yon.
"Hindi ko akalain na makakalaban ko ang isang Hoshi Kim sa karera. Akala ko sa babae lang tayo magkaribal pati rin pala sa kalsada." Kahit na mas maingay ang engine ng kotse namin at dagdag mo pa ang bilis ng takbo ay rinig ko pa rin ang sinabi niya. ‘Di ko rin inaasahan na makakalaban ko siya pero bakit nga ba? Ahh siguro dahil most request of all time ang laban namin. Knowing that we are the greatest rival syempre mana-mana lang sa pamilya ‘yan. Kung magkalaban ang pamilya asahan mo na magkalaban din ang mga anak lalo na 'pag parehong guwapo at habulin ng babae- no s***h that ako lang ang guwapo sa aming dalawa.
‘Di ko sya sinagot at minabuti ko na lang na magpokus sa daan. 200–300 km/h todong todo na ito at hanggang dito na lang ang takbo ng kotse. Maigi kong inaral ang daan at kung ano ang susunod kong gagawin. Pasimple akong sumilip sa side mirror at malayo pa ang agwat nito sa akin. Napangisi ako at bumalik ulit sa pagmamaneho.
Biglang nakuha ang atensyon ko nang tumunog ang selpon sa aking harapan.
••••••
"Not now mom,” bulong ni Hoshi sa hangin nang biglang tumawag ang kaniyang ina sa kalagitnaan ng karera. Hinintay nito matapos ang tawag na ‘di sinasagot at binalik ulit ang atensyon sa kalsada. Malapit na siyang maabutan ni Shaun kaya binilisan pa niya lalo ang pagtakbo. Lumiko ito pakaliwa hanggang marating ang dulo ng dalawang lane. Pabalik na ito sa starter line pero mahaba-haba pa ang tatakbuhin bago makarating doon.
~Fly me to the moon.
Let me play among the stars.
Let me see what spring is like on A Jupiter and Mars
In other words, hold my hand
In other words, baby, kiss me~
Napamura sa hangin si Hoshi nang tumawag ulit ang kaniyang ina. Ayaw nitong sagutin dahil alam niyang papagalitan at tatanungin lamang siya kung saan na naman ito lumakwatsa sa ganitong oras. Tulad sa nauna ay natapos ang tawag na ‘di ito sinasagot ngunit matapos nga ang tawag ay bigla siyang nakakuha ng mensahe galing sa kaniyang ina.
From: Mama
Hoshi Kim! Nasaan ka na namang bata ka?! Ano itong narinig ko sa mga tao diyan sa street club na nagkarera ka na naman?!
From: Mama
Hoshi Kim! ‘Wag mong hintayin na ako mismo ang pupunta diyan para kaladkarin ka pauwi! I'm warning you Hoshi pag ‘di ka pa nakauwi within 12:00 wala na akong magagawa kun’di ang sumang-ayon sa desisyon ng papa mo!"
Iyon ang mga mensahe na kaniyang natanggap mula sa kaniyang ina. As expected ay galit nga. Nakuha naman ang kaniyang atensyon sa huling text ng ina na sumang-ayon sa desisyon ng kaniyang Papa. Ano ang ibig nilang sabihin?
"What desisyon? Ang ipadala ulit ako sa Korea para magtino at matuto sa mga maling nagawa ko?" parang baliw itong nagsasalita ng mag-isa. Dahil sa ideya na kaniyang na isip ay nainis ito at sa manobela nya binuntong ang nararamdaman. Sa edad na 21 ay wala na siyang nagawa sa buhay kun’di ang magpasaway sa mga magulang. Gastusin ang perang binibigay sa kaniya sa bisyo at babae. Pero sa kabila ng mga iyon ay masipag naman siyang mag-aral at matataas ang grado sa kolehiyo. Malaki rin ang naibigay niyang ambag sa negosyo ng kaniyang pamilya dahil sa malakas nitong impluwensya sa mga tao lalo na sa mga mahihilig sa kotse at karera. Kaya iniisip nito kung bakit pinagbabawalan pa rin siya ng kaniyang mga magulang na gawin ang gusto sa buhay.
From: Mama
Hoshi, this is your Papa. We already did our best to teach you some lessons and you still didn't learned. I guess a marriage contract is the best and only option to change you.
A marriage Contract. Paulit-ulit na pumapasok sa utak niya ang salitang iyon. Bigla itong napahinto sa pagmamaneho at binasa ulit ang text galing sa ama. Wala itong pake kung maabutan man siya ni Shaun o matalo.
"Wtf?! A marriage contract?" Hoshi tried calling his mama but no one answered the call. Napahampas siya sa manobela at napasapo sa kaniyang buhok dahil sa salitang iyon. 'Di niya alam kung nagbibiro lang ba sila o desperado lang silang pauwiin siya. Pero kahit ano pa man ay galit na galit si Hoshi.
Bigla siyang nakarining ng tunog ng sasakyan mula sa kaniyang likuran kaya napasilip ito sa side mirror ng kotse . Sa kaniyang likuran ay isang sasakyan ang mabilis na humaharurut palapit sa unahan. Alam niya na si Shaun iyon pero wala siyang pake sa mga oras na ito at sa kauna-unahang pagkakataon ay ‘di nya inaasahan na aabandonahin ang karera. Pagkalampas ni Shaun kay hoshi ay bigla itong nagtaka. Pero gano’n pa man ay nilampasan niya pa rin ang binata at ngumiti dahil alam nito na mananalo siya ngayong gabi.
Tanggap na ni Hoshi ang kaniyang pagkatalo at mas importante ang kaniyang nabasa kaysa sa karera ngayon na wala namang kwenta ang kalaban. Kinuha nito ang selpon tiyaka hinanap ang pangalan ni Dk. Tinawagan nito ang kaibigan at ilang segundo pa ay sumagot naman agad ito.
"Hoshi?" bakas sa boses ng kaibigan ang pagtataka. Iniisip nito na bakit bigla siyang tumawag sa gitna ng karera? Kahit kailan ay ‘di nya pa iyon na gawa dahil nasa kalsada ang kaniyang atensyon kaya bakit siya tumawag?
" I can't make it, I'll explain tomorrow. I’m sorry guys." Hindi na nito pinasalita si Dk nang bigla niya itong putulin ang tawag. Rinig na rinig nito ang malakasang musika at mga ingay ng mga tao. On the other hand, malaking kahihiyan sa kaniya kapag natalo siya at pag-uusapan bukas ng mga tao ang pagkatalo pero ‘di na bago sa kaniya ang matalo sa karera at pag-usap dahil mas lalo lang tumataas ang tingin nito sa sarili dahil nasa kaniya ang atensyon.
Pinaandar niya ulit ang kaniyang sasakyan saka lumiko pabalik. Habang nagmamaneho ay sinusubukan niyang tawagan ulit ang kaniyang Mama pero tulad kanina ay ‘di ito sinagot.
"Marriage Contract, I can't believe that s**t still exist,” sabi nito sa sarili habang tinatahak ang daan pauwi sa kanila.
Pagkarating ng bahay ay agad-agad itong lumabas ng kotse matapos niyang i-parking sa garahe. Hindi na siya nagdalawang isip pang kumatok o mag doorbell dahil atat na atat na itong marinig ang tinutukoy ng mga magulang sa text. Pagkapasok ng bahay ay nadatanan nito ang kaniyang mga magulang na nag tatsaa sa living room.
"Sit down,”utos ng kaniyang Papa kahit 'di pa ito lumilingon sa kaniya. Rinig sa boses niya na seryoso ito pero wala siyang pake.
"No. What the f*ck was that Pa?!" sigaw nito. Ang inis na naipon niya pauwi ay lumabas na. Hindi nito akalain na gagawin sa kaniya ng papa niya iyon.
"Hoshi! Don't talk like that to your father. Hindi mo kami masisisi dahil ikaw mismo ang nagdala niyan sa buhay mo. We already sent you away to Korea for three times and you still didn't learn your lessons. We cut your bank account hoping that you will stop using the money on useless things but still got a way to spent it on girls and to that illegal Car racing,” sumbat ng kaniyang ina. Kung galit si Hoshi ay mas lalong galit ang kaniyang mama Mama to the point na pinagsasabi na nito ang mga kasalanang kaniyang ginawa.
"So that's why you come up with an idea to get me married?! Ma, 21 years old pa lang ako how could you do that to me?" sumbat nito sa ina. Ang kaniyang Papa naman ay tahimik lang sa tabi pero alam nito na pinipigilan lang ang sarili na sumali sa away. Alam din nito na nag-iisip siya and God knows kung ano iyon.
"Exactly! You are already 21 years old but you act like 11. Araw-araw na lang kami nakakatanggap ng tawag mula sa mga kakilala namin na may ginawa ka na namang katarantaduhan. Araw-araw na lang kami pumupunta ng prisinto para kunin ka dahil lang diyan sa car racing! You even involved yourself from car accident."
"Ma, I want to live my life to the fullest until the day will come that I will settle down. I want my freedom hanggat bata pa ako. Marriage is not the best solution for that. You want to ruin my life that early?" tanong nito sa ina. Hindi nito mahanap ang dahilan o rason kung bakit naisip nila iyon.
"If you want to live your life then live it normally. Stop doing things that aren't necessarily.” gatong ng kaniyang Papa. Natahimik naman bigla si Hoshi pati na ang kaniyang Mama. Pagod na ang kaniyang mga magulang na disiplinahin siya at ipapaalala na ‘di na siya bata pa at kailangan niya nang matuto kung paano umasta bilang totoong lalaki.
"Look Hoshi, we know you are smart, clever and we appreciate your help in our company. That's why hinahayaan ka namin na gawin ang gusto mo but you have to know what is right and wrong. Know your boundaries and limit but you choose the different path,” mahinahon na paliwanag ng kanyang ama. Alam nito na mahal siya ng kaniyang mga magulang at kahit pera ay ‘di matutumbasan ang kanilang pagmamahal pero hindi ibig sabihin no'n ay hahayaan na lamang siya na gumawa ng mali at walang makabuluhang bagay.
"No. Whatever you're saying, I will never agree to that marriage,” pagmamatigas nito. Para sa kaniya ang pagpapakasal ay nakakasira ng buhay at hadlang lamang sa mga bagay na gusto nitong gawin sa buhay. Ang mga bagay na karaniwan mong ginagawa araw-araw ay ‘di mo na magagawa iyon dahil kasal ka.
"You have to face the consequences Hoshi. Face the consequences because of your reckless action. Whatever you're saying, whether you agree to it or not you can't change our mind anymore.,” huling desisyon ng kaniyang ama. Seryoso nga ito at wala na silang pake kung ano man ang maramdaman ng kanilang anak. Pero kung tutuusin ay wala rin namang pake si Hoshi sa nararamdaman ng kaniyang mga magulang sa tuwing gumagawa siya ng mali.
"We're not just helping you to change baby. This person who will be married to you, her parents and us were good friends. Nagkita kami noong isang araw nong bumisita kami ng probinsya. Nangangailangan sila ng tulong sa pinansyal. Your father and I agreed that we will help them pero nang malaman namin na may babae silang anak. Napaisip kami ng Papa mo na siguro 'yon ang kabayaran sa perang uutangin nila. That proposal is not just for the payment but also for you." Hindi na maintindihan ni Hoshi ang mga sinasabi ng kaniyang Mama. Hindi pa ba sapat sa kanila na ayaw niya?
"Napag-isipan namin na kailangan mo ng isang babae na makapagbabago sa’yo. Kung hindi man at least babae na magbabantay sayo at pigilan kang gumawa ng kung ano-ano."
"Ano tingin nyo sa akin? Bata na kailangan ng taga pagbantay? Ma, gano’n na ba kayo ka desperada na baguhin ako at turuan ng leksyon? Pati mga inosenteng tao na nananahimik idadamay nyo? Or at least make her my nanny pero yung isalang kami sa marriage contract? ‘Di nyo manlang ba na isip ‘yong mararamdaman ng babae? Anong klaseng mga magulang ang kaibigan niyo na gawing pambayad ang anak sa perang inutang?" galit na sabi nito sa mga magulang. Kung kanina ay galit lang siya ngayon ay galit na galit. Sinong magulang ang gagawa nun sa anak?
"You don't have any idea about them and how f**k up their life is. A marriage contract is not that bad Hoshi. You still can do your things but with a little change. You don't have to act like a married couple or commit yourself as a married person. You still have your freedom but with a limitation. This will benefit you, us and them. You can still hang out with your friends, going to college, have some little party. Xeliyah will just be there to look for you and remind you that you are not 11 anymore."
Xeliyah... Paulit ulit na pumasok sa isip niya ang pangalan ng babae.
Xeliyah is her name. Xeliyah will be f*ck up if she'll agree on this. I swear I'll make her suffer and make her experience hell if she accept the marriage contract. Sabi nito sa kaniyang sarili.
"Hoshi, we just want you to live normal and start doing things that a young man should do. If you're doing great and reflect everything you've done this years and finally change yourself, the contract will end instantly. You just have to change yourself in order to end the contract." Huling salita na nagmula sa bibig ng kaniyang ama. Tumayo na sila at iniwan sa ere ang anak.
Nakatulala sa kawalan si Hoshi habang dinadigest nito ang usapan. Mali pa rin ang desisyon ng kaniyang mga magulang. Inaamin niya na mali siya at sumusobra na pero mas sumobra ang kaniyang mga magulang.
Sumakit bigla ang kaniyang ulo dahil sa usapan na nangyari. Mas mabuti pang itulog na lang nya ito at hilingin na sana ay ‘di totoo ang pinag-usapan nila. Hindi pa rin tama ang ipagkasundo ang anak dahil lang sa utang.
Umakyat na siya sa kaniyang kwarto at sumalpak sa kama. Wala itong balak na mag bihis o mag ayos lang dahil pagod ito. Pagod ito sa mga magulang at ‘di niya pa nakakalimutan ang karera. Ilang missed calls ang kaniyang na tanggap at mga text mula sa barkada. Alam nito na nagaalala sila pero wala siyang balak na sagutin ito at dahan-dahan na pinikit ang mga mata hanggang sa hilahin siya ng antok sa kama.