PARA tulungan siyang kumalma, tinago muna ni Blaine ang larawan ng labi ng kanyang pamilya. Hindi na nito pinakita ang mga iyon sa kanya. Nang umayos ang pakiramdam ay tinulungan si Luna ng nobyo para tingnan ang laman ng kahon na binigay ni Tatay Delfin. Mayamaya ay kinuha niya ang mga papel na pinagsama-sama at nakakakabit sa bala ng stapler. Isa iyong written report na ginawa mismo ng kanyang ama. Para malaman ang maaaring ugat ng pagkamatay ni Bobby Madrigal, ang tunay na ama ni Luna. Inalam nito ang background ng papa niya. Ayon doon ay lumaki sa isang ampunan ang kanyang ama. Lumaki itong walang mga magulang at hindi alam kung may pamilya pa ito. Sa edad na labing-limang taon gulang ay tumakas ito sa ampunan kasama ang dalawa pang kaibigan. Mula doon ay nagpagala-gala ang mga ito s

