TINUPAD ni Blaine ang sinabi kaninang umaga. Matapos nitong bumangon ay hindi siya pinakilos nito. Sa halip ay ito ang nagluto ng kanilang breakfast habang si Luna naman ay muling bumalik sa pagtulog. Nagising na lamang siya ulit sa haplos at halik ni Blaine. Kahit inaantok pa ay pinilit siya nitong bumangon, kulang na nga lang ay buhatin siya nito palabas ng silid. Blaine made special breakfast. He made some waffles, eggs, and some bacon and sausages. Sa pagkakataon na iyon ay ito naman ang nagtimpla sa kanya ng kape. Habang kumakain ay panay ang tingin nito sa kanya. Hindi pa ito nakuntento at hinila pa ang silyang inuupan niya at nilapit siya ng husto. He’s very attentive towards her. Nariyan hahawiin nito ang buhok niya, pupunasan siya sa gilid ng labi, kukunin ang kamay niya at haha

