CHAPTER 36 TARUTS POV “Arayyyyy!” sigaw ko nang paulit-ulit habang bumagsak ang isa na namang sampal sa pisngi ko. Ramdam ko ang alat ng dugo na dumaloy sa gilid ng labi ko. Nanginginig na ang tuhod ko, pero hindi ako makagalaw dahil nakatali pa rin ang mga kamay ko sa bakal na upuan. “Huy! Huwag kang mahina d’yan, Reyna ng Palengke kuno,” pang-aasar ni Hazel, sabay hagikhik na parang baliw. Dinampot niya ang isang kahoy na pamalo at hinampas ang braso ko. “Ayan! Gusto mo ng coronang bakal? Ibigay ko!” “Arayyyyy ko po! Tama naaaa, maawa kayo!” halos pumutok ang lalamunan ko sa paghiyaw. Umiiyak na ako, nanginginig ang buong katawan ko sa takot at sakit. “Wala naman akong ginagawang masama sa inyo! Bakit ganto?!” Biglang lumapit si Maria. Ang lakas ng tunog ng stilettos niya sa semento

