Chapter 67

1692 Words

“ABA, iho. Hindi man lang kayo nagpasabi ng maaga, pupunta pala kayo dito sana ay nakapaghanda ako,” salubong sa kanila ni Manang Tessie. Kadarating lang ni Luna doon sa bahay ni Don Benjamin Montejo kasama si Blaine. Mula sa bilibid ay doon na sila dumiretso. “Biglaan ho eh, may kailangan kami hanapin sa gamit ni Dad,” sagot ni Blaine. Hawak ang kanyang kamay ay pumasok sila sa bahay. Bumungad kay Luna ang magarbong disenyo ng mansion. This house is double the size of Blaine’s former house. Mayamaya ay napalingon sila nang marinig ang mga yabag mula sa second floor. “Kuya?” Si Beatrice. Nang sumilip ito mula sa indoor balcony ay agad lumapad ang pagkakangiti nito. “Ate Luna!” Napalingon siya sa nobyo. “Kailan mo pa sinabi?” tanong niya. “Dati pa pagkatapos mahuli si Dad.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD