CHAPTER 39 TARUTS POV Pagpasok namin ni Aaron sa loob ng rest house, naamoy ko agad ang mabangong halimuyak ng niluluto niya. Amoy sautéed garlic at butter na parang ang sarap kainin kahit wala pa akong gana dahil sa hirap na pinagdaanan ko. Ramdam ko pa rin ang bigat ng katawan ko, pero at least, safe na ako dito. “Upu ka muna,” sabi ni Aaron habang nakatingin sakin, seryosong mukha niya pero ramdam ko yung concern. May pagka-suplado lang s’ya pero gentleman. Nilagay niya ako sa dining chair at kinuha yung apron na nakasabit sa gilid. Nakangiti akong sumagot. “Ahmm… Aaron, pasensya ka na huh… Kong hindi kita matutulungan dito. Ang hina-hina ko pa eh. Parang useless tuloy ako.” Nagtili ang tiyan ko bigla, grrrrrk. Napahiya ako at natawa na lang nang mahina. Nagkibit-balikat siya. “Ok

