MALAMIG ang hangin na sinabayan ng mamasa masang kalsada. Isang itim na kotse ang bigla na lamang kinarera ang kahabaan ng Santa catalina highway mag aalas dose ng gabi. Sakay niyon ang dalawang babae na halos hindi na magkandarapa sa pag aagawan sa manibela. "Karen ako na mag da drive." Pilit na kinuha ni Ivy ang naturang manibela sa pangangalaga nito. "Ako na friend! Saka kailan kapa natutong mag drive aber?" Nanginginig ang kamay ni Ivy ng mapadampi ito sa kamay ng kaibigan. Tila isang banggkay iyon sa lamig habang ganun din ang buo nitong katawan. "Oy oy oy! mag relax ka nga lang diyan at baka sumunod ka kay Jovan?" "Tumahimik ka nga! Hindi pa patay si Jovan! Hindi pa!" "So pagsisinungalingan tayo ni Tales? Ganun bayun? Alam mo namang todo honest nung taong yun eh." Hindi man lam

