Chapter 48 My throat felt dry. I felt like my whole body was burning. My knees were weak. My back ached. My head throbbed. Kakagising ko palang ay ganito na agad ang naramdaman ko. Hindi ko pa naimumulat ang aking mga mata pero nararamdaman ko na ang pananakit ng buo kong katawan. "You're awake." Sabi ng isang sopistikadang boses kaya napamulat agad ako ng mata. Nakahiga ako sa kama ko. Nilibot ko ang aking paningin at naalalang nandito ako sa kwarto ko sa palasyo ng Tenebrous. Sa tabi ng aking kama ay nandoon ang reyna. Nakaupo siya sa upuan at nagbabasa ng isang beauty magazine. "Why are you here? It's 12 in the midnight." Tanong ko. "May ipag-uutos ka na naman ba? Pwede bang sa susunod na lang iyon. Kung hindi mo nakikita, may sakit ako." Di ko napigilang magtaray. Huminga siya nan

