CHAPTER 38 Aaron’s POV Pagkasabi ng babae na ang pangalan niya ay Taruts, bigla akong natigilan. Parang may malamig na dumaloy sa batok ko. Taruts… iyon ang pangalan ng kapatid kong matagal nang nawala, ang kapatid na ilang dekada na naming hinahanap pero hanggang ngayon ay parang usok na hindi mahawakan. Hindi ako agad nakapagsalita, kaya ang ginawa ko na lang ay inalalayan ko siyang tumayo. Ramdam ko ang bigat ng katawan niya, nanginginig pa, at halatang hindi pa talaga kaya ng mga paa niya ang maglakad. “Easy lang… dahan-dahan,” bulong ko habang inaalalayan siya. Pero nang mapansin kong halos matumba siya sa bawat hakbang, napilitan akong ibalik siya sa kama. Kita ko sa mukha niya ang pagkadismaya, parang gusto niyang bumangon pero hindi kaya ng katawan. “Pasensya ka na, mukhang hin

