CHAPTER 33 THIRD PERSON POV Nang makita nga ng mga naka-bonnet na lalaki si Taruts, mabilis nila itong pinalibutan. "Hoy, ikaw! Huwag kang kikilos!" sigaw ng isa habang hawak ang panyo. "Ano ba?! Sino kayo, mga bwisit kayo!" sigaw ni Taruts, nagpupumiglas pero mabilis na tinakpan ng isa ang kanyang ilong at bibig gamit ang panyong may mabahong amoy. "Putek! Ano ‘to?! Amoy… amoy…" Hindi na natapos ni Taruts ang kanyang sasabihin dahil unti-unti na siyang nawalan ng malay. "Nice shot, pare. Bagsak na ang reyna ng palengke," sabay tawa ng isa sa mga lalaki. "Wag kayong maingay, baka may makakita pa sa atin dito!" sagot ng driver, binuksan agad ang pinto ng van. Binuhat nila si Taruts at ibinagsak sa upuan sa likod. Walang buhay itong nakahiga, pero bakas sa mukha ang kaba at galit na

