MATALINO si Luna. Siya ang tipo na hindi nagpapadala sa galit at emosyon. Sa kabila ng nalaman na katotohanan. Pinigilan niya ang sarili na sumugod. Kailangan niyang pag-aralan ang gagawin. Alas-tres na ng madaling araw. Mahimbing nang natutulog si Blaine ngunit hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin siya dalawin ng antok. Dahil doon ay bumangon siya ay walang ingay na bumaba ng kama. Mula sa ilalim ng unan ay kinuha niya ang larawan na nakuha. Pagkatapos ay lumabas siya ng silid at pumunta sa study room. Dinikit ni Luna ang larawan sa dingding saka kumuha ng isa sa military knife na kasama sa kanyang koleksiyon. Tumayo siya na halos sampung hakbang ang layo mula sa pader kung saan nakadikit ang larawan na iyon. Mula doon ay inangat niya ang kamay na hawak na kutsilyo. Inasinta

