Prologue
MIDNIGHT SON
Copyright © 2020 by AZULAN
All right reserved including the right of reproduction in whole or in part in any form. This is a work of fiction, Names, Characters, Places, and incidents are either product of authors imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual person, living or dead, business establishment, events, or locales is entirely coincidental.
_________________________________________________
PRAISE for MIDNIGHT SON
Grabe ang kwentong ito dahil talagang kailangan mong subaybayan para maintindihan ang mga nangyayari... ---> XerunSalmirro
Like :D :D ---> LoretoEcoJavier
Ang galing. Prologue palang yan. Two thumbs up. :) ---> JohnReyEsmana
Oh yeah dude... Cool nito. Keep it up. LOL ---> XavierJohnFord
Tch, Kahit kailan, idol talaga eh, , ---> ginneko
ganda kahit prologue palang ---> favorgrace
__________________________________________________
SPRINGVILLE STATE, 1993
MABILIS ang takbo ni Minerba Armada habang hawak hawak niya sa kanyang kandungan ang kanyang anak. Halos limang araw na siyang walang tigil sa kanyang pagkatakbo ngunit pakiramdam parin niya ay hindi parin siya ligtas. Isang grupo ng bampira ang humahabol sa kanya. Nagtatangis ang mga ito habang punong puno ng mga dugo ang buo nitong bibig.
Sa kanyang pagtakbo ay may nakita siyang isang maliit na kanlungan. Mula doon ay nagtago siya. Malapit na kasing sumilay ang liwnang ng haring araw kaya kailangan na niyang magmadali. Muli niyang binuksan ang isang tela na nakatabing mula sa mukha ng bata. Nangingiyak niyang hinawakan ang mala porselana nitong kutis. "Anak. Gusto ko na hanapin mo ang tatay mo pag dating ng tamang oras." Wika nito.
Muling umingay sa buong paligid. Agad niyang narinig ang mga lagaslas ng puno na ang ibig sabihin lamang ay paparating na ang mga kalaban nito. Tinakpang muli ni Minerba ang mukha ng kanyang sanggol. Pagkatapos ay nilagay niya iyon sa isang nakita niyang tila lalagyanan na yari sa karton at itinago iyon sa isang nakasiwang na parte ng dingding. Tamang tama naman ang pagsalakay ng mga bampira. Mukang nagmamadali sila sa kanilang akto dahil winasak ng isa sa kanila ang pinto sa pamamagitan ng isip nito. Nag-gula gulanit ang pintuan. Ang mga piraso niyon ay nag kalat sa buong paligid. Agad namang napatingin doon si Minerba.
"Ano Minerba Pagod kanaba?" Ika ng isang boses.
Tinakpan kaagad ni Minerba ang nasabing butas upang iligtas ang kanyang sanggol at upang di ito makita, pagkatapos ay buo niyang lakas na tinalon ang sampung talampakang taas ng dingding. Sinugod naman siya ng isa sa mga naturang lalaking bampira sa kabilang banda hanggang sa magpangaabot sila sa may ere. Agad siya nitong kinalmot sa pisngi. Nagsugat yun. Ang itim na dugong lumabas mula sa nahiwang sugat ay dahan dahang tumulo sa may sahig ng bahay. Napahiga siya. Agad naman siyang nilapitan ng isa pang lalaking bampira at agad siyang sinakal sa leeg nito. "Nasan na ang bata?"
"H-h-hindi mo s-s-siya makukuha." Pigil nito at halata na nahihirapang pagkakasabi.
"lapastangan ka!!!!!" Nagalit ang misteryosong lalaki. Mula sa pagkakahiga nito sa may sahig ay dahan dahan siya nitong inangat sa may ere gamit lamang ang isa nitong kamay. Napaka lakas nito. Parang nagbubuhat lamang ito ng kasinggaan ng bulak. "Pagbibigyan pa kita ng isa pang pagkakataon. Nasan na ang bata?" Sa namumula na nitong mga mata.
Nagtangis naman siya. Napapaluhang sinabi niya ang isang katagang handa na niyang ialay mailigtas lamang ang kanyang anak. "Patayin mo na lang ako. Pero hindi nyo siya mahahanap!"
"AHHHHH!" Sigaw nito. Gamit ang isang kamay ay inihampas niya ang babae sa dingding ng tatlong beses. Kitang kita ang pag kalasug lasog ng mga buto nito sa ibat isang parte ng kanyang katawan. Hindi siya naawa sa kalagayan nito. Napatigil lang ito sa kanyang ginagawa ng dumating ang isa pa nitong kasamahan. "Boros tama nayan. Patay na siya!" Sigaw nito.
"Hindi ka paring nagbabago Athos mabait ka parin.'' Sabay hagis ng katawan ni Minerba sa may bubong. Nabutas iyon, Kasabay ng pagbutas ng parteng iyon ng bahay ay sumilay ang kaunting liwanang ng umaga. Nasunog kaagad ang katawan ni Minerba habang papataas ito sa himpapawid. Ang bawat laman at balat nito ay unti unting nangingitim. Hanggang sa unti unti iyong maging abo bago paman ito tuluyang mahulog sa may lupa.
"Ano Athos ayos ba?" Usal nito sabay tingin sa kanyang kasama.
"lika na Boros baka tayo pa ang sunod na matusta." Yaya naman nito rito.
Umalis na si Boros mula sa pintuan ng bahay na iyon. Kinubabawan niya ang kanyang sarili ng isang itim na tela sabay takbo nito ng mabilis, Samantala ay naiwan naman duon si Athos habang nakatingin parin ito sa naging butas ng munting kanlungan na iyon. "Paalam!" Ika niya. Handa narin niyang ihakbang ang kanyang mga paa papalabas ng bahay at ihanda na ang sarili sa pag alis ng bigla naman siyang nakarinig ng isang iyak ng bata. Nagtaka siya. Ibig sabihin lang nun ay hindi napatay ni Boros ang sanggol!
Gamit ang kanyang pandinig ay hinanap niya ang tamang lokasyon kung saan ito naroroon. Pinuntahan niya at kinuha ito. Mula sa isang butas ng dingding ng naturang bahay ay nakita niya ang isang bata na naka balot ng isang itim na tela. Nagiiyak ito. Kinuha naman nito ang hintuturo niya at agad iyong sinuso. Nakakakiliti ang sensesyon niyon habang sinisipsip nito ang kanyang dugo. Pagkatapos nitong dumede ay muli niya itong ibinalot sa itim na tela. Ikinarga sa kanyang mga bisig at agad na inilayo sa lugar kung saan ay sa inaakala niya na magiging ligtas ito.
DAHAN dahang bumukas ang pintuan ng mansiyon ng Pamilya Armada. Pumasok naman kaagad doon si Boros na pagod na pagod habang inaayos nito ang kanyang kasuotan. Mas gusto kasi niya na maging maayos at presentable siya pagkaharap niya kay Haring Mateo. Malaki ang mansiyon ng mga Armada. Tila isang malaking hotel ang loob niyon dahil sa mahigit isang daang kwarto. Gawa sa puno ng mahogany ang bawat pintuan at mga kasangkapan sa loob nuon na denetalyihan naman ng mga pambihirang mga ukit.
Umakyat si Boros sa pangalawang palapag ng mansiyon. Isa pang pintuan ang tinungo niya bago paman siya tuluyang makapunta sa kwarto ng kanyang amo. Kumatok siya ng tatlong beses sa pintuan niyon. "Ako ho ito Haring Mateo."
"Sige pasok ka." Sagot naman nito sa mababang tono.
kaunting liwanang lamang ang inilalabas ng ilaw sa kwarto na iyon. Maayos naman ang buong paligid na tila walag taong namamalagi doon. Nakita niya si Mateo na ipinapaikot ikot ang kanyang hintuturo sa isang mataas na kupita. May laman iyong dugo, Dugo na galing sa isang batang kolehiyala na lingid sa kanyang kaalaman ay ang mga paborito nito.
"Kamusta ang iyong misyon?" Binaba ni Mateo ang kanyang kupita sa isang katamtamang taas na lamesa.
Gumalang muna si Boros sa harapan nito bago paman niya sagutin ang iniwan nitong katanungan. "Napatay ko naho ang bata." Pag sisinungaling nito. Pero ang totoo ay kahit na dulo ng kanyang mga daliri ay hindi man lamang dito dumampi.
"Magaling." Muling hinawakan ni Mateo ang katawan ng kupita. Pinataas baba niya ito duon. "Eh si Minerba?"
"Ahmm mahal na hari patawad pero..." Hindi pa man tapos si Boros sa kanyang pagsasalita ngunit tila alam na ni Mateo ang kanyang sasabihin. Itinaas nito ang kanyang kanang kamay sa ere. "Tama na." Tumahimik nalang si Boros.
Tumingin muli si Mateo sa senaryo na nagmumula sa kanyang bintana. Nakita niya duon ang muling pag silay ng liwanag ng araw sa buong paligid. "Mag uumaga na.'' Usal niya. Kitang kita ang pagkalungkot sa mukha nito. Pagkalungkot sa pagkawala ng isa sa pinakamamahal niyang nilalang.
"Mahal na hari. May ipaguutos pa hoba kayo?"
""Wala na. Maari kanang umalis."
Tamalikod na si Boros dito. Muli pa itong yumuko senyales ng paggalang bago paman niya tuluyang ihakbang ang kanyang paa papalabas.
"Ahh teka Boros..."
Napalingod siya muli dito. "Ano ho yun mahal na hari?"
"Nasaan si Athos?"
MAMASA masa ang lupa ng makapunta si Athos sa may bayan. Ngayon lamang siya nakapunta duon dahil narin sa palagi siyang nasa palasyo at ginagampanan niya ang kanyang misyon na ipinaguutos sa kanya nito. Muli rin siyang napatingin sa malawak na kalangitan. Kung hindi siya nagkakamali ay malapit ng masakop ng sikat ng araw ang kinalulugaran niya ngayon kaya naman kailangan na niya ng lugar kung saan niya iiwan ang bata.
Lahat na yata ng eskinita ay napuntahan na niya. Maaga pa naman kaya wala pang tao sa paligid. "Paano na to?' Sa kanyang pagtakbo ay dinala siya ng kanyang paa sa isang esklusibong sabdibisyon. Natataasan ang mga bahay duon at mga gawa sa konkreto. Isang sigaw naman ang kanyang narinig. kung di siya nagkakamali ay galing iyon sa isang babae. Agad niyang hinanap ang tinig. Napapad siya sa isang malaki ngunti simple lamang na arkitekto na bahay.
Agad siyang nagpunta sa pintuan niyon. Inihalili ang bata at binalutan ng isa pang itim na tela upang siguradong hindi ito masisinagan ng araw. Kumatok siya ng tatlong beses sa may pintuan sabay takbo ng mabilis. Nagtago siya sa isang matayog na poste at mula doon ay hihintayin niya ang nilalang na kukuha sa sanggol.
Napahinto naman si Doctor. Ricky Sarmiento sa kanyang ginagawa. Narinig kasi nito ang tatlong beses na pagkatok sa kanilang pintuan. "Honey may apointment kaba ngayon?" Tanong nito sa kanyang asawa na si Sally.
"Nope!" Sagot naman niya. Ibinaba na niya ng tuluyan ang isang parapernalya sa pag bubunot ng ngipin. Kasalukuyan kasing binubunutan niya ang kanyang asawa. Pangatlong araw ng sumasakit ang wisdom tooth nito. Halos isang dosena narin na antibiotic ang ininom nito ngunit hindi parin naampat ang sakit.
"Go ahead Honey. Tignan mo muna yun. Baka si Dennis yun o kaya si Gary. Mag dedeliver yata ng gatas." Tumayo na si Doctor. Ricky sa kanyang upuan. Hinalikan pa nito ang kanyang asawa. "Okay."
Dahan dahang nagtungo si Doctor Ricky sa front door ng kanilang bahay. Frosted glass ang kalahati ng kanilang pintuan kaya naman alam niya kung may tao pero ayon sa kanyang naaninag ngayon ay parang wala naman. Tinanggal niya ang puting medical gloves sa kanyang kamay. Pagkatapos ay dinama niya ang saradora ng kanilang pintuan at sabay paikot dito.
Isang bugso ng hangin agad ang bigla na lamang humampas sa kanyang mukha. Maliban doon ay wala na siyang makitang tao sa buong paligid. "Peste!'' Ika niya.
"Honey sino yan?" Tanong naman ni Sally na pinuntahan na ang asawa sa inip.
"Nope honey. wala naman." Handa na nitong isara ang pinto ng bigla naman siyang awatin ng asawa. "Honey wait!" Nagtaka agad siya. Bakit ngalang ba ganun ang reaksiyon nito? Agad namang nagpunta si Sally sa harapan ng pintuan. Lumuhod ito duon at tinignan kung ano ang laman ng isang basket na nakalagay duon. Binulatlat niya ng kaunti ang b****a niyon at agad na sumilay sa kanya ang isang sanggol na mahimbing na natutulog. Parang anghel ang taglay nitong kagandahan at puting tila gatas naman ang kulay ng kutis nito. "Honey I'ts a baby?" Sa nanlalaki nitong mata.
"What?" Gulat din naman ni Doctor. Ricky.
Tumingin tingin muli si Sally sa paliigid kung sino ang nag iwan nito doon ngunit wala namang kahit isang tao siyang nakikita. Kaya naman ay binitbit na lamang niya ang naturang basket at agad na pinasok iyon sa loob ng kanilang bahay.
Kitang kita naman ni Athos ang lahat ng mga pangyayari. Tuwang tuwa siya dahil kahit papano ay isang mapagmahal at tila mabait na mag asawa ang nakapulot sa sanggol. Isang usok naman ang bigla na lamang sumilay sa kanyang likuran. Nasususnog na pala ng bahagya ang kanyang likuran dahil nahagip na ito ng sinang ng araw. Tumalikod na kaagad ito. Handa na siyang umalis na mula sa harapan ng bahay ng mga Sarmiento ngunit isang sulyap pa ang iniwan niya mula dito.
"Adios Prinsepe." Isang pagpupugay ang kanyang binigay sa bata. Niluhod niya ang kanyang mga tuhod at agad na niyuko ang kanyang ulo. Pagkatapos nuon ay saka pa lamang siya umalis. Patungo na sa mansiyon ng mga Armada.
"SAN ka galing? Bungad ni Boros dito pag dating niya sa pintuan ng mansiyon. "May tinignan lamang ako saglit." Alibi naman niya. Umuusok usok pa ang balat ni Athos pag pasok niya sa b****a ng mansiyon. Mas malala ang natamo niyang paso mula sa kanyang braso dahil ito ang ginawa niyang pantabing sa sikat ng araw habang mabilis itong tumatakbo.
Dahan dahang inilakad ni Athos ang kanyang paa papasok. "Ahmm Athos tawag ka pala ng hari may ipag uutos ata."
Tumingin lamang siya dito. "O sige."
Kabadong kabado si Athos na humarap sa pintuan ng hari. Namamawis ang kanyang mga kamay habang nakahawak ito sa saradora ng pintuan.
"Mahal na haring Mateo?" Ika niya sabay katok ng tatlong beses.
"Sige pasok."
Nag aayos ng kanyang gamit si Mateo ng naabutan niya ito duon. May kasama itong dalawang dama na nagsisilbi nitong gabay sa kanyang pag iimpake. Sumenyas si Mateo. Sa kanyang pag senyas ay agad namang lumabas ang dalawang dama na papatagilid.
Nabalutan ng katahimikan ang buong silid. Nakatitig lamang siya kay Mateo na sobra din naman ang pagkakatitig nito sa kanya.
"Ano pong ipaguutos ninyo mahal na hari.'' Na may pagka garapal nitong pagkakasabi.
Tumayo si Mateo. Nagpunta siya sa isang mataas na lamesa at kinuha doon ang isang mamahaling alak. "Alam mo Athos. Alam ko na galit kapa sakin dahil sa ginawa ko sa iyong kapatid. Pero hindi mo ako masisisi. Kailangan kong gawin yun para din sa ikabubuti ng susunod na henerasyon ng mga kagaya nating bampira." Huminto saglit si Mateo sa pag lalagay nito ng alak sa dalawang kupita. Pagkatapos niyang lagyan iyon ng kaunting nakakalasing na inumin ay saka naman niya ito hinaluaan ng dugo. Kinuha niya ang dalawang kupita. Lumapit ito kay Athos at agad na ibinigay ang isa sa kanya.
"Ano Athos may idadagdag kapa...?" Tanong nito rito sa isang tila maamo at inosenteng mukha.
Tahimik lamang ito habang nakatingin lamang sa ibaba na sahig. Ultimo siya ay tila sising sisi dahil sa pag tryador niya sa kanyang kapatid.
"Okay kung wala ka ng sasabihin pa ay mag ayos kana. Aalis tayo" Wika nito.
"A-a-aanong aalis?'' Pautal utal niyang sabi.
Lumakad muli si Mateo mula sa isang mataas na lamesa. Nilagay niya muna ang isang kupita doon at saka muling nagsalita. "Paglubog ng araw. Gusto kong sumama ka sa akin papuntang Espanya." Pagtatapos nito.
"TALES! Tales Sarmiento na ang magigng pangalan ng batang ito. From the name of my Great great grand father." Kinarga ni Sally ang bata. Hinaplos haplos pa niya ang maputing pisngi nito at agad na sinuri ang maamo nitong mukha. "He's really like an angel. Diba honey?"
"Wait! Anong Tales? bakit mo pinapangalanan na ang bata eh hindi pa naman satin ang custody nyan!"
"Dont be ridicolous Ricky! Simula ngayon ay satin na ang batang ito at hindi na magbabago yun."
"But honey pano kung may magputa dito tapos i claim na sa kanila yang bata." Sa sarkastiko naman nitong tanong.
Nagrolyo ang mata ni Sally. "Ricky Sarmineto. HIndi ko alam kung nag iisip kaba o ano! Sa tingin mo sinong magulang ang mag-iiwan sa kanyang anak sa harapan ng doorstep na hindi niya kakilala?"
"Malay mo kinidnap?" Pagbibiro pa nito.
"Please stop this nonsense conversation!'' Sabay alis ni Sally papuntang kusina.
Napasinghal si Sally habang naka harap siya sa may lababo. Kahit na anong sabihin pa ng asawa nito ay hinding hindi niya ibibigay ang bata. Pakiramdam kasi niya ay napamahal na sa kanya ito kahit na limang oras pa lamang silang nagkakasama. Inihalili niya muli ang itim na tela na nakabalot dito. Muli niyang tinignan ang mukha ng bata at agad itong binulungan. "Tales. Simula ngayon ay ako na ang mommy mo.'' Ika niya sa mumunti nitong tenga.
Mula sa isang lamesa ay inilapag ni Sally ang basket kung saan si Tales namamalagi. Itinapat niya iyon sa lalagyaan ng mga kobyertos. "Tales diyan ka muna.'' Bulong niya muli dito. Binuksan ni Sally ang refrigerator. Kumuha siya doon ng isang bote ng gatas na may straberry flavor. Sa sobra kasi nilang kasabikan sa bata ay nakalimutan nilang mag almusal. Balak niya ay papartneran niya iyon ng toasted bread habang lalagyan niya iyon ng mantikilya sa ibabaw.
Natatakam na siya habang kinukuha ang isang box ng mantikilya. Binuksan niya ang freezer. Umuusok pa ang kahon niyon sa sobrang lamig. Sa bandang gilid niyon ay nakita niya ang isang non-fat butter na binili pa niya nung isang araw. Tumingkayad pa siya ng konti upang kunin iyon ng bigla na lamang siyang nakarinig ng isang kalampag. "Si baby!" Gulat niya.
Agad siyang nagpunta kung nasaan ang bata. kitang kita niya ang pangyayari habang tila slow motion na nahuhulog ang isang bugkos ng mga kitchen utensils na katabi lamang nito. kasabay niyon ay ang nasabing bata. Agad siyang kumilos. Dinipa niya ang kanyang kamay at agad itong sinalo. Mababa lamang ang lamesa ngunit ang mapanganib doon ay ang mga fillet knife na nakahambalan. Ngunit hindi nayun inintindi pa ni Sally. Okay lamang siyang masugatan basta ang importante sa kanya ngayon ay ang pag salo niya sa bata. Nasalo naman niya ito ngunit tumusok naman sa kamay niya ang isang katamtamang laki ng kutsilyo.
"Honey anong nangyari?" To the rescue naman si Ricky. Nahuli niya sa ganong akto ang kanyang asawa na nakahiga sa may sahig habang tila posporong natapon sa kahon nito ang lahat ng mga kitchen utensils sa paligid.
Inayos kaagad ni Ricky si Sally. Agad itong kumuha ng bulak at binendahan ang sugat nito. Si Sally naman ay iba ang inalala. Walang iba kundi ang bata. Pero kahanga hanga rin ito dahil kahit na nahulog na ito kanina sa mga bisig niya ay hindi man lamang ito umiyak. "Pambihira!'' Bulalas niya. Muli niyang hinipo ang pisngi nito. Nakalimutan niya yata na may sugat pa iyon kaya tumulo ang dugo nito sa munting bibig ni Tales. Tinabi muna niya ito sa isang tabi habang ginagamot naman ni Ricky ang sugat niya.
Binendahan ni Ricky ang nahiwa nitong balat. Ngunit ng mapasulyap ito sa bata ay siya namang pagkabigla niya. "Huling huli niya sa akto na bahagyang humaba ang dila nito at dahan dahang dinilaan ang dugo na tumulo sa pisngi nito. "Honey look!?" Gulat ni Ricky.
Hindi makapag salita si Sally sa mga nangyari. Panandaliang tumahimik sa buong bahay ng mga Sarmiento at nakatingin lamang sila sa isang direksiyon ngayon. Walang iba kundi sa isang sanggol, Isang sanggol na ang akala nila ay isang normal na nilalang na yun pala ay walang iba kundi isang batang pambihira.