CHAPTER 34 MARIA POV Nakaupo ako sa malamig at maalikabok na basement, nakatingin kay Taruts na nakagapos sa lumang kahoy na upuan. Ang buhok niya magulo, pawis na pawis, at nanginginig. Ang dating malakas at palaban na Reyna ng Palengke, ngayon ay parang ibong ikinulong sa hawla. Napangiti ako. s**t, ang sarap sa pakiramdam. Lalo na’t alam kong sa akin siya nakatingin ngayon, puno ng takot at galit. "Hmm, Taruts…" ngumisi ako habang hawak ang latigo. "Alam mo ba kung bakit ka nandito? Kasi hindi ka marunong rumespeto. Ako dapat ang papakasalan ni Etatskie, hindi ikaw!" "Maria! Please!" sigaw niya, halos mangiyak-ngiyak. "Wala akong ginagawang masama sayo! Please, bitawan n’yo na ako! Wala kayong karapatan!" Natawa ako nang malakas. Hahaha! Diyos ko, ang sarap pakinggan ng boses niya

