PASADO alas-sais na ng gabi nang makauwi si Luna. Pagpasok pa lang niya sa bahay ay agad siyang sinalubong ni Blaine ng mahigpit na yakap. “Love, finally you’re home!” malambing na sabi nito. Napangiti siya at gumanti ng yakap sa asawa. “I told you I’m coming back safe,” sagot niya. “Let me see.” Lumayo ito sa kanya at pinaikot pa siya habang ini-inspeksiyon ang katawan niya kung may tama o sugat. “Wala akong sugat. Ayos lang ako.” Naupo sila sa sofa. Habang inaalis ang jacket pati ang gun at knife holster ay kinuha siya ng maiinom ni Blaine, nang makalapit ay inabot nito ang isang basong tubig. “Thanks,” nakangiting sabi niya. “How’s the operation?” tanong nito. “Okay naman. Muntik lang kaming matakasan. Buti naroon kami kung hindi nakawala na naman ‘yong suspect.” “D

