Chapter 27 "Stop now please. Stop now." Iyak ko habang pinapahirapan na naman ng lalaki ang isang kaawa-awang babae sa aking harapan. Pagod na kong makarinig ng hikbi. Nandidiri na ako sa dugo. Tama na. Pakiusap. Tama na. "Hindi ako titigil hangga't hindi ka nasasanay." Tugon niya. "King Azrael, bakit niyo po ito ginagawa?" Nanginginig ang aking baba. Basang basa ang aking mga pisngi ng luha. Napasigaw ako nang pugutan niya ang babae sa aking harapan. Nanginig ang buo kong katawan. Naestatwa ako sa pagkakaupo ko sa sahig. "Para masanay ka. Sa susunod na makakita ka ng ganitong pangyayari ay magiging normal na lang sa iyo. Hindi ka na magugulat at matatakot. Masmagagampanan mo ang responsibilidad mo kapag nangyari na iyon." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay nilisan niya na ang kwarto a

