" Sa'n ka ba nagsusuot Samara ha? Hindi mo ba alam na ngayong gabi ang misyon natin? Ano ba ang nagyayari't mukhang hindi ka nakakapag-focus ng maayos?" inis na tanong Hope sa kan'ya.Kasama rin nila si Tanya dahil silang tatlo ang magka-team sa misyon ngayong gabi.
Nang dahil kay France nakalimutan niya ang misyon nila ngayong gabi. Milyones ang halaga ng misyon nilang tatlo mamayang gabi, as they will be an undercover prostitutes.
Kasalukuyan silang nasa security agency building na pagmamay-ari ni Cathalea .May isang secret room ang building na 'yon na nakalaan lamang para sa mga Black State assassins.
" Baka, may love life na kaya palaging busy!" dagdag ni Tanya na ikinatuwa niya.
" Hoy kung kayong dalawa, hindi pa nagka-jowa tumahimik na lang okay?" saway niya sa mga ito.
Palibhasa ay walang mga jowa. Pero siya ba ay mayroon na? Oo nga pala, instant jowa na siya lang mismo ang gumawa ng paraan.
Ipinaliwanag muli ni Hope sa kanila ang kanilang misyon.Kailangang makuha ang pansin ng isang sikat na personalidad. Ayon sa nakakataas sa kanila, the known personality is running a black propaganda against innocent politician. Kapalit ng limpak limpak na salapi , hinid niya dudungisan ang isang politician. Pero marami nang reports tungkol sa pagiging extortionist nito kaya kailangan na itong iligpit. The known personality doesn't know how to play a fair game.
" Langh'ya, required ba na naka ganito? Eh huwag na lang kaya tayong magsuot ng damit?" reklamo niya nang isuot ang outfit nila.
" Listen, we need to be hotter and bolder! VIP club ang pupuntahan natin Sam, we need to accomplish our mission tonight!" ani Tanya na kumportable talaga sa revealing nito suot. Tiningnan niya ang kan'yang sarili sa salamain. Parang gusto nang pumutok ang kan'yang dalawang dibdib dahil sa suot niya ng hapit na tube dress. Ang kan'yang hikaw ang hanggang leeg na niya ang haba, kung papasok siguro siya sa loob ng maisan ay sasabit ang hikaw niyang parang necklace na. Ang make-up niya na parang mga brunette porn stars.
" Grabe, magtipid ka naman sa lipstick Tanya!" wika niya kay Tanya.Ito kasi ang taga-makeup nila ni Hope.
" Huwag ka nang magreklamo, para obvious talaga na nagbebenta tayo ng laman!" saway ni Hope.
" What if, ako na lang ang babaril sa taong 'yon? Para matapos na, kailangan pa ba talagang ganito ang itsura natin?" reklamo niya, hindi siya sanay sa ganitong klase ng makeup.Kapag may mission na kagaya nito ay hinihindian talaga niya, mas gusto pa niya 'yung close combat. Sina hope at Tanya ang expert sa ganitong klaseng misyon, napilitan lamang siyang sumama dahil mga kaibigan niya ang mga ito at hindi niya kayang pabayaan lalo na't sa ganitong klase ng misyon.
" Tandaan mo ang contract, no gun shots or any physical assault.Kailangang palabasing natural death." paalala ni Tanya.
Oo nga pala, ambobo niya sa part na 'yon ah?
Inipit niya sa loob ng kan'yang bra ang lahat ng gamit na binili niya kay Mr. Chen. Para may madudukot siya kapag nalagay sila sa peligro.Kunsabagay, minsan na silang naisalba ng gamit ng intsik kaya kahit pa'no ay may tiwala naman siya sa mga benta nito maliban na lamang sa gayuma .
Alas otso na ng gabi nang dumating sila sa VIP club,"The Viper's Nest". Umupo sila sa isang pwesto na kitang kita kung sino ang naglalabas masok sa club. Marami nang gusto silang maka-table ngunit wala pa ang pakay nila kaya panay ang tanggi nila.
Habang naghihintay ay umiinom na sila ng mojitos at tequila. Panay ang tawanan nilang tatlo nang napunta ang kanilang usapan sa kalokohan.
" Hi, ladies! I'm jealous seeing you three enjoying each other's company! Would you mine if I join?"
Bingo! Ang taong lumapit sa kanila ay si Gerald Buena, ang tanyag na personalidad.
" Of course, have a seat!" malambing na saad ni Tanya.
" So, can I join the fun?" anito.
" Hmmm, we really like fun, right girls?" sambit biya sabay tungga sa tequila.
" Pero sa tingin ko, mas mag-eenjoy kayo kapag foursome tayo? I like the three of you in my bed, " bruskong saad ng binata.
" Hmmm, yeah I think we will really enjoy ...." sambit ni Tanya habang sinisipsip nito ang tequila .Napakalandi talaga ng kanilang kaibigan at ito ang expert pagdating sa ganitong scenario.
Nakita niyang hinimas ng lalake ang hita ni Tanya. Ang isang kamay ni Gerald ay ipinasok na sa loob ng panty ni Tanya na mahinang umuungol sa taynga ng lalake. Nakita niya ang dila ng dalaga naglalakbay sa punong taynga ng binata.kagat labi si Gerald sa ginagawa ng dalaga kaya naman naging mas mapusok na ito.Hindi naman nagtagal ay may umupong lalake sa tabi nila ni Hope.
" Girls, I changed my mind.All of us in one room, we will all f*ck you in the same bed. Palitan ng partners afterwards, m-masarap 'yon ." mahinang sambit ni Gerald sa kanila." But before that, lets drink first para tatagal tayo mamaya." dagdag pa nito.
Umorder pa si Gerald ng alak para sa kanilang anim.
Ang katabi niya ay Leo ang pangalan. The guy is also ravishingly hot.Sa katunayan nga ay nagsisimula nang maglakbay ang kamay nito sa kan'yang hita at sa likod niya. Ramdam niya ang mainit na kamay ni Leo na humahagod sa likuran niya habang ang mga mata nito ay nakatitig sa dibdib niya.
" Hmmm, Leo excuse muna ha? I'll use the bathroom muna." paalam niya sa lalake.
Gwapo si Leo at mukhang hot pero sa tingin nito ay lalaspagin talaga siya.
Nag-retouch muna siya bago umalis sa bathroom ngunit hindi pa siya nakakalayo ay biglang may humila sa braso niya patungo sa isang maliit na kwarto ng club.
" B-Bitawan mo nga ako France! Ano ba ang ginagawa mo?" galit niyang sambit sa binatang basta basta na lang siyang hinila.
" Ano ang ginagawa mo? Tingnan mo nga ang itsura mo! Ano ba 'yang suot mo,Samara? Kitang kita na ang kaluluha mo d'yan! At sino ang kasama mo? "
" Teka, ba't ko sasagutin ang tanong mo ha? Kaanu-ano ba kita at ano ang pakialam mo kung may kasama akong lalake?" sagot niya .
" Umuwi ka na!"
" Hala? Inuutusan mo ba ako? Hindi pa nga tapos ang gabing 'to noh?"
Itinulak niya si France at napaupo ang binata sa couch.Panira ng momentum at ng misyon talaga ang hinayupak na France.
Bumalik siya sa kinaroroonan nila at umupo sa tabi ni Leo. Inakbayan naman siya ulit ng lalake at hindi niya inaasahan na hahalikan siya nito. Dilat na dilat at nakanganga ang kan'yang bibig habang ang lalake ay hinahalukat ang loob ng bibig niya.Nang bumalik siya sa wisyo ay bahagya niyang itinulak ang lalake." Hmmm,mamaya na.We'll have plenty of time tonight kaya chill muna baby."
Tumango naman ang binata at tila nahismasan na rin ito.
Isinenyas niya ang waiter at umorder ng isang bote ng wine para mamaya. Maglalagay sila ng pampatulog sa wine sa baso ng tatlong lalake, at kapag tulog na ang tatlo ay itutuloy na nila ang misyon kay Gerald Buena.Kailangan , bukas na bukas rin ay lalabas na ito mismo ang kumitil sa sarili nitong buhay. Lihim niyang ibinigay kay Hope ang pampatulog sa ilalim ng mesa.
Alas onse ng gabi nang tumayo sila upang pumunta na sa parking lot. May kanya kanyang kotse ang tatlong lalake at sabay sila sa mga partner nila kuno.
Inalalayan siya ni Leo pasakay sa front seat nang bigla na lamang napa-aray ang lalake dahil may biglang sumulpot at sinuntok si Leo sa panga.
" Ano ba bro? S-sino ka ba ha?" nakakunot ang noong tanong ni Leo kay France.
" Ako ? Sino ako ha? Ako ang boyfriend ng babaeng 'yan!" sagot ni France rito.
" Hoy, hindi kita boyfriend!" saway niya sa binata.Pinandidilatan niya ito dahil gusto niyang iabot sa binata na hayaan na siya sa ginagawa niya.
" What? Are you out of yor mind? Samara, sasama ka sa lalakeng ngayon mo lang nakilala? Ano'ng klaseng babae ka?" muling resbak ni France.
Gigil talaga siya sa binata. Pakialamero talaga.
" You see? Hindi ka raw niya boyfriend! " singit ni Leo ngunit bigla na namang itong sinuntok ni France. Halos gumapang ang lalake sa ginawang pambugbog ni France rito. Siya naman ay nanatiling nakatulos sa kinatatayuan.Wala na, sira na ang plot ng kanilang misyon.
Lumapit si France sa kan'ya at walang gatol siya nitong ibinuhat at isinakay sa kotse nito na nasa tabi ng kotse ni Leo.
" Walang hiya ka talaga, panira ka ng plano! Bubugbugin talaga kita!" sigaw niya sa lalake habang sinusuntok ang dibdib ni France.
Hindi niya pansin ang paglaglag ng garter ng kan'yang tube at tuluyan nang lumantad ang malulusog niyang dibdib sa harap ng binata.
" Listen, Samara.Niligtas lang kita sa kamay ng lalakeng 'yon. " anito ngunit hindi ito nakatingin sa mukha niya, bagkus ay sa matatayog niyang dibdib.
Malakas niya itong sinampal sa magkabilang pisngi. HInila niya nag kan'yang tube upang takpan ang kan'yang kahubdan.
" Ano ba ang pakialam mo sa akin ha? Gago ka talaga, papatayin kita." sigaw niya at muli na namang binugbog ang binata.
" Aray,s-sumusobra ka na.S-Stop it.I said stop it or else-----" banta nito.
" Walang hiya, pakialamero ka talaga!-------"
Hinawakan ng binata ang magkabila niyang kamay na pilit na binubugbog ang dibdib nito. Bigla nitong inilapit ang mukha sa mukha niya at akmang hahalikan siya nang biglang may kumatok sa bintana ng kotse ng binata.
Sina Tanya at Hope iyon na hindi maipinta ang pagmumukha.
" Mission failed,Samara." inis na turan ni Hope sa kan'ya.
" Sorry, ito kasing unggoy na ito umeksena!" sigaw niya sa lalakeng natulala nang marinig ang sinabi ni Hope.
" You mean?" nauutal na sambit ni France.
" Yes, Mister policeman. Undercover mission namin 'yun kanina at salamat pala for ruining it.Goodbye,milyones!" umiiling na sambit ni Tanya. Sumakay ang dalawa sa back seat ng kotse ni France.
" I'm sorry!" malumanay na sambit ng binata.
" Ano pa nga ba ang magagawa namin? Sige na, ihatid mo na lang kami sa condo ni Samara! " utos ni Hope sa binata.Hindi naman nagreklamo si France, tahimik na lamang itong nagmaneho pauwi sa condo niya.