Chapter 26 Sweet. Delicious. Yummy. Mmmmm... Nakaupo ako dito sa bench sa backyard ng Safronov habang kinakain ko ang mansanas na ninakaw ko mula kay Damien. Ang sarap pala nito, makanakaw pa nga nang masmarami. "Atchi!" Sigaw ng isang boses. Napairap ako, istorbo sa kapayapaan. "Atchi!" Sigaw na naman ng isang batang boses. Isa pa ah. Isa pa. "Atchi!" Nilingon ko na yung nakakainis na boses. "Anong proble—Adeline?" "Atchi!" Tumalon si Adeline sa hita ko at agad ko siyang nasapo. "Atchi!" "Atchi? Does it mean Ate?" Tanong ko nang may ngiti. "Yup!" "But you may call me sister-in-law if you want." I giggled. "Sistey in yow?" Tanong niya nang nakanguso. Nakaupo siya sa hita ko. "Yes. Sister-in-law." "How come?" Kunot pa rin ang noo niya na halatang hindi kumbinsido sa sinabi

