CHAPTER 37 THIRD PERSON POV Tahimik ang malawak na sala ng mansyon ng mga Fuentebella. Sa gitna ng katahimikan, maririnig ang mahinang pag-iyak ni Mrs. Laira Fuentebella, nakaupo sa malaking sofa habang mahigpit na yakap-yakap ang isang lumang baby blanket na kulay cream na halos kupas na. "Leomord..." mahinang bulong ni Laira, nanginginig ang boses. "Dalawampu’t walong taon na ang nakalipas. Dalawampu’t walong taon na mula nang mawala ang anak natin. Hanggang kailan ako maghihintay? Hanggang kailan ako mangungulila?" Lumapit si Mr. Leomord Fuentebella, nakasuot ng simpleng barong, ngunit mababakas ang bigat sa kanyang mukha. Marahan niyang hinawakan ang balikat ng asawa. "Laira, please... huwag ka nang umiyak. Ginagawa na ni Milbert ang lahat. Sabi niya may nakuha na raw siyang lead,

