Chapter 49

2149 Words

ILANG araw nanatili doon sa penthouse ni Blaine si Manang Tessie at isa pang kasambahay para tulungan sila sa mga gawain habang nagpapagaling silang dalawa. Sabay silang napatingin sa may edad na babae nang bigla itong marahas na bumuntong-hininga habang nililinis ang kanilang sugat. “Dati itong si Ysabel lang ang ginagamot ko ang sugat, ngayon kayong dalawa na,” sabi pa nito. Napaatras si Luna nang bigla siyang kurutin nito sa tagiliran, gayundin si Blaine matapos naman paluin sa braso. “Aray naman, Manang!” daing ni Blaine. Natawa lang si Luna nang makita ang galit na mukha ng matanda. “Bakit kayo namamalo?” reklamo pa ng binata. “Paanong hindi ko kayo papaluin, eh hayan at dalawa na kayong ginamot ko. Napakatakaw n’yo sa gulo, kailan ba kayo hihinto diyan sa gulo na ‘yan kun

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD